KABANATA 17

2027 Words
THIRD PERSON POV Tatlong beses nang nakaraos si Cecilia mula sa paglalaro ng kanyang hiyas habang iniisip ang lalaking kanyang nakasama sa loob ng isang fitting room ng isang mall tenant. Hindi makalimutan ni Cecilia kung paano siyang pinaligaya ni Raul nang araw na iyon. Kaya simula nang araw na iyon ay hindi na nawala sa kanyang isipan si Raul. Nitong mga nakalipas na araw ay palaging laman na ng pantasya ni Cecilia ang bago nilang family driver na si Raul. Simula rin nang araw na iyon ay hindi na sinusubukan pang kalabitin ni Cecilia ang kanyang asawang si Rigo para sila ay magtalik. Masyadong masarap ang ipinaranas ni Raul kay Cecilia para gustuhin niya pang makipagtalik sa asawang parang lantang gulay sa kama. Sigurado rin naman si Cecilia na pabor sa kanyang asawa ang hindi niya pag-aaya rito na magtalik sila. Ilang gabi na ang nakalipas nang magsimulang manamlay ang kanyang asawa pagdating sa kama. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi alam ni Cecilia kung bakit hindi tinitigasan ang asawang si Rigo sa tuwing kanyang pinaglalaruan ang alaga nito. Laging nauuwi sa frustration ang ginagawa niyang paglalaro sa alaga ng asawa. Ang tanging sinasabi ni Rigo ay marahil dahil sa pagod at stress mula sa trabaho kaya hindi nakikisama ang alaga nito. Ngunit si Cecilia ay hindi ganoon ang iniisip. Iniisip ni Cecilia na maaaring may babae ang kanyang asawang si Rigo. Kaya hindi na ito tinitigasan sa kanya. At kung totoo man ang hinala ni Cecilia ay hindi niya alam kung ano ang kanyang magagawa sa asawa. Kung totoo mang may babae si Rigo ay paniguradong masasaktan ito ng ama ni Cecilia na si Emilio. At dahil nga sa sunud-sunod na gabing walang nangyayaring aksyon sa pagitan nina Cecilia at Rigo ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na magkaroon sila ng quality time. Kaso ang naging problema ay noong gabing bago ang itinakdang araw ng quality time nina Cecilia at Rigo ay biglang nagkaroon ng interes si Cecilia sa bago nilang family driver. Kumakain ang buong pamilya Mondragon sa loob ng dining room ng kanilang malaking bahay nang mapatingin si Cecilia sa parte ng kusina kung saan kumakain ang mga tauhan ng mansyon. Doon niya nakita ang driver na si Raul. Nakita ni Cecilia kung paanong magharutan sina Raul at ang isa nilang housemaid na si Marta. Humanga si Cecilia sa nakita niyang confidence ni Raul habang hinaharot si Marta kaya nagkaroon siya ng interes sa lalaki. Isa sa mga kahinaan ni Cecilia pagdating sa isang lalaki ay ang pagiging confident nito. Iyon ang isang katangian na hindi kailanman nakita ni Cecilia sa asawang si Rigo. Sina Cecilia at Rigo ay hindi nagkakilala sa normal na sirkumstansya. Sila ay nagkakilala through arranged marriage. Magkaibigan ang ama ni Cecilia na si Emilio at ang ina ni Rigo. High School pa lamang ang mga ito ay nag-usap nang pagdating nang araw ay ipagkakasundo ang panganay na anak ng bawat isa. Babae ang naging panganay na anak ng ina ni Rigo kaya naman sa pangalawang anak nitong si Rigo ipinagkasundo ang panganay na anak ni Emilio na si Cecilia. Hindi naman sinubukang tumanggi ni Cecilia sa arranged marriage na ginawa ng kanyang ama para sa kanya at kay Rigo kahit hindi niya nakita kay Rigo ang kanyang hinahanap na confidence sa isang lalaki. Gwapo naman si Rigo at isang matangkad na lalaki, ngunit sadyang minsan ay awkward ang mga kilos nito. Minsan may mga sitwasyong napapansin ni Cecilia na naiilang si Rigo at kung bakit ay hindi niya alam. Hindi rin sinubukang tumanggi ni Rigo sa arranged marriage nila ni Cecilia at matapos lamang ang tatlong linggo simula nang magkakilala silang dalawa ay naikasal sina Cecilia at Rigo sa isang enggrandeng kasalan. Ang dahilan kung bakit pumayag si Cecilia sa arranged marriage nila ni Rigo ay para hindi sa kanya iatang ng amang si Emilio ang malaking responsibilidad sa kanilang company bilang siya ang panganay na anak. Hindi kailanman pinangarap ni Cecilia ang magtrabaho para sa kanilang company. Ang gusto niya ay ang mamuhay ng marangya nang hindi kinakailangang magtrabaho. Sa pagpapakasal ni Cecilia kay Rigo ay sa lalaki iniatang ng kanyang amang si Emilio ang isang malaking responsibilidad sa kanilang company. Dahil sa wala namang lalaking iniibig si Cecilia nang panahong iyon ay hindi naging mahirap para sa kanya ang subukang mahalin si Rigo lalo na at mabait at maalalahanin itong asawa. Katunayan ay walang naaalala si Cecilia na mayroon silang pinagtalunan ni Rigo na sobrang malala. Hanggang nito ngang huli kung saan hindi na nabubuhayan ang p*********i ni Rigo kay Cecilia. Sekswal na babae si Cecilia at mahilig siya sa romansa. Isa pa iyon sa mga dahilan kaya agad siyang pumayag na magpakasal sila ni Rigo. Para may pumunan ng kanyang pangangailangan bilang babae gabi-gabi. Masasabi naman ni Cecilia na nasisiyahan siya sa kung anong kayang ibigay ni Rigo sa kanya pagdating sa kama. Nakakaraos siya at sapat na iyon sa kanya. Pero nitong huli ay kahit patak ng likido ni Rigo ay walang napapala si Cecilia mula sa kanyang asawa. At iyon ang dahilan kung bakit madalas uminit ang kanyang ulo sa tuwing nagkakausap silang mag-asawa. At para nga masolusyonan ang sinasabi ni Rigo na pagod at stress mula sa trabaho kaya hindi ito tinitigasan sa panlalandi rito ni Cecilia ay naisipan nilang mag-quality time. Kalimutan sandali ang trabaho at magpakasaya buong maghapon. Ngunit dahil nga sa napukaw na interes ng family driver na si Raul kay Cecilia kaya mismong ang babae ang sumira ng totoong purpose kung bakit lumabas sila ni Rigo noong isang araw. Gabi ng Lunes nang magkausap sina Cecilia at Raul sa loob ng laundry room. Sinabihan ni Cecilia si Raul na ito ang mag-drive para sa pamamasyal nilang mag-asawa sa mall kinabukasan. Sa loob pa lang ng laundry room ay dama na ang tensyon sa pagitan nina Cecilia at Raul. Cecilia: Busy ka ba bukas, Raul? May humingi na ba ng iyong serbisyo? Nakakaakit ang tinig ng boses ni Cecilia. Halatang-halata na kanyang inaakit si Raul. Raul: Ikaw pa lang ang lumalapit sa akin, Ma'am Cecilia. May pupuntahan ba kayo bukas? Cecilia: May pupuntahan kami ng aking asawa. Gusto ko sanang ipagmaneho mo kami. Raul: Ah. Ganoon ba? Wala namang problema. Saan ba? Papuntang langit? Sinundan ni Raul ang sinabi ng mahinang tawa. Sandaling nag-init si Cecilia sa sinabing iyon ni Raul. Cecilia: Kung magpapahatid ako sa 'yo sa langit, hindi ko isasama ang aking asawa. Doon pa lang ay nabuo na ang isang desisyon sa isipan ni Cecilia. Kay Raul ipatitikim ni Cecilia ang kanyang hiyas kinabukasan. At ganoon nga ang nangyari kinabukasan. Sa loob pa lang ng van ay malagkit na ang mga tinging ipinupukol nina Cecilia at Raul sa isa't isa. Kaninang umaga ay nagkapalitan na ng numero ang dalawa at handa na si Cecilia sa kanyang gagawing kapilyahan sa loob ng mall kung saan naisipan nila ng kanyang asawang si Rigo na mamasyal. Pagkapasok nina Cecilia at Rigo sa loob ng isang mall tenant kung saan makikita ang iba't ibang klaseng lingerie ay sinabihan ni Cecilia ang asawa na humanap ng sa tingin nito ay babagay sa kanya. Kumuha si Cecilia ng isang pink lingerie at nang mapansing malayo na siya sa pwesto ni Rigo ay pasimple siyang pumasok sa loob ng isa sa mga fitting room na naroon nang hindi napapansin ng asawa. Agad na t-in-ext ni Cecilia si Raul at sinabing pumunta ito sa loob ng mall tenant kung nasaan sila ng kanyang asawa ngayon. Kasama sa mensaheng ipinadala ni Cecilia kay Raul na sabihin nito kay Rigo na sumama ang kanyang pakiramdam kaya bumalik na siya ng van nang hindi nakakapagpaalam sa asawa. Habang hinihintay ni Cecilia na makarating sa loob ng mall tenant na iyon si Raul ay naisipan niyang isukat ang pink lingerie na kanyang kinuha kanina. Natuwa naman si Cecilia sa kanyang napiling lingerie. Mga ilang sandali pa ay sumilip si Cecilia sa labas ng fitting room. Nakita niyang kausap na ni Raul si Rigo. Nakita ni Raul ang nakasilip na si Cecilia. Ngumiti si Cecilia ng pagkalandi-landi kay Raul bago lumipat sa loob ng katabing fitting room na nasa dulo