Cathleen point of view: NANIGAS AKO SA narinig kay Typhoon. Bumilis ang t***k ng puso ko at may kung anong tuwa akong nararamdaman na unti-unti ng lumilinaw sa kanya ang mga ala-ala nila ni Catrione. "Tumabi ka nga!" Napasalampak ako sa sahig sa biglaang pagkabig ni Althea sa akin habang matiim kaming nagkakatitigan ni Typhoon at bakas ang matinding pananabik at pangungulila sa nanunubig niyang mga mata at alam kong para iyon sa kapatid ko. Nagpantig ang panga ko at tumayo. Hindi ko na ininda ang pagkakatama ng pang-upo ko sa tiles dahil sa biglaang paghablot nito sa akin. Natutulala pa rin si Typhoon na tila kay lalim ng iniisip at hindi maka-react sa mga nangyayari kaya sinamantala ko ng hinablot si Althea sa braso! Ini-lock ang braso nito paikot sa kanyang likod at mabilis kinalad