C2

1651 Words
2 Walang tigil sa pagkanta ang anak ni Brittany na si Hayden habang sakay sila ng taxi na minamaneho ng Papa niya, para ihatid sila sa concert. Paulit-ulit habang nakakabit sa tainga niyon ang headset at sumasabay sa kantang, 'I'll make love to you' ng paborito nitong banda na The Heartthrobs. Ayaw nya sana kasi ang lyrics dahil hindi angkop para sa mga ganoong edad, kaya lang ay mapilit at makulit si Hayden. Paborito nito iyon at paulit-ulit. Ano bang magagawa niya ay di hayaan niya? Hahayaan na lang niya ito kaysa naman masira pa ang moment ng bata, birthday pa naman ngayon. Nakita niya sa rearview mirror na nakangiti ang ama-amahan niya habang papilig-pilig din ang ulo at nakikinig sa kanta. Mahal na mahal talaga niyo ang anak niya at kahit na siya. Binata ang Papa niya noon makuha sya sa dagat, mga tatlong taon yata sya kaya alam na niya ng pangalan niyang Britanny Anne, ang hindi nya lang alam ay ang apelyido niya at simula noon ay hindi na niya nakita ang totoo niyang pamilya. "Babalikan ko kayo. I-text mo na lang ako anak," bilin ng Papa niya pagkababa nila ng taxi. Nasa talyer kasi ang sasakyan ni Luna kaya hindi nila nagamit. Mabuti na lang at laging maaasahan ang Papa niyang sobrang bait. "Sige Papa. Babye!" aniya sa ama. "Bye Lolo," paalam ng bata sa ama niya. "Babye. Wag paliligawan si Mommy ha," biro ng ama niya na kaagad niyang ikinasimangot. Humagikhik naman ang batang lalaki, "Only Nate can." anang bata at ang tinutukoy ay ang paboritong singer na ubod ng gwapo. Diyos ko, kailangan yata niyang retokehin mula ulo hanggang paa para ligawan siya ng ganun kagwapong nilalang. Si Luna naman ang humagikhik sa sinabi ng anak niya. Nakikibata naman ang kumare niyang para na niyang kapatid. Nang makaalis ang taxi ay pumihit na sila. Diyos ko Lord! Sobrang dami ng tao! Pagkalaki laking billboard ng banda ang nasa may tagiliran ng coliseum. Kitang kita ang malaking gwapong mukha ni Nate Elizares doon, na kahit putting t-shirt ang suot ay hindi man lang nakabawas sa karisma. Gwapo rin ang mga kasamahan niyon kaya lang iba ang dating ng lalaki, na kahit sa pinakasimpleng pose ay mukhang hihila ng toneladang bulto ng kababaihan. Iba yata talaga kapag may halong pinoy ang isang tao, ang ganda ng resulta. Pero sa pagkakaalam niya ay half Japanese ang ina nito, kaya ang Nate na ito kung ikukumpara sa pagkain ay isang halo-halo. May American, Filipino at Japanese blood. "Hoy," sikwil ni Luna sa kanya, "Ayaw daw sumama kunwari pero makatulala sa picture, parang gusto mo ng iuwi si Heartthrob ah," tudyo sa kanya ng kaibigan. "Gwapo naman kasi talaga siya," Amin niya hanggang sa maramdaman niyang hinila na sya ni Hayden. "Please make it fast Mommy. I want to see him in person," hila ng bata ulit at halos mapatakbo na sila sa paghabol nang makabitaw iyon. "Mommy will get mad! Stop at this instant, Hayden Ace. I'll leave you, I swear," takot niya sa bata na kaagad naman na napatigil sa pagtakbo kaya inabutan din nila. *** Punung-puno na ang coliseum at ang maririnig lang ay ang mga kwentuhan ng mga tao hanggang sa bigla nang nagdim ang mga pailaw sa buong paligid kaya ang kwentuhan ay napalitan ng malakas na hiyawan, lalo na nang mag lights on ang spotlight na nakatutok sa stage. Nag flash ang isang special effect sa giant screen counting from ten to zero. Lalong lumakas ang tili ng mga kababaihan nang umere ang boses ng isang lalaking mamalat malat. Sinadya niyang suotan ng earpiece ang isang tainga ng anak niya para hindi masyadong mabingi. At buti na lang din ay nasa front row sila. Mura na nga raw yung bayad sa ticket per head kasi ang unang hirit ay 60k. Yun lang ay gusto raw ng Nate na yun na ibaba kasi Pilipino raw ang mga manonood at bilang isang bokalista na may dugong pinoy, mahal daw niyon ang mga kapwa Pilipino. Not bad huh or is it just a show? "Magandang Gabi, Pilipinas!" anang mapanghalinang boses na yun na kahit salita lang ay parang nangduduyan na kaagad, at purong Tagalog ang salita nun at ang diin ay tamang-tama lang. Bumukas stage at mula sa ilalim ay umangat paitaas ang buong banda. Nakita kaagad niya ang isang maangas na lalaking nakatayo, hawak ang gitara at mikropono. Oh my gosh! Ang gwapo niya! Napatili sya nang may bumugang usok sa harap nila at may mga apoy pa kasabay ng pag-tugtog ng banda sa isang intro ng kanta na kinakanta kanina ng anak niya. Ang anak niya ay amazed na amazed at si Luna ay malapuso puso ang mga mata habang wala ring tigil sa pagtili hanggang sa pumikit na ang gwapong bokalista at sinimulang tugtugin ang gitara, kasabay ng pagbuka ng bibig para kumanta. Close your eyes Make a wish, And blow out the candle light, For tonight it is the night We're going to celebrate, He started to sing the song softly, kaya tumigil sa paghiyawan ang mga tao para mapakinggan ang boses ni Nate na walang kasing lamig. Shit! Kung bakit naman pumasok sa kukote niya ang gabi na nalasing sya at may nanyari sa kanila ng hindi kilalang ama ni Hayden. Malalaglag yata ang panga niya sa lalaking ito na kumakanta. Parang boses pa lang eh maghuhubad na ang babae, sukso! Ilan kayang babae ang napangakuan ng kasal ng gwapong ito? Iba itong tumingin, nang-aakit. Habang pausad nang pausad ang kanta papunta sa chorus ay palakas din naman ng palakas ang boses ng bokalista kaya nag-umpisa na namang maghiyawan ang mga tao roon. Pati siya ay nadala na rin lalo nang pilyong ngumiti ang binata at nagmulat na ng mga mata habang ang iba ay sumasabay na sa lyrics. Simula sa umpisa ay ganoon hanggang sa di niya namalayan na dalawang oras na pala silang nakatayo roon at nakikisabay sa hiyawan at sa pagkanta ni Nate Elizares. Gatla-gatla na ang pawis nin pero walang ni ga tuldok man lang na bahid para makabawas sa kagwapuhan. "It's getting hot in here!" aniyon sa mikropono at hinubad ang t-shirt na suot kaya parang halos mabaliw na ang mga tao sa kasisigaw nang tumambad ang katawan ng lalaki sa mga mata nila. Napatingin sya lay Luna na parang puputukan na ng litid sa leeg dahil sa pagtili. Pati sya ay parang napatili na rin nang sumama ang laylayan ng sandong suot niyon paitaas kaya lumabas ang abs ng bokalista. Napatili rin sya nang makita kamachohan niyon. Maya maya ay inayos nun ang sumbrerong suot at nakuha pang sumayaw nang medyo mahalay, habang itinataas pa kunwari ang sando. Ang lakas na naman ng sigawan at nag-umpisa nang magkagulo. Maryosep! Grabe ang hatak ng lalaki. Ang landi niya! "Hey!" aniyon sa mic at itinaas ang isang kamay sa ere. "I hate to say goodbye or we do hate to say goodbye but I guess this is the end. But of course before we finally leave, I'll sing my last song for you. This song is truly close to my heart because this was the very first song that I wrote and this is called... TRUE. dedicated to my future wife but so far, I didn't met her yet. I guess it's a little bit too far from now so don't frown ladies! There's still a big chance she could be one of yo, sabay turo niyon sa karamihan kaya lumakas na naman ang hiyawan. "Maraming salamat po sa pagtanggap sa The Heartthrobs. I love you all!" aniyon kaya wala nang tigil ang sigawan. Parang nasisiraan na nga bait ang lahat. Ang anak niya ay gising na gising pa rin kahit gabing-gabi na at kitang-kita na nag-eenjoy nang husto. Kumaway pa si Nate bago ulit sinukbit ang gitara at sinimulan na tugtugin ang kanta ng sinasabi niyon. Nagbago ang background ng stage at may mga usok na pumuno sa sahig. "Silence please..." malambing na sabi niyon na napatigil sa lahat kaya ngumiti na naman ng pagkaganda ganda, "Thanks." He stopped gliding the guitar as he beckoned his hand to his band to stop playing the instruments. He opened his mouth to sing again on acapella. "I've waited all my life…” Sa unang bitaw pa lang ng lyrics ng kanta ay ramdam na ang sincerity niyon. Chorus yun ng kanta, kung di sya nagkakamali. "To cross this line To the only thing that's true So I will not hide It's time to try Anything to be with you All my life I've waited, This is true" He signaled again for the band to play the instruments this time. "First stanza, dudes!" aniyon sa microphone. Grabe. Hatak na hatak din sya sa karisma ni Nate. Nakatunganga sya sa bawat kilos at buka ng bibig niyon. Baka mainlove sya sa estrangherong bokalista, mabilang na siya sa isa sa mga baliw na umaasa sa isang himala. Tuluyan nang nagkagulo nang tumalon yun mula sa stage habang kumakanta. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Hayden pero nagkabitaw pa rin sila bago pa man kang niya ito makarga dahil nag-uunahan ang mga babae na makalapit kay Nate, at kahit may barikada ay tinatalon yun ng mga tao, makalapit lang sa singer. "Hayden!" sigaw niya sa pangalan ng anak pero sa lakas ng tilian ay walang makakarinig sa kanya. Sa isang iglap lamang ay nawala na si Hayden Ace sa paningin niya. Luna ay nawala na rin sa paningin niya. Diosko! Di pwedeng mawala ang anak niya. Baka magkaroon ng stampede at mapahamak si Hayden. Peste naman kasing lalaki ito, bakit bumaba pa ng stage? Nawala tuloy ang paghanga niya at napalitan ng inis. Mangiyak-ngiyak na nakipagsiksikan sya para lang mahanap ang anak niya. Panay ang sigaw niya kahit na sobra ang ingay sa loob. Hindi sya uuwi hanggat hindi niya nakikita si Hayden. Mamamatay sya kapag nawala sa kanya ang baby niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD