C5

1901 Words
5 Naglilibang si Nate sa loob ng condo habang naghihintay sa tawag ni Sidney sa kanya. He’s damn nervous as well as excited. No matter what he does, he just can’t brush off his head the image of that little boy. He’s too excited to see him again, too excited as well for the paternity test. Wala pa siyang tulog dahil sa kakaisip niya kung siya ba talaga ang ama o ano. Binabalikan niya ang noon at kahit ilang milyong ulit man niyang kwestyunin, malakas ang pakiramdam niya na talagang anak niya ang bata, lalo pa nga at natatandaan niya kahit paano ang batang mukha ng babae na iyon sa pub. Nate hits the drums but there are buzzes at his door. Agad siyang tumingin doon at wala pang isang segundo ay napatayo siya bitbit ang sticks. Sumilip siya sa peephole at nang makita niya si Sidney ay nagmamadali niyang binuksan ang pintuan. “Bilib naman ako sa tindi ng security mo rito, pards. Ayaw akong papasukin sa ganda at sexy ko na ito, tsk,” palatak nito saka nagpatiunang pumasok. Nangiti lang siya sa sinabi nito at sa pormahan. This woman is too beautiful to be true. Ano kayang ayaw dito ni Royce? “Sorry about that, Sid. I just don’t want my vacation to be disturbed. Isang buwan lang ang itatagal ng bakasyon ko, in exchange for years of recording, concerts and many other f*****g stuffs to do.” “Yeah, I know,” she winked at him. Pumosing ito at inilahad ang palad, “My Aventador?” anito na nakabungisngis. “You found them?” excited na tanong ng binata sa agent. “Ako pa ba, Nate?” puno ng kumpyansa sa sarili ng tanong nito sa kanya. “Do you accept check?” Ngumisi ito lalo tapos ay umabresiete sa kanya, “I’m free today. Let’s go and visit Lamborghini Phils in Taguig.” “f**k,” tila masakit ang ulo na sabi niya. Isasama pa ba talaga siya nito? Ibig sabihin nun ay magsusuot na naman siya ng wig at kung anu ano para makapag-disguise. “Sa kotse lang ako,” aniya kaagad. “Oh sure. Pwede ka ng lumayas kapag nakarealease ka na ng pera. Ayoko ng cheke,” anito at wala siyang babala na hinila papalabas ng unit. Damn this woman for being so wise but thank her for finding what he really desires to find this time. ... Nate release the money, paying what Sidney wanted to buy. Huthutera talaga ang kinakapatid nila pero ang laking pasasalamat niya na kapalit ng milyon-milyong halaga ay ang papel na nasa kamah niya ngayon. Yes, papel lamang ang kapalit ng Aventador, papel na kung saan nakasulat ang eksaktong address ni Hayden Ace at Brittany Samonte. He looked at it once more and reads it. Ngumiti siya kay Sidney na nakadungaw s bintana ng sasakyan niya, pinagmamasdan siya. “Okay na ba?” nakangiti nitong tanong sa kanya kaya tumango siya. “Thanks, Sid. You’re really the best,” aniya rito dahil walang mapaglagyan ang kasiyahan niya. “Sus, alam ko na ‘yan pards. Magte-test drive na ako kung wala ka ng kailangan ha,” paalam nito sabay saludo sa kanya. “Take care,” tango nya rito saka umusad ang sasakyan niya papaalis. He’s too damn excited to go to the address he has. Itingo niya ang papel sa bulsa dahil baka mawala pa pero memoryado na niya lahat at nai-guide na rin siya ni Sidney kung saan at ano ang tamang deskrupsyon ng mga pagkakakilanlan sa lugar na iyon. He’s coming to see his son and nothing could ever stop him. ☆☆☆ Kapapasok pa lang ni Brittany sa gate galing sa trabaho sa FM station, na 143 Heart Station ang pangalan nang masalubong niya ang Mama-mamahan niya. Bitbit ng babae ang pinamiling paninda para sa sari sari store na nasa harap ng apartment, kung saan nakatira ang mga ito kasama ang Papa niya. Sila namang mag-ina ay binigyan nito ng isang studio type na parte ng apartment na yun. Bale anim na kwarto kasi ang naroon, tatlo sa ibaba at tatlo sa itaas. Nasa itaas silang mag-ina, sa first door, sa may hagdan lang. Kapag pang gabi sya bilang disc jockey ay iniiwan niya ang anak sa babae o di kaya naman ay sa ninang ni Hayden, o kaya sa station sumasama sa kanya ang bata. Nagmano sya sa girlfriend ng Papa niya, "Morning Mama," bati niya rito. "May naghahanap sa'yo anak." sagot kaagad nito sa kanya. Inilapag na muna nito ang kahon na dala-dala. Nangunot ang noo niya. Naghahanap? Sino naman maghahanap sa kanya? Sumulyap sya sa relong suot. Alas seis pa lang. Ang aga naman ng tao na yun. "Sino Ma?" namumungay ang mga mata niya dahil sa antok. "Kahapon pa yun pumunta, medyo madilim na kaso nakaalis ka na. Aba'y pagkaganda-gandang babae na nakamotorsiklo. Akala ko nga modelo. Sobrang tangkad at sexy. Mahaba ang buhok na kulay itim. Basta anak, ubod ng ganda." sabi pa nito na parang di maka move on sa sinasabing naghahanap sa kanya. Wala syang kilala na ganoong deskripsyon ng babae. "Ano raw pangalan Ma?" usisa pa niya pero naglalakbay ang isip niya. Pinipilit niyang isipin kung sino ang babae na yun. "Ay…” saglit itong nag-isip, “Austria?” Austria? “Wala naman akong kilala na Austria, mama.” “A-Australia raw pala. Kinumpirma lang kung dito ka nakatira at si Hayden." ani pa nito. Australia? Wala rin naman siyang kilalang Australia. Wala siyang kilalang China, France, Italy at kung anu ano pa. Hala! Naalarma sya. Baka naman kamag-anak ng nakabuntis sa kanya ang babae na iyon. Pero imposible naman. Di naman nga alam ng ama ni Hayden na nabuntis sya. "Babalik na lang daw." dinampot na nito ang kahon. "Sige Ma. Si Hayden po andyan pa?" sinilip niya ang loob ng tindahan. "Naku, sumama sa lolo niya. Magpapabili raw yun ng laruan. Ewan ko sa mag-lolo na yun. Dalawang ikot daw ng taxi ang ipambibili ng laruan," umiiling na sabi nito sa kanya, "kumain ka na anak. Bumaba ka na lang dito." "Sige Ma. Bihis lang ako." sabi niya sabay larga na papunta sa simentadong hagdan. Hihintayin na lang niya malamang ang babae na yun kung totoo man na babalik. Alangan naman na kakambal niya iyon eh di sana sinabi na ng Mama niya na sya mismo ang mukha. Hahanapin nya nga ang kapatid niyang yun na nawawala. Nag-iipon lang sya ng sapat na pera para makapag-hire sya ng detective. Nararamdaman niyang malapit na silang magkita lalo pa ngayon at nagiging sikat na syang dj kahit di pa lang sya nagtatagal. Ang dami na sa kanyang humahanga, most specially eh mga lalake. Halos araw araw may padalang bulaklak at chocolates ang mga iypn. Nahuhumaling lang yata sa boses niya sa radyo kaya ganoon pero wala sya ni isa mang pinapansin. Ayaw niya. Ayaw niya na may aapi sa anak niya kung saka-sakali. Papatayin niya ang aapi sa baby niya kahit na sino pa. Laban sya sa sabunutan at wala syang aatrasan kahit hindi naman sya kalakihang babae. Ipinatong niya ng bag na dala sa ibabaw ng kabinet at kinuha ang towel na nakasabit para maligo. Pagkatapos maligo at nagpalit sa natural na pambahay na puting bestida at naglagay ng kaunting lipstick. Buhay na niya ang lipstick at yun ang isa pa niyang kakambal bukod kay Stephanie. Haaay! Naalala niya ang kapatid na hindi na niya alam kung nasaan. Nakatingin sya sa repleksyon niya sa salamin at alam niya na mukha niya rin ang taglay noon di lang niya alam kung kamusta na ba, kung may asawa na rin ba o may anak. Wala rin bang ama ang anak o maswerte sa napangasawa? Ang mga magulang kaya nila, kamusta na? Grabeng pangungulila ang nararamdaman niya at kahit busog sya sa pagmamahal ay gusto niya pa rin na makita ang mga totoo niyang mga magulang. Mabuti na yung dalawa ang mama niya at dalawa rin ang papa. Natigil siya sa pag - iisip nang may kumatok sa pinto niya. Kaagad na dumako ang mga mata niya roon at walang pag-aatubiling binuksan. Daig pa niya ang natuklaw ng ahas nang makita ang nasa harap niya ngayon. Nakatayo sa labas ng pinto niya ang isa sa pinakapoging nilalang sa mundo pero ubod ng antipatiko. Naka faded maong pants at dark blue muscle fit t-shirt ang lalaki. Wala itong suot na sumbrero at gwapo pa pala lalo sa di malamang direksyon ng mga buhok nito. Daig pa nito ang kababangon lang sa higaan pero mukhang hindi naman. And he smells so great. Pero kahif anong pogi nito ay bastos ang bunganga nito para kanya. Hambog ito at mayabang. "Ikaw?!" nanigas ang mukha ng dalaga at pakiramdam niya ay nadagdagan ang edad niya ng fifty years. Tumaas ang mga kilay niya kasabay ng pameywang. At kung anong pagkabusangot ng mukha niya ay sya naman ang pagkacool ng hudyo. Nakatitig ito sa mukha niya lalo na sa mga mata niyang natural na pakurba ang pilik mata. Nasa may hagdan umuusyoso ang mga babaeng nangungupahan at halos pigil na pigil ang tilian. "Hi!" pacute na bati ni Nate sa kanya at tumaas pa ang mga kilay sa mapang-akit na paraan. Hi? Tatanga-tanga! Bigla niyang naalala ang salitang yun na halos nagpatalsik ng kaluluwa niya sa inis nang gabi ng concert. "Hi your face!" kaagad niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito at binigayan ng isang makabasag kaligayan na tuhod. "Ouch!" sigaw nito at parang naparalyze sa kinatatayuan habang kipkip ang hinaharap. Pulang-pula ang mukha ni Nate na parang hindi na makahinga. Jusko! Napuruhan niya yata. "H-Hoy... "gumuhit ang kaba sa dibdib niya at wala sa loob na nahaplos niya ang namumula nitong mukha. Bloated ang pisngi nito sa pagtatago ng sakit. "Deymn! Bubugukin mo na ba porke may anak ka na?!" tila gigil na tanong nito sa kanya at napatalon talon na ng tuluyan sa sakit. Ni hindi niya nakuha ang pinupunto ng salita nito. Nakita niya ang mga guards nito sa may gate ng apartment at hindi lamang iyon lima. Natutop niya ng dalawa niyang pisngi. Di niya malaman ang gagawin. Gusto niya biglang haplusin ang itlog nito, baka mapawi ang sakit! "S-sorry..." she moved back and forth, thinking if she should touch it or not. Akma na niyang hahawakan nang bigla itong umilag. "Don't touch it, f**k s**t! baka mabuhay yung patay." anito na napasandal na lang sa simentadong railing ng balkon. Nakagat ni Brittany ang labi sa sobrang kaba pero naman ang pogi pala talaga ng Nate na ito kahit na namumula at namimilipit sa sakit. "Brittany, a-anong ginawa mo sa gwapo?" tanong ng Mama niyang paakyat sa hagdan. Kabado ang mukha ng babae nang makita si Nate na parang naupos na kandila. Di sya makasagot. Ngumiwi siya at nakagat ang hinlalaki. Tiningnan niya ang mukha ni Nate na hindi na naman gaanong nasasaktan. Tiningnan din sya nito at parang nagawa pang ngumiti kahit parang masakit pa rin ang mga itlog, na baka nga mabugok. "Hoy mga chismosa, magsilayas kayo!" sigaw niyon sa mga dalagang hindi na maitikal ang mga mata sa bokalistang bisita niya. Anong kailangan nito sa kanya at sinadya pa sya rito sa apartment? At paano nito nalaman ang tirahan niya? Baka manliligaw sya. Hindi! Sabi niya tanga ako. Baka magso sorry. Pinatatawad na kita. Bugok na itlog mo eh. Sorry din. Peace sign in her naughty mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD