KABANATA 18

2008 Words
THIRD PERSON POV Nakahalukipkip si Adriana habang masamang nakatitig kay Raul sa rear-view mirror ng van na ginamit nito sa pagsundo sa kanya mula sa kanyang shop, ang Adriana's Haven. Mainit ang ulo ni Adriana ngayon dahil pakiramdam niya ay parang napahiya siya sa harapan ng isa sa kanyang mga mahahalagang clients. At iyon ay dahil sa newly-hired driver ng kanilang pamilya na si Raul Natividad. Inis na inis si Adriana rahil kung kausapin siya ni Raul ay parang magka-level lang sila ng estado sa buhay. Na para bang matagal na silang magkaibigan kung asar-asarin siya nito. Na para bang dati pa silang magkakilala at hindi isa si Adriana sa mga amo ni Raul. Ikinuyom ni Adriana ang kanyang kanang palad nang masilip niya sa mukha ni Raul ang nakakalokong ngisi habang nagmamaneho ito. Adriana: Napakapresko talaga ng lalaking ito. Hindi namalayan ni Adriana na bumubulong na pala siya sa hangin. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Raul ang sinabi ni Adriana na mas lalong nagpalaki ng ngisi nito sa mukha. Raul: Ano po, Ma'am Adriana? May sinasabi po ba kayo? Presko po? Masyado po bang malamig? Hinaan ko po ba ang aircon? Nahihimigan ni Adriana ang pang-aasar sa tinig ng boses ni Raul kahit umaakto itong parang isang inosente. Malalim na nagbuntung-hininga si Adriana at mariing pumikit. Pagkamulat ng mga mata makalipas ang ilang sandali ay masamang tumitig kay Raul sa rear-view mirror. Adriana: No. Just keep on driving. Mariin ang pagbitiw ni Adriana sa mga salitang iyon. Tumaas pa ang dalawang kilay ni Raul nang sandaling tumingin kay Adriana sa rear-view mirror at pagkatapos ay nagkibit-balikat bago ibinalik ang tingin sa daan. Si Adriana ay ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Muli na namang naalala ni Adriana kung bakit inis na inis siya kay Raul nang araw na iyon. Dumating nang araw na iyon sa boutique shop ni Adriana ang isa sa kanyang mga mahahalagang clients, si Chelsea Visitacion. Si Chelsea Visitacion ay anak ng isang kilalang may-ari ng clothing brand sa bansa, si Brandon Visitacion. Si Brandon Visitacion ay isa sa mga kaibigan ng kanyang amang si Emilio Mondragon. Personal na magkakilala sina Adriana at Chelsea rahil sa pagiging magkaibigan ng kanilang mga ama. Nagpunta si Chelsea sa Adriana's Haven para mamili ng wedding dress na isusuot nito para sa nalalapit nitong intimate wedding. Kasamang dumating ni Chelsea ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla para tulungan ang bride-to-be sa pamimili ng magiging wedding dress nito. Katulong ni Adriana sa pag-a-assist kay Chelsea ang kanyang dalawang assistants na sina Mabelle at Rannicia. Umaga pa lamang pero pakiramdam ni Adriana ay parang maghapon na siyang nagtatrabaho. Pagod na pagod siya sa pag-aasikaso kay Chelsea na halos sampung beses nang nagsusukat ng iba't ibang wedding dresses. Actually, hindi naman mapili si Chelsea sa mga isina-suggest na wedding dresses ni Adriana base na rin sa sinabi ni Chelsea na preference nito, pero ang mga matatalik na kaibigan ni Chelsea ang maraming comments sa mga isinusukat nitong wedding dress. At kadalasan ay nakikinig si Chelsea sa sinasabi ng mga kaibigan nito. Dahil nga pakiramdam ni Adriana ay parang pagod na pagod siya umaga pa lamang, kaya naisipan niyang magpasundo na lang sa bago nilang family driver na si Raul mamayang gabi at iiwan na lang ang kanyang sariling sasakyan. Ang sariling sasakyan ni Adriana ay ang van na ginagamit na niya simula pa lamang nang mag-College siya. Ang van na iyon ay may sentimental value para kay Adriana rahil bigay iyon sa kanya ng kanyang namayapang lola. Kahit na mas convenient kung bibili ng sariling kotse si Adriana ay hindi niya ginawa rahil ang pakiramdam niya ay kasama niya ang kanyang Lola Amor sa tuwing ginagamit ang sasakyang iniregalo nito para sa kanya. Habang ina-assist nina Mabelle at Rannicia si Chelsea ay nagpaalam muna si Adriana na may kakausapin lang siya sandali sa kanyang phone. Pagkatapos tumango ni Chelsea kay Adriana ay nagtungo na siya sa counter para kausapin sa kanyang phone ang driver na si Raul. Kumunot ang noo ni Adriana nang hindi agad sagutin ni Raul ang kanyang tawag. At tumaas ang kanyang isang kilay nang marinig ang naging bungad nito sa kanya mula sa kabilang linya. Raul: Grabe namang pagka-miss 'yan. Umaga pa lang ay hinahanap mo na ako. Natigilan si Adriana sa sinabi ni Raul. Ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nagsasalita si Adriana. Hindi siya makapaniwala sa paraan ng pakikipag-usap ng family driver na si Raul sa kanya. Adriana: Excuse me? May halong inis sa tinig ng boses ni Adriana nang makabawi na siya mula sa pagkabigla sa pagiging komportable ni Raul sa kanya. Nagulat si Adriana nang marinig na malakas na tumawa si Raul mula sa kabilang linya. Ilang sandali ang lumipas bago muling nagsalita si Raul. Raul: Hala. Bakit ka nag-e-excuse me? Eh, hindi ka naman kakasya sa screen ng phone. Ma'am Adriana talaga, palabiro. Napatawa ako ng malakas. Narinig niyo po ba? Ulitin ko po ba 'yong tawa ko? Nang marinig ang sinabi ni Raul ay awtomatikong nagngitngit ang kalooban ni Adriana. Nagpupuyos ang kalooban ni Adriana rahil sa sobrang kapangahasan ni Raul na makipag-usap sa kanya na parang close silang dalawa. Adriana: Raul. Sinigurado ni Adriana na sobrang diin ng kanyang pagkakabigkas sa pangalan ni Raul habang isinusumpa na niya ang lalaki sa kanyang isipan. Raul: Yes po? Bakit po? Ngayon ay nakataas na ang dalawang kilay ni Adriana nang marinig ang parang inosenteng-inosenteng tono ng boses ni Raul. Adriana: Stop that. Whatever you are doing right now isn't funny. My father hired you to be our personal driver. You aren't being paid to be a clown. Sobrang diin pa rin ng pagkakabigkas ni Adriana sa bawat salitang kanyang binitiwan. Nagtatagis ang mga ngipin ni Adriana sa sobrang inis kay Raul. Nanggigigil siya rito. Raul: Wala pa naman po akong sahod. Ikaapat na araw ko pa lang. Kaya hindi pa paid. Hindi na nakontrol ni Adriana ang kanyang inis nang marinig ang sinabing iyon ni Raul at sinundan pa nito ng malakas na tawa. Adriana: Raul! Narinig ni Adriana na tumigil sa pagtawa si Raul mula sa kabilang linya nang marinig nitong sumigaw siya. Raul: Grabe 'yon. Ang lakas ng sigaw niyo. Okay po, serious na tayo. Bakit po kayo napatawag? Si Adriana ay nagulat sa ginawa niyang pagsigaw kaya napalingon siya sa kanyang client at mga kasama nito. Ang kanilang mga mata ay nakatutok sa kanya. Halata ang gulat sa mukha ng mga ito rahil sa kanyang inasal. Maging ang dalawang assistants ni Adriana ay nagulat sa pagsigaw ng kanilang boss. Chelsea: Is everything all right, Adriana? Naramdaman ni Adriana na parang namula ang kanyang buong mukha. Hiyang-hiya siya. Sandaling inilayo ni Adriana ang kanyang phone mula sa kanyang kanang tainga. Adriana: Ah, yes. I-I'm fine. I'm sorry, Chelsea. Just a bit shocked about what I've heard from the other line. Don't mind me here. Everything's all right. I'll assist you again once I'm done with this call. Napataas ang dalawang kilay ni Chelsea at nagkibit-balikat. Graciela: Don't worry, Miss Mondragon. We're here to help Chelsea. Tumango naman ang tatlo pang kaibigan ni Chelsea. Priscilla: At saka mukhang boyfriend mo 'yang kausap mo. Namumula ka, eh. Biglang nailang si Adriana. Damang-dama ni Adriana ang pamumula ng kanyang mukha. Pero hindi iyon dahil sa kilig, kundi rahil sa inis. At lalong hindi boyfriend ni Adriana ang feeling close na si Raul. Nahihiyang ngumiti si Adriana kay Chelsea at sa mga kaibigan nito bago ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Raul. Humugot ng malalim na paghinga si Adriana. Adriana: Fetch me around 7PM later. At humanda ka sa akin. May diin pa rin sa bawat salitang binibitiwan ni Adriana. Raul: Grabe naman 'yan, Ma'am Adriana. Tinawagan niyo na ako ngayon, tapos gusto niyo pa akong makita mamaya. Tapos humanda pa ako sa inyo. Bigla akong kinabahan, pero huwag kang mag-alala, laging handa ito. Narinig ni Adriana na binabaan ni Raul ang tinig ng boses nito nang banggitin nito ang huling tatlong salita. Sigurado si Adriana na may halong malisya ang tinig ng boses ni Raul nang banggitin ang mga salitang iyon. Natahimik ng ilang segundo si Adriana rahil hindi siya makapaniwalang kakausapin siya ni Raul ng may halong malisya. Napakamanyak ni Raul sa isipan ni Adriana. Humugot ng malalim na paghinga si Adriana bago muling nagsalita. Adriana: You'll pay for this, Raul. Narinig ni Adriana na muling tumawa ng malakas si Raul. Raul: Pay? Hindi pa nga ako sumasahod. Kulit naman nito ni Ma'am Adriana. Sinundan ng tawa ni Raul ang sinabing iyon na labis na nagpakulo ng dugo ni Adriana. Bigla na lang ay isang gigil na gigil na sigaw ang pinakawalan ni Adriana. Adriana: Raaaaauuuuul! Hindi pa tapos ang mahabang sigaw ni Adriana nang biglang tapusin ni Raul ang tawag. Pulang-pula ang buong mukha ni Adriana rahil sa sobrang inis kay Raul. Nang humarap si Adriana kay Chelsea at sa mga kasama nito ay nakatulala silang lahat sa kanya. Laura: Sure ka bang okay ka lang, Miss Mondragon? Mariing pumikit si Adriana at malalim na nagbuntung-hininga bago mabagal na tumango. Nang imulat ni Adriana ang kanyang mga mata ay isang pilit na ngiti ang kanyang pinakawalan sa harapan ni Chelsea at ng mga kaibigan nito. Adriana: Yes, I'm fine now. Isang ngisi ang pinakawalan ni Kathleen. Kathleen: Okay, sabi mo, eh. Lumapit ang assistant ni Adriana na si Rannicia sa kanya. Rannicia: May napili ng wedding dress si Miss Visitacion, Ma'am Adriana. Tumango lamang si Adriana kay Rannicia habang iniisip pa rin ang kapangahasan ni Raul. Humugot ng malalim na paghinga si Adriana at muling tiningnan sa rear-view mirror ang nagmamanehong si Raul. Hindi normal para sa isang family driver ang paraan ng pakikipag-usap ni Raul sa akin. Maging ang kanyang mga kilos ay kakaiba. Malakas ang aking pakiramdam na may kakaiba kay Raul. Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Adriana habang patuloy na tinitingnan sa rear-view mirror si Raul. ---------- RAUL's POV Damang-dama ko pa rin ang pananakit ng aking ilong dahil sa pagtama rito ng handbag ni Adriana. Muli akong napangisi nang maalala ang sinabi sa akin ni Adriana pagkarating ko sa kanyang boutique shop kanina. Pasipol-sipol ako nang buksan ko ang pintuan ng Adriana's Haven, ang shop na pagmamay-ari ni Adriana Mondragon. Saktong pagharap ko sa counter ng shop ni Adriana matapos kong isarado ang pinto ay tumama sa aking mukha ang inihagis na isang mamahaling handbag. Malakas ang impact ng pagkakatama ng handbag sa aking mukha. Sumasakit ang aking ilong. Marahas akong napalingon sa kung sinuman ang bumato sa akin at kitang-kita ko ang nanlilisik na mga mata ni Adriana sa likod ng eyeglass na kanyang suot. Adriana: Magtutuos tayo, Raul. Naglakad palapit sa akin si Adriana at malakas na hinampas ang aking dibdib. Aba! Nakakarami na ang babaeng ito, ah. Ako naman kaya ang humampas sa kanyang pakwan. Napangisi ako sa aking isipan. Magsasalita na sana ako nang maunahan akong magsalita ni Adriana. Adriana: You humiliated me in front of my client, you pig! Nanlaki ang aking mga mata rahil sa pagtawag sa akin ni Adriana ng pig. Ibinuka ko na ang aking bibig para sumagot sa kanya nang muli na namang magsalita si Adriana. Adriana: As your punishment, araw-araw mo na akong ihahatid at susunduin dito sa shop. I will watch your every move, Raul. Babantayan kita. At oras na may makita akong kahina-hinalang ginagawa mo, I will make sure that you'll get fired. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata ni Adriana habang may diin sa bawat salitang kanyang binibitiwan. Adriana: That is your punishment, Raul. Nang ma-realize mo namang hindi tayo magka-level. Hinagod ng tingin ni Adriana ang aking kabuuan mula ulo hanggang paa at pabalik. Tumiim-bagang ako at nawala ang ngisi sa aking mga labi sa parteng iyon ng aking pag-alala sa nangyari kanina. Hindi ko hahayaang masira ni Adriana ang aking mga plano. Mali nga sigurong masyado kong sinagad ang pasensya ni Adriana. Pero hindi ang katulad ni Adriana Mondragon ang sisira sa mga plano ng isang Raul Natividad. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD