Catrione:
MAAGA AKONG NAGISING at pasikretong kinunan ng video ang mag-aama na ngayo'y nahihimbing pa rin. Napakasarap nilang pagmasdan habang pinapagitnaan nila ang amang naka-topless at boxer briefs lang ang suot. Hindi mapangalanan ang tuwang nasa puso ko ngayong pinapanood silang magkakatabing natutulog.
Naalala ko pa kagabi kung makailang beses kaming nagsalo ni Typhoon sa banyo maging sa walk-in closet ko sa sobrang pananabik namin sa isa't-isa. Hindi ko lubos akalaing hanggang ngayo'y wala pa ring namamagitan sa kanila ng traydor na Althea na 'yon. Sinasabi ko na nga ba at may gusto siya kay Typhoon noon pa man.
At ngayon nga ay fiancee kuno na niya ang dating asawa ko. Pero hindi ako papayag. Hindi ko isusuko basta-basta si Typhoon sa kanya lalo pa ngayong may namagitan ulit sa amin at ramdam kong mahal pa rin ako ni Typhoon kahit hindi niya sabihin.
Nakilala nga ako ng anaconda niyang hindi magising-gising ni Althea sa loob ng limang taon. I pity her. Kahit hindi ako naaalala ng isip ni Typhoon ay kilala pa rin ako ng puso at alaga nito na ako ang original na nagmamay-ari sa kanya sa simula pa lang.
Maingat kong inilapag sa bedside table ang camerang naka-on pa rin na nakatutok ngayon sa mag-aama ko at dahan-dahang sumampa sa kama katabi ang mga ito.
Napangiti ako nang iunat ni Typhoon ang isang braso at hinila ako paunan sa kanya.
Nasa kabilang gilid naman niya ang kambal naming nasa tagiliran na nito ang mga ulo sa likot nilang matulog.
Para kaming isang buo at masayang pamilya sa mga oras na 'to at wala na akong mahihiling pa kundi ang ibigay na sa amin ng Diyos ang ibinibilang ko pa ring asawa ko hanggang ngayon para mabuo na ang pamilya ng mga anak ko.
Kita ko ang labis na kaligayahan ng kambal namin habang nakaka-bonding ang ama kagabi. Unang beses nilang nakasalo sa lamesa ang ama kaya panay ang subo nilang animo'y ilang linggong walang kain ang ama. Natatawa na lang ako ng magpasaklolo si Typhoon para awatin ko ang mga anak naming tantanan na siyang pakainin.
Maging sa palaro na hindi naman alam ng mga anak namin kung paano laruin ay nakigulo sila makasama lang ang amang pinag-aagawan pa.
Mariin akong napapikit ng maramdamang gumalaw si Typhoon at pinaghahalikan ako sa ulo.
"Good morning, Mommy"
Paos nitong bati bago bumaling sa kabila at mahina pang natawa pagkakita sa posisyon ng kambal.
Maingat itong umupo at inayos ng higa ang dalawa. Napasilip ako ng isang mata at nakita itong nakangiting hinahaplos ang dalawa sa pisngi at pinaghahalikan din ang mga ito.
"Good morning too, my beloved sons. Kay gugwapong bata niyo naman. Walang dudang anak ko nga kayo."
Anas nito na mahina kong ikinatawa. Mabuti na lang hindi ako nito napansin dahil nakatutok sa kambal namin ang attention at mababakas ang tuwa sa kanyang mga matang pinagmamasdan ang mga ito.
Muli niya itong pinaghahalikan kaya nagising si Tyrone. Namilog pa ang mga mata nitong nabungaran ang ama at kaagad napabangon at yumakap dito.
"Good morning, Daddy!"
Pabulong bati nito sa ama at pinupog ng halik ang buong mukha ni Typhoon na lalo nitong ikinangiti.
"Good morning too, anak ko."
Ganting bati nito at pinaghahalikan din ang anak sa buong mukha nito na ikinahagikhik nang isa.
"Bonjour Papa!" (French language) (Good morning Dad!)
At nagising na nga ang bunsong hindi nagpapalamang sa kuya. Napapailing na lang ako ng bumangon na ito at kaagad nagsumiksik sa bisig ng ama habang nagkakasamaan na naman sila ng tingin ng kapatid na naunang nakakalong sa bisig ng ama nilang pinag-aagawan na naman nilang kay aga-aga.
"Good morning anak ko."
Bati ni Typhoon at pinaghahalikan din ito. Napalunok ako ng maramdaman ang matiim na nilang pagbaling sa akin na nagtutulog-tulugan. Pinakiramdaman ko ang mga itong dahan-dahang lumapit sa akin at kinikiliti sa aking ilong! Napapakibot ang nguso at ilong ko sa pagsusundot nila gamit ang dulo ng buhok ko sa butas ng ilong ko sabay napapahagikhik silang mag-aama.
Hindi ko na napigilan at napabahin akong ikinahalakhak nilang tatlo. Pinaningkitan ko ang mga ito na sabay-sabay nagkibit balikat at turuan!
"Hindi ako, ang mga anak mo."
Kaagad depensa ni Typhoon pero 'di naman makatingin sa mga mata kong napaghahalataang guilty.
Bumaling ako sa kambal na kaagad itinuro ang ama na ikinamulagat ni Typhoon.
"Tyrone.... Typhus.."
Umiling kaagad ang mga ito wala pa man akong sinasabi.
"It's Dad and Typhus, Mom not me!"
Depensa ni Tyrone na may kasamang pag-iling-iling pa. Natawa naman si Typhoon na ginulo ang buhok ng anak.
"No Mom, it's Daddy and Tyrone!"
Pagkakaila naman ni Typhus na ikinataas ng mga kilay ko. Napapailing na lang ako sa pagpapasaan ng mag-aama na halata namang silang tatlo ang may pakana.
Inabot ko ang unan at inihampas sa kambal pero hindi naman kalakasan. Napahalakhak ang mga itong kaagad nagtago sa likuran ni Typhoon habang inabot naman ni Typhoon ang isang unan na isinasangga sa paghampas ko sa kanilang mag-aama!
Napuno tuloy ng halakhak naming mag-anak ang buong silid dahil sa kay aga-aga naming paghaharutan.
Hinila ko naman si Tyrone ng kumuha na si Typhus ng unan at tinutulungan ang ama na pagka-isahan ako!
Mabuti na lang kumampi si Tyrone ko at kumuha rin ng unan para pangsalo kay Typhus sa pakikipagsanib-pwersa sa ama.
Gusot-gusot tuloy ang kama namin at pinagpawisan na rin habang nagkasabog-sabog ang mga buhok namin sa aming pagkakagulo. Napakasaya na sa gan'to nagsimula ang umaga naming mag-anak kahit nakakahingal at pawis ay hindi matatawaran ang sayang dulot ng aming paghaharutan.
Magkasabay naming pinaliguan ni Typhoon ang kambal naming kay kukulit at winiwisikan pa kami ng mga bula-bula sa katawan kaya natagalan kami sa pagligo kasama ang mga ito. Maging sa pagbuhat namin sa kanila at pagdala sa walk-in closet ay magkasabay naming dinala at binihisan ang mga ito.
Natigilan naman si Typhoon pagkabukas sa closet at napadako ang paningin sa mga uniporme ng pulis na nakahanger doon.
Napalunok akong lumapit dito dahil nagkukulitan na ang dalawa sa mga staff toys kong nandidito.
Hinugot nito ang isang set ng uniporme nitong nakahanger na napanguso habang pinapasadaan ng tingin iyon. Nagtataka pa ang mga mata nitong tumingin sa akin.
"Bakit meron ka nito, Catrione?"
Takang tanong nito habang pinapasadaan ng tingin ang uniporme.
"Ahm, iniwan mo kasi ang mga binili natin noon sa mansion at mga dating gamit mo lang ang dinala mo nang umalis ka at.....iniwan mo ako."
Napakunotnoo itong bakas ang kaguluhan sa kanyang mga matang napatitig sa akin.
Napatungo ako at nanubig ang mga mata dahil iyon ang araw na nagsilbing lagim sa tanang ng buhay ko!
Napabuntong-hininga naman ito at iniangat ang mukha ko. Pinahid din nito ang mga luha ko habang itiningala ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihing....iniwan kita?"
Napalabi akong mariing pumikit para humugot ng lakas ng loob. Kailangan kong maging tapat sa kanya at ipaalala ang nakaraan namin para may ideya siya sa mga pinagsamahan namin. Baka sakaling maalala na niya ako at balikan na niya kaming mag-iina niya.
"Aaminin kong hindi maganda ang naging pagsasama natin, Typhoon. Pero handa kong ipaalala sayo ang lahat mula umpisa hanggang dulo. Baka sakaling makatulong sa memorya mo at maalala mo na ang pinagsamahan natin."
Napatangu-tango itong matiim akong tinititigan.
"Ahm, nu'ng araw nang kasal nila Kuya Khiranz sa Ilocos-"
Naputol ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone nito. Hinugot naman nito iyon at namilog bahagya ang mga mata kaya napasilip ako at nakitang picture nila ni Althea ang nasa screen at 'babe' ang naka-appear sa screen na tumatawag. Parang libo-libong karayom ang tumutusok-tusok sa puso ko na babe ang tawagan nila sa babaeng mang-aagaw na 'yon!
Kahit nasabi ni Typhoon na walang namagitan sa kanila sa loob ng limang taon dahil hindi tumatayo ang alaga nito sa higad na 'yon!
Hindi na binigyan kahihiyan ang pagiging mag-pinsan namin. Napaka-traydor. Lahat sila pinagkaisahan ako, kami ni Typhoon kaya wala manlang kaming kaalam-alam sa mga nangyayari.
Hindi ko pa nakakausap ang pamilya ko tungkol sa pagtatago nila ng katotohanan sa akin na buhay pa pala si Typhoon na ngayo'y karelasyon ang babaeng punutdulo ng mga pag-aaway namin noon.
"Ahm, sorry Catrione. Kailangan ko ng umalis. May malaking kaso kasi kaming tinututukan ngayon kaya tinatawag na ako para sa meeting namin ng team ko."
Napabalik ang ulirat ko sa sinaad ni Typhoon na sa cellphone pa rin nakatutok. Tumango-tango ako at pilit ngumiti dito.
"Go on, Daddy. Naiintindihan ko naman eh, ako ng bahala magpaliwanag sa mga bata."
Ngumiti ito sa akin bago lumapit kina Tyrone at Typhus na ngayo'y tag-isang nakasakay sa dalawang malalaking elephant staff toys na pinaglalaban nila ang mga trunks ng mga ito.
Kaagad naman silang tumalon sa kanilang ama na sinalo ni Typhoon.
Maingat nitong ibinaba ang mga ito sa couch at pinahid ang mga pawis na nagsimulang namumuo sa kanilang noo at leeg.
"Anak, Daddy need to leave now, huh? I have to go to work. Be a good boy to your Mom, okay?"
Pamamaalam nito. Nalukot naman ang mukha ng dalawa na napalabi sa ama.
"But Daddy."
"I'll be back, tonight after my duty son."
Saad nito na ikinaaliwas ng mukha ng dalawa at napapalakpak pa bago niyakap ang ama at pinaghahalikan.
Napahalakhak tuloy nila ito dahil maging sa leeg nito'y pinaghahalikan din.
"Papa pouvez-vous nous apporter un souvenir?" (French language) (Daddy can you bring us souvenir?)
Excited na saad ni Typhus at napasalinop pa ng mga kamay na parang nananalangin pagbigyan ng ama at nagpakurap-kurap na parang napakaamong tuta. Lumapit na ako at tinapik sa balikat si Typhoon na salubong ang mga kilay.
"Pasalubong daw Daddy."
Napatango-tango itong napangiti na ginulo ang buhok ng kambal na kaharap habang nakaupo kami sa harapan nitong nakaluhod ang isang tuhod kaharap naming tatlo.
"Sure anak, what do you want then?"
"Hmmm..."
Napahalukipkip naman itong tila nag-iisip ng ipapabili sa ama.
"Anything from you Daddy."
Saad na ni Tyrone sa malalim na pag-iisip ni Typhus kaya napairap tuloy ito sa kuya niyang napangisi.
"Yes Daddy anything from you."
Pagsang-ayon na rin nito sa kuya. Ngumuso pa ang mga ito kaya napahalik-halik ang ama sa mga nanunulis nilang nguso.
"Ahm! Wala ba kay Mommy?"
Namula si Typhoon sa sinaad ko at napakamot pa sa kilay. Napatakip naman sa bibig ang dalawang anak namin at pumikit pa kaya natatawa na lang kami ni Typhoon na naghalikan ng may kariinan. Parang lumulukso sa tuwa ang puso ko na humalik din ito sa akin bago tumayo na at nagbihis sa fitting room nitong silid.
Ilang sandali lang ay lumabas na ito at hapit na hapit pa rin dito ang dating uniporme. Mas tumingkad tuloy ang kagwapuhan nito dahil bago pa rin naman ang mga 'yon na maingat kong itinago.
Napakalapad ng ngiti nitong binuhat na ang dalawang anak namin kaya napasunod na lang ako sa kanila. Bumaba kami ng sala at hinatid ito sa garahe dahil male-late na raw ito kaya 'di na nag-agahan at sa headquarters na lang daw nila.
Muli din nitong pinaghahalikan ang dalawa na ginantihan rin ng kambal. Natatawa ito ng ngumuso ako at nag-smack-kiss sa mga labi ko bago nagsuot ng helmet.
Napa-wave na lang kami dito ng bumusina na ito palabas ng gate. Akmang papasok na kami ng mansion nang may bumusina sa labas ng gate at pinagbuksan din naman ng mga guard ang puting kotseng bmw na papasok.
Kinabahan ako dahil huminto ito sa tapat naming mag-iina. Parang nagkakarambola na nga ang pagtibok ng puso ko lalo na ng bumaba ito at ang pokerface na gwapong mukha ni Cloudy ang lumabas sa driver side.
Napalunok ako at bahagyang naapatras sa matiim nitong pagtitig pero kaagad ding lumambot nang mapatingin sa dalawang paslit na ngayo'y nakayakap na sa magkabilaang baywang ko habang napapasiksik sa akin at nakatingala dito.
Iniluhod nito ang isang tuhod sa semento para mapantayan ang kambal na ngayo'y napabitaw na sa akin at sabay hinaplos ito sa kabilaan nitong pisngi na ikinatulo ng luha nito.
"Is this for real?"
Namamanghang bulalas nito at kaagad niyakap ang kambal. Napangiti na rin akong pinagmamasdan ang reunion nilang magti-tito dahil bakas sa mukha ni Cloudy ang galak na makita ang mga pamangkin.
Pinaghahalikan din nito ang kambal na ginantihan din nila kaya lalo itong naluha at napangiti.
"Es-tu aussi notre oncle?" (French language) (Are you our uncle too?)
Saad ni Tyrone na ikinakamot nito.
"Ahm, I don't understand your language baby. Can you say it in english?"
Anito na ikinalingon sa akin ng dalawa na tinanguhan ko.
"Are you our uncle too?"
Pag-uulit ni Tyrone na ikinatango agad nito na may malapad na ngiti sa mga labi.
"Yes baby! I'm your uncle Cloudy. Your father is my older brother."
Pagpapakilala pa nito sa masiglang tono kaya napapalakpak ang dalawa.
"Yehey! We have one more uncle Mom!"
Napapapalakpak na irit ni Typhus bago muling pinaghahalikan si Cloudy na napahalakhak at muling niyakap ang mga ito.
"What's your name baby?"
Kinalong na nito ang kambal at tumungo sa garden nitong mansion na katabi lang namin. Napasunod na lang ako at nangingiting nakikinig at pinapanood ang mga itong galak na galak sa isa't-isa.
Naupo ito sa bench na nalililiman ng nakahilerang pinetree at pinaupo sa magkabilaang hita ang dalawa paharap sa kanya.
"I'm Tyrone Uncle!"
"I'm Typhus Uncle!"
Panabay pa nilang pagpapakilala. Naluluha namang nagpalipat-lipat ng tingin si Cloudy sa mga pamangkin.
"Ahm, iwanan ko muna kayo at kukuha ng meryenda."
"H'wag na Ate, okay lang."
Tutol agad nito sa akmang pagtayo ko. Pilit akong ngumiti at muling naupo kaharap ng mga ito.
Maya pa'y nag-selfie-selfie pa ang mga ito at giliw na giliw namang magpakuha ng litrato ang kambal sa kanilang uncle.
Nang makapagpaalam na si Cloudy sa dalawa dahil tinatawag na sila ni mommy para mag-agahan ay naiwan kami ni Cloudy dito sa garden.
Muli akong nilukob ng kaba sa matiim nitong pagtitig sa akin na 'di ko kayang salubungin.
"H'wag mong guluhin si Kuya."
Napalunok ako sa seryosong tono nito sa pagbasag niya sa mahaba-haba naming katahimikan.
"H'wag mong gamitin ang mga bata para gawing miserable na naman ang masaya.....at tahimik niyang buhay."
Dugtong pa nito. Napalabi akong napayuko dahil 'di ko maiwasang masaktan sa lamig ng pakikitungo nito sa akin.
Dati pa namang ayaw sa akin ni Cloudy at hindi ko siya masisisi dahil maging ako'y sinisisi ko rin ang sarili ko sa mga nangyari sa amin ni Typhoon sa nakaraan.
"Masaya na siya Ate, at malapit na silang magpakasal. Aaminin ko sayo, gusto ko si Ate Althea para kay Kuya. Dahil siya? Wala siyang ibang ginawa kundi manatili sa tabi ni Kuya nu'ng mga oras na nasa peligro ito. Ilang beses din niyang sinagip si Kuya sa mga misyon nila. Panay ang alaga at pag-iingat nito sa kapatid ko higit sa lahat....kontento ito sa Kuya ko."
Makahulugang saad nito na lalong ikinadurog ng puso ko. Heto na naman siya at ipinapamukha sa aking hindi ako ang babaeng karapatdapat sa pagmamahal ng kuya niya. Hindi ako makaangat ng mukha at para akong napipilan sa diretsahang pagtatapat nito.
"Mas maigi sigurong ipaubaya mo na lang kay Kuya ang mga bata. Para hindi mo masira ang masaya nilang pagsasama. Nagkausap na kami ni Ate Althea at malugod naman sa kanyang maging madrasta sa kambal. Ipabuya mo na lang ang mga bata sa amin. Tama na ang limang taong itinago niyo sila sa amin para masarili niyo ang mga bata. Anak sila ni Kuya at mas malaki ang karapatan ni Kuyang kunin ang mga bata."
Napatunghay na ako at parang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig dito. Na-freeze ang mga luha ko sa kabiglaan ng mga sinaad nitong hindi ko mapaniwalaang maaatim nitong sabihin sa pagmumukha ko.
Mapakla akong natawa at napapahid ng luha. Parang pinipiga ang puso ko ngayon sa mga narinig at sobrang sakit sa aking hinaharangan na nito ang kakasimula naming bonding mag-anak.
Tumayo akong inilingan ito na ikinasalubong ng makakapal niyang kilay.
Tumayo na rin itong nagpamulsa habang matiim akong tinititigan at mababakasan mo ng inis ang mukha.
"At sa tingin mo, ipapaubaya ko ang mga anak ko sa kabit na 'yon?!"
May kataasan at diin kong saad na ikinapantig ng panga nito. Maya ay ngumiti itong napailing. 'Yong uri ng ngiting hindi natutuwa kundi nang-uuyam sa akin.
"Kailan naman siya naging kabit? Magdahan-dahan ka Ate, Lieutenant ang tinutukoy mo dito. Isang disente at loyal na babaeng nagmamahal ng tapat sa Kuya ko."
Pang-uuyam nito na ikinakuyom ng mga kamay kong nasa likuran ko para maitago dito. Nagpupuyos na ako sa inis at galit pero mahigpit kong kinakalma ang sarili dahil ayo'ko ng madagdagan pa ang mga naidulot kong sakit sa kanila.
"Disente? Paano siya naging disente kung mag-asawa pa lang kami ni Typhoon ay gumagawa na siya ng hakbang para masira kami at ngayo'y nagtagumpay na siya."
Palabang pang-uuyam ko na ikinatawa nito ng mapakla at nagpamewang sa harap ko.
"Asawa? Bakit kailan ba kayo naging mag-asawa? Magkaiba ang live-in sa legal Ate. Kasi una pa lang hindi naman talaga naging sayo ang kapatid ko para matawag mo siyang asawa mo.
Isa pa, bakit naging matino ka bang may-bahay niya dati?
Nu'ng unang gabi niyo bilang mag-asawa, hindi ba't pinaiyak mo ang Kuya ko at pinaghintay ng magdamag sayo na iniuwi ng lalakeng kinainuman mo.
Nu'ng panahong dalawang buwang kritikal ang kapatid ko, nasaan ka nga ulit? Hindi ba't nasa ibang pugad ka dahil 'di ka kuntento sa pugad ng Kuya ko!?
Akala mo ba ngayong may anak na kayo, magiging boto na ako sayo, against Ate Althea? Tsk! Tsk! Tsk!
Mangarap ka Ate Catrione, dahil ako ang magiging bakod ng Kuya ko para 'di mo magulo ang buhay niya kagaya ng ginawa mo dati.
Aaminin ko sayo ang katotohanan. Nu'ng araw na iniwanan ka na ni Kuya, naghihingalo siya noong isinugod sa hospital at panay ang banggit sa p*steng pangalan mo!
Tandang-tanda ko pa ang sinabi ni Kuya habang itinatakbo namin siya sa OR ng hospital.
"Pakisabi kay Catrione malaya na siya. Na patawarin niya akong nagulo ko sila ng mahal niya. Sabihin mo kay Catrione, pinapalaya ko na siya. Malaya na niyang makasama si Raeven at 'di na ako maghahabol pa. Sabihin mong salamat, dahil kahit paano minsan siyang naging akin, kahit saglit lang at puno ng pait at sakit ang pinagsamahan namin. Nagpapasalamat akong pinagbigyan niya pa rin akong mahalin at alagaan siya. Sabihin mo ring wala talagang bisa ang papel namin."
'Yon ang mga katagang binitawan niya habang umuubo na siya ng dugo at naghahabol ng hininga. Hanggang du'n na lang ang magagawa mong pagpapahirap at pasakit sa kapatid ko. Dahil hindi ko na ulit hahayaang mapunta siya sa isang katulad mong hindi marunong magmahal.
Kusang nabura ni Kuya ang malagim niyang karanasan sayo, at ngayo'y nakapag-move on na siya sa kawalang hiyaan mong inapakan lang ang pagkatao at pagka-pulis niya.
Nalaman ko rin kung bakit ka niya hiniwalayan ng tuluyan noon. Dahil naabutan kang nakikipaglampungan sa boyfriend mo sa loob mismo ng tirahan niyo.
Ang galing mo nga eh, habang hirap na hirap 'yong kapatid ko noon at nagbubuwis buhay sumagip ng ibang tao at humukay sa mga katawang natabunan ng gumuhong lupa, ikaw naman ay masayang nagpapakamot sa ibang lalake."
Nagpantig ang tainga ko at 'di na nakaya ang mga sinisiwalat nito kaya nanginginig ang palad kong dumapo sa pisngi nitong nagpatagilid ng kanyang mukha. Nagtagis ang panga nito at nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin. Bumakat rin sa makinis niyang pisngi ang palad kong nag-iwan ng pulang marka doon.
Nanginginig akong buong tapang sinalubong ang nanggagalaiti nitong itsura.
"Wala kang alam sa buong pangyayari. At wala kang karapatang insultuhin ako dito mismo sa teritoryo ko! Alam ko namang hindi mo ako gusto para kay Typhoon pero hindi ikaw ang magdedesisyon ng para sa kinabukasan naming pamilya. Itinago niyo sa akin ang katotohanang buhay pa siya! Inagawan niyo at ipinagkait ang karapatan naming mag-iina!"
Nanggagalaiting panunumbat ko na ikinangisi lang nito.
"Oo, ako ang nagsabing 'wag ng ipaalam sayo ang nangyaring milagrong pagkabuhay ni Kuya noong nasa OR pa siya. Ipapaalam ko naman dapat eh, pero laking insulto kong malaman na nu'ng araw din 'yon! Nu'ng araw ding 'yon umalis ka ng bansa. Para sundan ang lalake mo at tumira na kayo sa France. Kaya bakit ko pa ipapaalam sayo eh obviously namang nagpapakasasa ka na dahil sa wakas ay nawala na sa landas mo ang Kuya kong naging sagabal sa kaligayahan mo.
Ahh...muntik ko nang makalimutan, pinalaglag mo pa ang panganay ng Kuya ko!"
Para akong hihimatayin sa halo-halong emosyong nararamdaman ko ngayon sa mga sinisiwalat nito. Napahawak ako sa dibdib kong kinakapus na ng hangin sa mga pinagsasabi nito. Napapahabol ako ng hininga sa muling pagpapaalala nito sa panganay namin ni Typhoon.
Parang bumalik ng buong-buo ang sakit at pighating napagdaanan ko noon nang malamang wala na ang baby namin sa sinapupunan ko.
Nanginginig ang mga tuhod ko at napatukod ako sa lamesang kaharap namin.
Prente lang naman itong nakatayong nakapamewang sa harapan ko na walang pakialam kahit umiikot na ang paningin ko at bumabalik ang depression kong pilit kong nilalabanan.
Naghihingalo akong unti-unting nanghina ang mga tuhod pero nasalo rin naman ako nito bago pa man tuluyang nagdilim ang paligid ko!