Napabalikwas si Nate nang kaliwa at kanan ang tunog ng mga smartphones niya. He has four cellphones, at lahat yun may tumatawag na babae.
Alam na niya yun. Isa lang ang original na girlfriend na si Penelope, at ang tatlo ay kung sino man na mga babae pa niya.
Nakulili ang tainga niya but he chose to pick up the smartphone where Penelope is calling. Saka sya pilit na lumabas ng kwarto kahit parang matutumba sya sa hilo. Antok pa kasi sya.
"Hey honey," bati kaagad niya sa girlfriend.
He also made sure na ang litaro na nakaflash sa screen ay mukha ng Victoria's secret model at hindi iba. Baka magkamali siya ng tawag ay malintikan siya
"Honey? Who's honey?" galit kaagad na sita ng girlfriend niya.
Mali! Natutop niya ang noo kasabay ng paglipad tuluyan ng antok niya.
"Honey, Darling, Love," cool na palusot niya, "They're just the same love," alibi niya pero mali naman talaga sya.
"Hmm. Fine," mahinang sambit ng babae, "How are you Love? I miss you." malambing na sabi na niyon sa kanya.
"I'm good. How about you Pen? And I miss you too," naupo sya sa couch at nabuburyong na sumandal.
"I'm okay. Bakit parang pagod ka? Siguro may kasama kang babae ano?" hayun na naman ang gigil sa boses nito.
Hay ano ba? Iyon ang problema sa ugali ng babae, napakaselosa. Although may dapat naman talagang ikaselos dahil chickboy sya, napipikon sya kapag ganito na kahit wala naman syang kasama eh pakiramdam ay lagi na lang na may babae sa kandungan niya.
Yun ang madalas nilang pag-awayan kasi napaka nagger ni Penelope pero kapag bumukaka naman sa harap niya ay solve na kaagad at wala na ang inis. Yun ang pambawi niya sa selos, kaya lang mahal naman talaga niya at balak na nga niyang pakasalan, at ngayon di niya alam kung paano niya sasabihin na may anak na siya. Pihado malaking problema pero baka naman matanggap din nun kapag nakapagpaliwanag na siya. Hahanap na lang sya ng tamang tyempo para ipaalam iyon sa babae.
At kapag talagang ayaw, ay saka sya magdedesisyon. Hindi naman kasi niya kukunin ang bata. Paminsan-minsan ay ititira niya syempre sa kanya ng isang gabi, isang araw para masanay sa kanya. Lalo pa at after one month eh baka bumalik na ulit sya sa UK.
Pagakatapos niyang makipag-usap sa babae ay ipinag off na lang niya ang ibang phone na gamit, saka sya dumiretso sa banyo at naligo.
Hahanapin nga pala niya ang mag-ina na yun. Ang mag-ina niya.
Napangiti sya. Gusto niyang marinig niya ang bata na yun na ang tawag sa kanya ay Daddy, hindi Tito Nate.
Ang weird lang kasi idol sya ng bata, yun pala ay sya ang ama pero walang kaalam-alam yun. Ibig sabihin ay totoong hindi sya matandaan ng ina ni Hayden. Hindi matandaan na ibinigay ang sarili sa isang estranghero sa katauhan niya, kaya nagkaanak sila.
Natigilan sya sa pagsasara ng pinto nang maisip niya na sa sobrang laki ng Maynila, saan niya unang hahanapin ang mga yun?
"Oh demmit!" napamura siya at nalaglagan ng balikat.
Alangan naman na hanapin niya sa sss ang bata eh wala pa naman yung sss malamang. Ang ina naman di niya alam ang pangalan. Kung basta naman niya ita type ang Samonte sa search box, baka milyong tao ang lumabas na may Samonte na apelyido.
Paano na ba? Hire a detective?
Si Sidney! Right! Ang anak ng Tito Nyx niya. Alam niyang matinik na agent ang makulit na babaeng yun.
*
Malalaki ang hakbang ni Nate pagapasok pa lang sa NBI. Pinag-ipunan sya ng mga kababaihan na agent at pulis doon at panay ang kuha ng litrato. Naka big eyeglasses na nga siya at sumbrero, namukhaan pa rin sya ng mga tao.
"Tsk! Tsk! Iba talaga ang pogi!" anang boses ng babae sa may likuran niya kaya napapihit sya kaagad.
Nakilala niya kaagad si Sidney. The woman is posing like a beauty queen— beauty queen na may baril sa tagiliran. The woman's smile is so captivating. Maganda talaga ang anak ng Tito Ninong nila.
"Anong kailangan mo bokalistang pogi? Wag mong sabihing ako at babalian kaagad kita ng kaligayahan." aniyon sa kanya kaya tumawa sya.
"You still haven't change, Sidney." naiiling na sabi na lang niya.
"Naman! Maganda pa rin ako alam ko," tila proud na sabi pa nito at ipinilig ng kaunti ang ulo bago binalingan ang mga kasamahan.
"Hoy! Lumayas nga kayo riyan! Ako ang kailangan ng pogi na yan. Chupi!" asik niyon sa mga kasamahan sabay hila sa kamay niya papaalis, papunta sa isang office.
Wala talaga ang kababata nila, walang ipinagkaiba sa Tito Nyx niya. Kaya bad trip na bad trip si Royce dito dahil ang hangin na, ang harot pa habang humihila sa kanya. But Sidney is sweet and so brave, at napakabait din. Dangan lang ay di niya ito type at di rin naman sya nito type. Para lang silang magkapatid at ang lagi nitong inaasar ay ang ka-triplet niyang si Royce.
"So? What can I do for you Mr. Heartthrob? Wag lang blow job, di ko keri yun ha." anito na seryoso kaya sya ang tumawa.
Seryoso ang aura nito pero alam niyang biro yun.
Umupo ito sa mesa sa may harap niya.
Umarko pa ng kaunti ang kilay niya sa kilos nito. Napaka comfortable kasi nito kahit na sino ang kaharap. Palibhasa ay maganda at sexy si Sidney.
"I need help, Sid. Please find my child," diretsong sabi niya.
Napanganga ang dalaga at nalaglag ang mga panga.
"Nahulog yata yung panga ko, pakipulot nga, Nate. Pakikabit na rin," anito pa sa kanya kaya tumawa sya ng mahina kasunod ay pag-iling.
"I'm not kidding, Sid." seryosong pahayag niya.
She whistled. "Alam ni Tito at Tita?" tanong nito sa kanya kaya umiling sya.
"Not yet. I'll let them know once I found him. He's a boy Sid and I saw him last night in my concert. But it was already late when I finally realized that I've bedded his Mom and unfortunately, she doesn't know me and I don't even know her name," imporma niya sa dalagang agent.
Lumiko ang nguso nito saka umiling, "Elizareses, when will you finally ever learn? Ang sasakit niyo sa ulo ha. From my dad, down to me? Aabalahin mo ang buhay ko, but what can I do? It's my job you know and I just can't say no to you," umalis ito sa harap niya at umikot sa mesa para maupo sa swivel nito.
"Sa pogi mong yan, di kita tatanggihan," tumaas baba pa ang kilay nito na ikinailing niya ulit.
Sira pa rin ang ulo talaga ng unica ng Tito-ninong Nyx niya. Sa bawat buka ng bibig nito akala mo eh lagi na lang may gusto sa lalaking gwapo at malamang kung di lang niya kilala si Sidney ay maniwala syang gusto sya nito pero ang totoo, hindi. Palabirong tunay lang ang babae talaga.
"In that case, I want result tomorrow, Sid." aniya na ikinaayos ng upo nito at nanlaki ang mga mata.
"What?!!! You're so demanding Nate!" bulalas nito sa kanya.
Eh atat na sya eh, ano pa ba?
"Oh Sidney please. I know you can. Can't you?" tila may halong hamon ang tanong niya sa dalaga.
Alam niya na kapag ganoon na hinahamon ito ay mas lalo itong nagiging agresibo.
"Of course, I can! Ako pa?! Wala ka bang bilib sakin na bukod sa maganda eh matinik pa? Mana yata ako sa Daddy." nakataas ang noo na sabi nito.
"I'll pull out all the agents at uunahin kong ipahanap ang anak mo sa isang kundisyon," anito na ngumisi nang maganda at kumislap ang mga mata.
Alam na niya yun. May hihingin ang babae. Pati yun ay namana noon sa ama na kung makahirit akala mo pulubi eh ubod din naman ng yaman.
"Lamborghini Aventador, PINK. Bukas alam mo na kung nasaan ang anak mo." tinaasan sya nito ng isang kilay.
Sidney's smile is playful, too. Grabe talaga.
Nate shook his head. Nothing changed. Kahit mga bata pa lang sila ay kung anu-anong hinihingi nito sa kanila ni Eon at sa iba pa niyang pinsan. Di lang ito makahingi ay kay Royce dahil sinusungitan nun ang dalaga.
"Deal," mabilis na sagot niya kaya napatayo si Sidney at nayakap sya sa leeg, saka hinalikan sya nang mariin sa pisngi.
Wala yung kaso sa kanya. Isang release lang ng kanta ang nineteen million pesos na halaga ng kotseng hinihingi nito. Sobra pa iyon at kaya niyang bumili kahit isang libo pang Lamborghini Aventador. At kung kailangan yun para sa anak niya, he'll even spend more of it.
"Ang pogi mo talaga heartthrob! Ang bait mo pa! Asawahin na nga kita," anito sabay tawa nang malakas.
"Yeah! Fool the moon, Sidney. I know you right. You're such a bad joker. Tomorrow is a deal. Reminder." paalala na lang niya rito.
She freed his neck, at bumalik ulit ito sa pwesto, "Syempre! A deal is a deal, handsome!" Anang dalaga sabay kindat pa sa kanya.
Napangiti sya.
"The child's name is Hayden Ace Samonte," aniya rito.
She mimicked the name as she looked up at the ceiling. Sidney's memorizing it.
"You won't have a difficult time figuring out it it’s him because once you see him, he exactly looks like me when we're still kids," aniya pa na tinangu-tanguan lang ng dalaga.
"Okay. Leave everything to me. Sagot kita," she smiled cheerfully.
Nakagat niya ang labi sa sobrang excitement.
Malapit na silang magkita ulit ng anak niya. Alam niyang mangyayari iyon dahil malaki ang bilib niya kay Sidney. Mga bata pa lang sila eh matinik na talaga ang agent na ito, manang-mana sa ama kaya walang duda na totoo ang sinsabi nito na bukas ay alam na niya kung nasaan ang mag-ina niya.