C6

1247 Words
6 "Ayos ka lang ba pogi?” Nakagat ni Brittany ang sariling labi nang marinig niya ang tanong ng Mama niya sa bokalistang…pogi nga naman. Her mother even caressed the man's back. She felt a little guilt, lalo na nang simpleng ngumiti ang binata at parang di man lang nagalit dahil sa ginawa niya. Mabait naman yata ito. Nagkamali lang yata sya ng first impression dahil sa salitang tatanga-tanga raw siya dahil nahiwalay sa kanya si Hayden sa gabi ng concert. Nate is a little relaxed now. Medyo nawala na ang pamumula ng mukha nito. Grabeng pagkamistiso nito na kitang-kita kung paano namula sa sakit pero lalaking lalaki na hindi umatungal na parang baka. She saw him bites his reddish lips, saka tinanungan ang Mama niya. She blinked. He has a sensual lips na malamang ay pinagpapantasyahan ng mga kababaihan. Kaya yata ang daming nababaliw dito noong concert. "Brittany, mag-sorry ka." sabi ng mama niya sa kanya kaya lumipat doon ang mga mata niya. Daig niya pa ang five-year old na bata na kinagalitan sa harap ng lalaki para lang humingi ng sorry, pero bago pa man lang siya makapagsalita ay nauna na si Nate. "No, it's okay, Tita. I'm okay...po?" parang gusto pa nitong mapangiwi sa salitang po na sinabi. Sya naman ay lihim na gustong matawa, nahuli pa ang po talaga, at patanong pa, at maging ang pananagalog ay parang aral. Although nakakapagsalita naman ay may accent pa rin ang lumalabas sa tuwing nananagalog, kahit na sa kaisa-isang salita na po. Hindi naman sya nagsalita. Ni hindi sya nag-sorry at kitang - kita niya kung paanong parang lumambot ang puso ng Mama niya lalo sa Nate Elizares na ito. Baka daig pa ang baka na ipinagturbo boiler sa lambot. Huli nito ang kiliti ng Mama niya kaagad dahil bukod malamang sa pogi eh mukhang mabait talaga. "S-Sige. Maiwan na kita ha. Tiningnan lang kita kasi baka hindi ka ipagbukas ng pinto ng batang yan. May topak din yan kung minsan eh, sumpungin at pasensyahan." ani pa ng Mama niya. Gusto niyang mapakamot sa ulo. Ipinag-tsismis pa talaga sya samantalang hindi naman nito kaclose si heartthrob. Nate nodded. Kahit na ultimo pagtango nito ay parang ang bait-bait. May ganun pa pala sa mundo o baka panggap. Biglang kumabog ang dibdib niya nang tumingin ito sa kanya. Baka pagsungitan na naman sya nito dahil wala ng matanda sa harap nila. "May I come in, Miss—gorgeous?" he followed it with a naughty smile. Bwisit ka! Inuuto yata sya ng bokalista. Base sa paraan ng pagkakangisi nito ay para itong isang lalaking maharot na nang-aakit ng isang fan. Kailan lang tatanga-tanga raw siya tapos ngayon ay gorgeous na? Aba! Nag-isip siya kung papapasukin ba niya si Nate. Saglit pa niyang tiningnan ang mga babaeng nakatitig pa rin dito, particularly sa pang-upo ng binata. Shits! Parang sya ang namula sa paraan ng mga titig ng mga kasama niya. They're call center agents at may mga hitsura ang mga babae bukod pa sa magagaling makipag-usap at mag-english. Syempre, nasa call center eh. Anong hirap ang pinagdadaanan doon bago makapasok. May English training and English proficiency exam pa at pag di natanggap eh sori na lang ang effort. Nang hindi maalis ang mga mata niyang nakatingin sa mga kadalagahan ay mapalingon si Nate at parang hihimatayin sa kilig ang mga iyon, nang simpleng kindatan ng binata at kinagatan pa ng labi. Ang harot! Nagtitili ang mga kababaihan at ito naman ay natawa nang mahina sa nakukuhang atensyon at reaksyon ng mga iyon, na malamang kung wala ito sa harap niya ay baka pinupog na ito ng halik at yakap. Takot lang ang mga iyon sa kanya dahil taklesa sya. Wala syang inuurungan, kahit basagan itlog man. Napasulyap sya sa ibaba ni Nate at gusto niyang pamulahan nang makita ang nakaumbok sa harap nito. Takte! Mali yata na sumulyap sya. She's just curious kung masakit pa ba yung eggies nito pero talong ang bumalandra sa mga mata niya. Bakat na bakat sa pantalon na suot nito ang p*********i at mukhang hindi maliit kahit patay! Npakurap sya nang tumikhim si Nate. Tumingala sya sa mukha nito at ganoon na lang ang pagkapahiya niya na nahuli pala sya nitong nakatingin sa kwan nito. Diyos ko! May kapilyuhan ng ngiti ang labi nito na kahit hindi kita ay parang lumalabas sa mga mata. "P-Pasok ka,” parang nagkabuhul-buhol pa ang mga salita niya. Naiiwas niya kaagad ang paningin sa binata at nilakihan niya ang bukas ng pintuan. Gusto niyang singhutin ito nang dumaan sa mismong harap niya. He smells so great. Parang baby ang amoy nito ma ang sarap papakin at amuyin. "Upo ka,” sabi pa niya matapos maisara ang pinto. Ngayon lang ito nangyari na may lalake sa loob ng kwarto niya at sila lang dalawa. Ano ba ang kailangan nito sa kanya? Nate looked at her single brass bed, "Here?" tanong nito na bahagyang umarko ang kilay. She crossed her arms on her chest, "Yup. Wala akong upuan dito eh." "Isn't it that, baka mabuntis kita ulit kapag dito ako naupo?" there's his Tagalog but accent again. His eyes flickered in a naughty way. Ano raw? Brittany involuntarily parted her lips as her jaws literally dropped. What did he just say? Itinago pa ni Nate ang sariling labi habang nakatitig sa mga mata niya, senyales na nagtatago ito ng ngiti. Anong nginingiti ngiti ng hinyupak na bokalistang ito? Biglang tumaray ang arko ng kilay niya. "Excuse me, Mister Natherson Elizares? Are we close para biruin mo ako ng ganyan? I maybe a single mother but I'm not that easy to get. Saka hindi porke may hitsura ka eh pwede mong ipares sa lahat ng babae na nagkakandarapa sa'yo at hindi isang kagaya ko ang pwede mong biru-biruin ng mga kalokohan mo." umusok ang tumbong niya sa inis. And she was really amazed na cool pa rin ito kahit na sinungitan na niya. Nakatitig lang ito sa mukha niya, nagpapalit palitan ang tingin sa mata at bibig niya. "Ang taray mo pala." mahinang sabi lang nito na parang iba pa ang dating sa kanya. Parang pinupuri pa sya nito sa paraan ng pagkakasabi. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero nagsalita rin ito. "That is not the you I've met seven years ago, when I laid you in bed and made Hayden Ace,” he licked his lower lip. Ano?! Nanginit ang pisngi niya at para siyang mabubuwal. Saan naman ito humugotng ganoong istorya? Aba, pwede rin pala itong maging writer. Literal na guto niyang mabuwal sa kinatatayuan niya. Hindi lang pisngi ang nanginginit sa kanya kung hindi pati na buong katawan niya. Ang gabi na yun na lasing sya at may lalake syang naka one night stand... she mentally shook her head. Paano niya tatanggihan iyon kung siya mismo hindi niya makagawang kalimutan. Saka bakit ura-urada susulpot ito at magsasalita ng tungkol kay Hayden? "I-Ikaw?" natutop niya ang noo kasabay ng pag-iling niya. "Yes baby, no other than me," he bit his lips. Tumingin ito sa labi niya. His eyes even squinted because of satisfaction, seeing her reaction. She swallowed hard, at parang ang hirap niyang huminga. Parang pumapalya ang lungs niya sa paghigop ng hangin. O baka hindi ang lungs niya kundi ang puso niya. It isn't normal. The heartbeat is too loud and deafening. Parang hihimatayin sya sa pagkabigla at pahakahiya. Itatanggi ba niya? Napasandal sya sa cabinet. Nananaginip lang yata sya o binabangunot. Hindi ito totoo! Hindiiii!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD