Typhoon: NAPATAYO AKONG buhat ang mga anak ko ng tuluyan ng pumasok si Althea na salubong ang kilay habang palapit sa amin ng mag-iina ko. "Hindi mo ba alam na oras ng trabaho ngayon Ms. Montereal? Dinala mo pa talaga ang mga bata para may excuse kang landiin ang fiancee ko." Ani Althea na may kadiinan at pang-uuyam ang tono. Napalunok ako at 'di makapagsalita lalo't kalong ko ang mga batang tila nakikiramdam sa namumuong tens'yon sa paligid. Tumayo naman si Catrione at nginisian ito ng nakakaloko na ikinatagis ng panga ng kaharap namin. "Do you have brains Lieutenant Montereal? Bakit ko dadalhin ang mga bata kung lalandihin ko lang naman ang asawa ko...oh I mean, dating asawa ko. Hindi ako ganoo'ng maglaro Ms. Montereal." Palabang pang-uuyam din nito. Nagkatitigan sila na tila nagbu