Mizian 27 Years of age. From Philippines. Mabuhay!
Brateleza Series 1- Babysitting The Runaway Señorita
Brateleza Series 2- Babysitting The Brat
Brateleza Series 3- Taming The Brat Prince
Brateleza Series 4- Sweet Surrender to Stranger
Brateleza Series 5- Chasing the Brat
Standalone: ?
Her Private Tutor
SPG (18+)
"Darren? Gusto mo ng reward from me?" parang nawala sa sariling tanong ko.
"Ano’ng reward, Sabrina?" napalunok na tanong niya dahil nakita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya.
"Magaling kang tutor, marami akong natutunan sa’yo, kaya gusto kong bigyan ka ng reward. Pili ka, hahawakan kita o hahawakan mo ko?"
Napaawang ang mga labi niya.
"H-Hahawakan?" tila nagbuhol na ang dilang tanong niya kaya marahan akong tumango.
Hindi ko alam pero nanggigil ako sa kainosentehan niya.
"Kahit saan…mamili ka na lang kung sino ang gagawa. Ikaw o ako?"
Matapos ang mahabang panahon na pamamalagi sa ibang bansa ay umuwi si Samantha sa Pilipinas nang makuha ang inaasam na diploma.
Tulad ng karaniwang balik-bayan ay namiss niya ang mamasyal sa sariling bansa.
Napadpad siya sa isang Hacienda.
Ang Hacienda Imperialeza. Doon ay nakita niya ang isang batis na may bonus pang naliligong lalaki sa gitna! Parang real life version of a Greek God!
Pero sa takot na baka makita siya nito ay tumakbo siya palayo pero may taglay na kamalasan, nadapa pa siya. Namalayan na lang niyang nasundan na pala siya nito.
Kaagad niyang nakilala ito nang makaharap. Ito ang kababata niyang si Gian Lee Fortaleza!
Pero sa kamalasan ay parang hindi siya nakilala nito at pinagbintangan pang trespassing at namboboso. Bilang ganti ay binitbit siya nito at inihagis sa batis. Napakabastos na lalaki! Nakakagigil!
Prinsipe talaga ito ng pagkabratinelo kahit noong mga bata pa lang sila! Tuturuan niya ito ng leksyon! At ipaalala niya rito ang mga pinagsamahan nila.
Pero parang napakahirap gawin dahil mas matigas pa sa bato ang ulo nito.
“Bakit mo ko kinalimutan Gian Lee? Lahat ng mga pinagsamahan natin?” minsan ay naitanong niya sa binata.
"Simply because they are not that important…"
Parang palasong itinarak sa puso niya ang isinagot nito. Is it time for her to give up or will she be able to gather all her courage to tame the brat prince?
Babysitting The Runaway Señorita
Ayaw ni Nadielyn sa ideya na muling magpakasal ang ina sa ibang lalak matapos mamatay ang kanyang ama. Kaya pinapili niya ito. Siya o ang bagong lalaki sa buhay nito. Mistulang nagtengang kawali lang ito sa kondisyon niya dahil nagpakasal pa rin ito. Sa sobrang sama ng loob ay napilitan siyang maglayas.
Napadpad siya sa poder ng dati niyang yaya. Bagong mundo ang sumalubong sa kanya dahil malayo iyon sa marangyang pamumuhay na nakasanayan niya. Hindi niya alam kung paano makiayon lalo na at makakasama niya sa iisang bubong ang anak nitong ubod ng antipatiko na si Danilo Imperial. Ang masungit na binata. Uubra kaya ang katarayan niya lalo na kung sa kagwapuhan at malagkit na titig palang nito ay tumitiklop na siya? Nagagawa nitong utusan siyang maglaba! Magluto! At kung anu-ano pa. Pero may isang bagay na kahit hindi nito iutos ay nangyari na. Napapatibok ng antipatikong binata ang puso niya…
Maria Lian Fortaleza story. She has a twin. They are the exact opposite of each other except for one. Their hearts are beating for the same person. For Travis Shane Del Fuego. Will Marli follow her heart or runaway to escape from grievous choices?
Nagsimula sa halik na sinundan ng tagpong mapang-akit matapos kaya sa Pag-Ibig na hitik?
Nirvanna Altamonte konserbatibong babae kaya naman ng pagtaksilan siya ng nobyo dahil hindi siya nito makuha ay isinumpa niya ritong ibibigay niya ang pinakaaasam nito sa kahit na sinong lalakeng makasalubong niya. Nagdilang anghel sya, lalakeng mukhang anghel nga ang nakasalubong niya. Mapanindigan kaya niya ang banta sa nobyo makaganti lang rito? Would she surrender herself to a total stranger?
James Carlo Fortaleza Story- BrateLeza Series #4