Chapter 23

1172 Words

Parang binibiyak sa sakit ang ulo na nagbangon si Danilo, nagtaka ang binata nang mapansing wala siya sa sofa sa sala na nakasanayan na niyang higaan, magmula nang dumating si Nadielyn. Si Nadielyn? Saan kaya ito natulog? Pagkaalala dito ay naglakad siya palabas ng silid.             Nakita niya ang dalaga na natutulog sa sofa sa sala. Nakonsensiya bigla dahil alam naman niyang hindi ito sanay matulog doon. Napatingin siya sa orasang nakakabit sa pader, alas singko na nang umaga.             Humakbang siya palapit dito at bahagyang yumukod. Hindi maiwasang pagmasdan ang mukha nito. Mula sa matang may mahahabang pilik, ang maliit pero matangos na ilong, ang makipot na labi na may natural na pagkapula. Hindi maipagkakailang maganda talaga si Nadielyn. Bahagya siyang napaatras nang kumislot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD