"S-sino siya?" tanong ko sa kanilang dalawa nang mahimasmasan na ako. May pinainom sila sa aking gamot. Hindi ko alam kung ano iyon pero medyo umayos naman ang pakiramdam ko. "A-ah..eh." Tila hindi malaman ang isasagot sa akin ni ate Doray. Pareho silang nagkakatinginan ni ate Gina. "S-siya ba 'yong S-sir?" ako na ang nagtanong. "Ah..o-oo eh," sagot ni ate Gina habang kumakamot sa kanyang ulo at may alanganin na ngiti. "P-pero huwag kang mag-alala, bebe girl. Mabait 'yon! Siya nga 'yong nagdala sa iyo sa hospital eh, 'di ba ate Doray?" Mabilis namang tumango si ate Doray sa sinabi ni ate Gina habang nakangiti sa akin. "S-si Sir din ang nagsabi na dito ka na lang daw tumira sa condo niya. Kasi kung sa calsada ka titira, naku! Maraming masasamang hayop doon! Wala kang tutulugan doon,