"Dito ang kwarto mo sa ibaba, ha. Ang sa amin ni Gina ay doon sa katabing pinto. Mayroon ding silid sa itaas pero hindi ka pwede doon. May momo don," paliwanag ni ate Doray habang inaalalayan niya ako sa pagpasok sa isang maganda at malinis na silid. Nanlaki naman ang aking mga mata sa huli niyang nabanggit. "M-momo?" Kumabog ng malakas ang aking dibdib. "Ano ka ba naman, ate Doray! Tinatakot mo pa si bebe girl natin eh. Ikaw lang naman ang mukang momo dito sa gabi!" sagot naman ni ate Gina habang inaayos niya ang magiging kama ko. "Joke lang 'yon, Avriah. Hindi ka naman mabiro. Basta huwag ka na lang aakyat doon kasi off limits tayo doon, ha." Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi. Halos dalawang linggo ang pinanatili ko sa hospital at buryong-buryo na ako doon. Mabuti na lamang at