bitbit ang kanyang phone dahil siguradong tatawagan siya ni Raul at hindi maaaring marinig ng kanyang asawa na nasa loob siya ng isa sa mga fitting room na naroon. At sigurado rin siyang walang mang-iistorbo sa kanilang dalawa ni Raul doon mamaya. Nakalipat na si Cecilia sa loob ng kabilang fitting room nang makita sa malaking salamin na naroon na tanging ang isinukat na pink lingerie lamang ang kanyang suot. Nanlaki ang mga mata ni Cecilia at halos mamutla siya sa sobrang kaba. Naiwan niya sa loob ng kabilang fitting room ang mga pinaghubarang damit. Akmang babalik na sana si Cecilia sa pinanggalingang fitting room para kuhain ang naiwang mga damit nang tumunog ang kanyang phone. Tulad nang inaasahan ay tumawag si Raul. Nataranta si Cecilia ngunit agad din namang sinagot ang tawag ni Raul. Umaasang wala sanang pumasok sa kanyang pinanggalingang fitting room dahil naroon ang kanyang mga damit. Cecilia: Hello, Raul. Raul: Ma'am, kayo na po ang kumausap kay Sir Rigo. Sinabi ko na hong sumama ang pakiramdam niyo at nasa van na ho kayo. Napahanga si Cecilia nang hindi man lang nautal sa pagsasalita si Raul kahit na nagsisinungaling ito. Mukhang sanay na sanay sa isip ni Cecilia. Maya-maya ay narinig na ni Cecilia ang boses ng kanyang asawang si Rigo. Nag-aalala ang tinig ng boses nito. Medyo na-guilty si Cecilia pero talagang matindi ang tawag ng kanyang laman nang mga oras na iyon. Cecilia: Ah... O-oo, hon. Bu-bumalik ka na rito sa van. Ta-talagang masama ang aking pakiramdam. Gu-gusto ko nang umuwi para ma-makapagpahinga. Ilang sandali matapos ang tawag ay narinig ni Cecilia na may kumakatok sa pinto ng fitting room kung nasaan siya ngayon. Pinagbuksan niya ng pinto ang kumakatok. Si Raul. Agad na pinapasok ni Cecilia sa loob ng fitting room si Raul. Tuluyan nang bumigay si Cecilia sa tuksong hatid ni Raul. Ang akala ni Cecilia ay mabibitin siya rahil sa saleslady na gumambala sa kanilang dalawa ni Raul ngunit ibinigay lamang nito ang mga naiwan niyang damit sa loob ng kabilang fitting room. Nakakatawa pa ang idinahilan ni Cecilia sa saleslady na kaya siya lumipat ng ibang fitting room ay dahil nagmumukha siyang mataba sa salamin ng kabilang fitting room. Nang makaalis ang saleslady ay doon na nagsimula si Raul na pagpalain ang katawan ni Cecilia. Ipinaramdam ni Raul kay Cecilia ang sarap na matagal nang inaasam. At simula nang araw na iyon ay lagi nang pinaglalaruan ni Cecilia ang kanyang hiyas habang pinagpapantasyahan si Raul at iniuungol ang pangalan nito. Madalas gawin iyon ni Cecilia sa loob ng kwarto nilang mag-asawa habang si Rigo ay nagpapakapagod magtrabaho sa company ng kanilang pamilya. Wala nang pakialam si Cecilia kung nagtaksil man siya kay Rigo. Tutal naman ay nakikinabang ito sa yaman ng kanyang pamilya. Cecilia: Raul, hindi ako papayag na hindi makain ng aking hiyas ang iyong alaga. Buo na ang loob ni Cecilia na muling magtaksil sa asawang si Rigo para lang muling matikman ang walang-kapantay na sarap sa piling ni Raul. ---------- Sa isang madilim na bahagi ng malawak na hardin ng pamilya Mondragon ay malakas na hinatak si Rigo ng lalaking kanina pang naghihintay sa kanya. Nagtama ang matigas na dibdib ni Rigo at ang malapad na dibdib ng lalaki nang hinatak si Rigo ng lalaki palapit dito. Mabilis na kinuyumos ng halik si Rigo ng lalaki na ginantihan naman ni Rigo. Ilang minutong tumagal ang paghahalikan ni Rigo at ng lalaki. Lalaki: Na-miss kita, mahal ko. Humihingal pa ang lalaki nang magsalita. Rigo: Alam mo namang hindi madali ang sumalisi. Dinilaan pa ni Rigo ang ibabang labi para namnamin ang laway ng lalaki na kumapit sa kanyang labi. Lalaki: Magpakalayo-layo na tayo, Rigo. Gusto ko nang magsama tayo. Humalik muna si Rigo sa lalaki bago sumagot. Rigo: Hindi ganoon kadali iyon, Fabio. Alam mo namang may asawa ako. Mahigpit na niyakap si Rigo ng hardinero ng pamilya Mondragon na si Fabio. Fabio: Naiintindihan ko, mahal ko. At tulad nang dati ay maghihintay ako para sa iyo. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD