Typhoon: NAPAKAGAAN NG LOOB kong lumabas ng mansion papasok ng trabaho kahit marami pang katanungan sa isip ko tungkol sa mga nabura sa ala-ala ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay nasulyapan ko sa side view mirror ng motor ko ang kotse ng nakababatang kapatid kong si Cloudy na pumasok sa mansion ng mga Montereal. Nag-u-turn akong muli dahil baka sinusundo ako nito at nagkasalisihan kami. Naabutan ko naman itong buhat ang kambal ko at nagtungo sila sa gawi ng garden. Iniwan ko na sa labas ng gate ang motor ko at nakangiting muling pumasok ng mansion. Pinagbuksan din naman ako ng mga guards ng gate kaya tumuloy ako sa garden. Napakubli ako sa puno ng pinetree na malapit sa kinauupuan ngayon nila Cloudy ang kambal at si Catrione. Napapangiti na lang akong pinagmamasdan sila at mababakas a