C3

1659 Words
3 45 minutes later… Gigil si Brittany nang sumakay sa taxi na minamaneho ng Papa niya. Gigil na, hindi pa maipinta ang mukha niya sa inis. Yun ay matapos na mabalik sa kanya ng antipatikong bokalista ang anak niya pagkatapos na magkagulo sa loob ng coliseum. "Bwisit! Ang kapal ng mukha na tawagin akong tatanga-tanga. Akala mo kung sinong ama eh wala namang alam kundi kumanta at kumalabit ng gitara! Magpacute sa tao! Sisiraan ko yung mayabang na yun!" humahangos na siya sa sobrang inis. Wala pa sa buong buhay niya ang nagsabi ng ganoon sa kanya, ang bwisit na Nate Elizares lang na yun. Papansin sa tao yun naman pala ay matalas ang tabas ng bunganga. "Relax, ang heart beat." kalmadong sabi sa kanya ni Luna, "Yung bata, nakatingin sa'yo. Alam mo naman kung gaano niyang ka idol yung ikinapuputok ng balun-balunan mo," paalala nito sa kanya. Sinulyapan niya ang anak na nakatingin sa kanya. Napakunot noo sya nangmapansin ang sumbrerong suot nito. "Sinong may bigay niyan sa'yo?" ang tinutukoy niya ang sumbrerong suot ng anak. Hinawakan yun ng bata, "Si Tito Nate po," anito kaya nagkatinginan sila ni Luna. "Uhm! In fairness ha, mabait talaga kahit off cam at backstage ang Heartthrob na yun,” pasaring pa sa kanya ni Luna. Umingos sya at humalukipkip, "Pwes para sa akin, hindi. Hindi pa rin tama na magsalita sya sa tao ng tatanga-tanga. Sa uuli na makita ko sya. Tutuhurin ko sya kahit na wala syang ginagawa sakin." tila ba nakalimutan niyang nakikinig ang anak niya. Di niya kasi matanggap. Humahanga pa naman sana sya sa kagwapuhan kaya lang pahiyang - pahiya naman sya. Di bale na sana kung galing sa ibang tao ang salitang tanga sya, matatanggap niya pero ang masama ay galing sa isang superstar. Number one sa iyon sa radyo, number one sa hit chart ng US at UK at sa iba pag parte ng mundo, tapos sasabihan sya ng shunga! Bwisit talaga. Pero salamat pa rin at nakabalik sa kanya ang anak niya. Yun naman ang mahalaga sa lahat at never na silang babalik sa ganoong concert. Tama na ang isang beses na kamuntikan na siyang mawalan ng anak, at ang isang beses na masabihan sya na tatanga-tanga. Bwisit! ●●● Bagsak si Nate sa king-sized bed niya sa Luxury Heights. Nakahiga na rin sya nang hubarin niya ang suot na pantalon. Pagod na sya at wala na syang balak na tumayo. Pagkagaling sa concert ay inaaya na kaagad sya ng mga magulang niya na umuwi sa mansyon pero ayaw niya. Sigurado hindi sya makakapagpahinga dahil babawian sya ng kwento ng makulit niyang Mommy, na kahit nasa ibang bansa siya at hindi magkanda ugaga sa recording contracts, TV guesting, modeling, shooting for advertisements ay tawag nang tawag at ang kulit. Gusto na magkwento sya eh halos wala nga siyang oras. Ang kulit kulit na pakasalan na raw niya si Penelope para raw magkaapo na ang mga iyon. Penelope is his current girlfriend at mag aanim na bwan na sila. Tulad niya ay busy din iyon, sa modeling career naman sa New York. His girlfriend is a well known Victoria's secret model, at purong Pilipino pero ubod ng ganda at sexy. Malamang sexy, lingerie ang imino-model ng babae. Bihira silang magkita at kahit mag-usap. Yun lang kapag gusto niyang umiskor ay pumupuslit sya at kahit nasa set ang babae ay itinatakas niya papuntang dressing room. Nabanggit na rin niya roon ang tungkol sa kasal at mukhang payag naman si Penelope. Tatapusin lang daw ang six months contract na natitira pa at aayaw na rin sa pagmomodeling. Kaya lang kahit daw kasal na sila eh ayaw munang magbuntis para raw maenjoy muna nila ang isa't-isa. Eh paano naman kung atat ang mga magulang niya na magkaapo na? Apo, anak... Dumilat ang mga mata niya nang maalala ang batang lalaki sa coliseum kanina na kamukhang-kamukha niya. "s**t!" bumalikwas sya at sumandal sa headboard ng higaan. Naaalarma na naman siya dahil sa mukha ng bata na yun. Pakiramdam niya ay anak nya yun talaga. Hindi pwedeng napaglihihan lang sya ng nanay nung bata. Pati boses ay tulad din sa kanya, ano ba pang pwedeng ikumpara? Gustuhin man niyang sabihin na hindi at maling akala lang ang meron sya, hindi nya magawa. There's a strong connection between the two of them, pero di niya matukoy. And the mother of that child... Ah! Nakita ko na sya di ko lang alam kung saan. Siguro ang bata sa tantya niya ay six or seven years old. He calculated the year when that child was possibly born, 2010 or 2011. Mabilis na gumana ang utak niya para alalahanin kung nasaan sya noong mga panahon na iyon. Nasa Pilipinas pa sya at hindi pa nagbabanda. Pitong taon pa lang ang banda niya at kung aaralin niya ang mga panahon na yun na chickboy sya ay marami-rami rin syang naikama. Inisa-isa niya sa isip at baka isa roon ang ina ng bata. He has to remember it, for Jesus' sake. Hindi nya makuha ang mukha ng babae. Wala sa mga naikama niya iyon. She’s so young and naive. Nag-isip pa sya. The last time na meron syang sinipingan bago ang flight niya papuntang UK ay isang batang-bata na babae na lasing... Nahigit niya ang paghinga. "Holy f**k!!!" tuluyan syang napatayo nang rumehistro sa kanya ang magandang mga mata ng babaeng iyon. "Oh s**t! s**t! s**t! Anak ko ang bata na yun!" napatalon na sya sa tuwa nang makumpirma mismo sa sarili niya. Wala na ngang iba, yun na mismo ang babae na naka one night stand niya na iniwanan niya ng pera sa bedside table. It was August when that thing happened. Bachelor's party yun ni Damian. Medyo payat pa noon ang babae at bata pa na sobra. Ngayon kasi ay medyo iba na ang hitsura nun. Hindi na mukhang college girl ang babae pero bata pa rin sa tantya nya—s**t! Bata at maganda, at may anak sila! Lumaki ang ngiti niya sa tuwa. He was her first and maybe also her last. Hindi sya pwedeng magkamali kahit na itanggi pa ng babae na yun, sya ang ama ng bata na yun na ang pangalan ay Hayden Ace. Nameywang sya saka umiling. He's a daddy! Wala syang kamalay-malay na Daddy na pala sya, at kung hindi siya umuwi sa Pilipinas para sa concert ay hindi pa niya malalaman, o sadyang panahon na talaga. He has to find them as soon as possible. Kahit pa may asawa na halimbawa ang babae, may karapatan pa rin sya sa bata at kapag hindi sya binigyan ng pagkakataon at nagdamot sa kanya sa karapatan, dadaanin niya yun sa korte at kukunin niya ang anak niya. Fuck no! Baka mamatay sa sama ng loob ang ina. Kanina nga ay wagas na wagas ang iyak ng babae pero paano? Gusto niyang makasama ang anak niya. Alangan naman alukin niya ng kasal kung sakaling wala pang asawa. Hindi naman sila magkakilala at mas lalong hindi naman sila nagmamahalan. Maybe a legal acceptance of him being the biological father will do. Nasa tamang pag-uusap naman yun sa harap ng abogado, kung paanong mahahati ang panahon ng bata sa kanilang dalawa. At syempre, ang apelyido niyang Elizares ang dapat nang gamitin ng batang iyon. He's so damn sure that he's the father, kahit walang paternity test ay malinaw pa yun sa sinag ng araw na dilat. Hayden Ace is just so him when he was a kid, and no wonder after few decades, that little boy will be the newest Heartthrob. Nakagat niya ang sariling labi sa sobrang excitement na magkikita at magakakasama ulit sila ng bata na iyon. Sa mahabang panahon, bigla na lang siyang nasurpresa. Hindi niya inaakala. May parte sa isip niya na nagsasabing huwag siyang sobrang umasa pero mas malaki ang parte na nagsasabing umasa siya. Namilyo ang ngiti niya nang maalala ang nangyari sa kanila ng babaeng yun. She was so damn innocent and young by then. Hindi naman niya matatawag na rape yun kahit nasa ilalim ng alcohol ang babae na yun. Nagpaalam naman sya sa pagkakaalala niya. Tinanong niya kung gusto ba nun ang ginagawa niya at kahit walang sagot ay nahulaan niyang oo, base sa mga galaw ng katawan nun. She even gave him the full access to her neck when she tilted her head then he started to hear her soft moans. Demmit! Naaalala ko pa pala. Wala naman yun sa isip niya at ni minsan ay di naman sya ginulo ng alaala na yun sa loob ng pitong taon, pero ngayon alam na alam niya pa pala ang bawat detalye at galaw ng batang yun noong gabi na yun at malamang na kung hindi sya paalis na ng madaling araw para sa flight niya ay baka naulit pa yun nang naulit. Napaupo sya sa gilid nang kama nang may nag-standing ovation sa katawan niya. s**t! Iniinitan sya at parang gusto niyang maulit ulit yun—with the same woman. Bakit may reaction pa rin sa simpleng memory Nate? That's not possible, may girlfriend na sya at kung may dapat man silang pag-usapan ng babae na yun ay ang tungkol sa anak lang nila, nothing more but just the kid. Oh f**k it up Nate! She's still so simply beautiful! Admit it! At ang mukhang yun din ang naging dahilan kaya nakabuo sila ng bata. Kahit na ba ang akala niya ay nagpapabayad talaga yun ay di maitatanggi na nagandahan talaga sya sa college student, na mommy ngayon ng anak niya. Wala syang nasipingan noon na sya ang nakauna. Bilang sa daliri yun, at ang kaisa-isa at huli sa loob ng isang taon bago sya umalis ay walang iba kundi ang babae na ngang yun. Kaya hindi sya magtataka na nagkaanak sya. He used her without protection, dahil wala pang experience ang batang babae na yun noon. At ngayon may Hayden Ace Samonte na sila. You have to find them Natherson... Tomorrow!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD