KABANATA 16

1491 Words
RAUL's POV Kitang-kita ko ang malalaking pang-upo ni Marta na umaalog-alog sa loob ng kanyang suot na uniporme habang kumekembot-kembot siya rito sa loob ng malawak na kitchen ng malaking bahay ng pamilya Mondragon. Kaya pala hindi ko siya nakita kanina ay dahil namili siya ng mga pagkain at ngayon ay inaayos na niya ang mga pinamiling karne, isda, gulay at prutas sa loob ng dalawang malaking refrigerator. Nakita ko ring nagsasalansan siya ng mga canned goods sa loob ng kitchen cabinets. Sumandal ako sa entrada ng kusina at pinanood ang pag-alog-alog ng pang-upo ni Marta. Grabe. Ang laki. Pero hindi rapat ako ma-distract nang matagal. Kaya naman tumikhim muna ako bago naglakad palapit kay Marta. Nakita kong nagulat si Marta at lumingon sa aking direksyon. Marahil ay hindi inaasahan na may ibang tao sa kusina habang siya'y kumekembot-kembot. Marta: Ra-Raul? Nakailang hakbang pa ako palapit kay Marta hanggang sa magkaharap kami. Dahil sa maliit na babae siya at ako ay matangkad, kinailangan ko pang yumuko para kausapin siya. Raul: Hataw na hataw 'yong pagkembot mo, Marta, ah. Parang dini-dribble 'yong pang-upo mo. Sinabi ko iyon na may halong panlalandi sa tinig ng aking boses. Alam kong palabang babae si Marta. Noong unang araw ko bilang driver ng mga Mondragon ay nakipaglandian agad siya sa akin na nauwi pa sa pag-ihip ko sa kanyang natatakpang ibabang parte. Hinalikan niya rin ako sa aking pisngi nang araw na iyon. Nakita kong lumagkit ang titig sa akin ni Marta. Marta: Tatalbog talaga 'yan. Eh, wala akong suot na saplot sa ibaba, eh. Sa sinabing iyon ni Marta ay pumitik ang aking alaga sa loob ng aking masikip na boxer briefs. Bumaba ang aking tingin sa dulo ng kanyang uniporme. Ang dulo niyon ay lagpas lang ng tatlong pulgada mula sa kanyang singit. So, kapag itinaas ko pala ang dulo ng kanyang suot na uniporme ay kikindat sa akin ang kanyang hiyas. Ayos pala. Pero syempre tatakamin ko muna si Marta. Tinitigan ko ng matiim si Marta bago nagsalita. Raul: Sinadya mo bang hindi magsuot ng saplot sa ibaba para akitin ako? Ha, Marta? Mababa ang tinig ng aking boses na parang nang-aakit. Nilalabanan pa rin ni Marta ang aking malagkit na titig sa kanya. Marta: Pwede. Hindi ba nabitin tayo noong nakaraang araw? Hinipan mo 'yong ibabang parte ko na mayroon pang takip. Ngayon ay pwede mo nang bugahan ng hangin ang aking ibabang parte na walang kahit anong sagabal. Game na game talaga sa pakikipaglandian itong si Marta. Nagkibit-balikat ako. Raul: Gusto ko sana, kaso ay wala ako sa mood, eh. Nahawa yata ako ng kalungkutan ni Lavinia. Pinalungkot ko ang aking mukha at sinigurado kong malungkot ang tinig ng aking boses. Kumunot ang noo ni Marta. Sana ay kumagat siya sa aking pain. Marta: Lavinia lang talaga ang tawag mo kay Senyorita Lavinia? Luminga-linga ako sa paligid. Raul: Wala naman siya rito. At saka kahit anino niya ay hindi ko nakikita. Napamulagat si Marta sa aking sinabi. Marta: Ganoon? Tumango-tango ako kay Marta na parang bata. Raul: Ganoon na nga. Hay. Bakit kasi malungkot si Lavinia kanina? Pati ako nadamay. Nakita kong nagpipigil na tumawa si Marta sa nakikitang anyo ko na parang bata. Pero effective naman dahil maya-maya ay nagkwento na siya tungkol kay Lavinia. Marta: Broken-hearted kasi 'yon. Parang bigla namang natauhan si Marta at nanlalaking tinakpan ang bibig gamit ang kanang palad. Bingo! Umarte ako na parang naguguluhan. Ikinunot ko ang aking noo. Raul: Broken-hearted? Bakit? 'Di ba parang ayos naman sila noong Justin? Tumingin si Marta sa akin na nanlalaki pa rin ang mga mata at parang kinakabahan. Tinanggal niya ang kanyang palad mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig. Marta: Patay. Lagot ako nito kay Senyorita Lavinia. Nag-promise pa naman ako sa kanya na wala akong pagsasabihan. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Marta. Humalukipkip ako sa harap ni Marta. Raul: Bakit? Sa tingin mo ba ay isusumbong kita? Wala ka bang tiwala sa akin, Marta? Pilyo akong ngumiti kay Marta. Nakita ko namang medyo nabawasan na ang kaba sa kanyang mukha. Marta: Magagalit 'yon sa akin kapag nalaman--- Hindi ko na pinatapos si Marta sa kanyang pagsasalita. Raul: Wala kang dapat ipag-alala. Hindi ako tsismosong tao. Pa-cute pa akong ngumiti kay Marta. Nakita ko namang nagliwanag ang kanyang mukha. Raul: Pero syempre, may kapalit 'yon. Bumukas ang bibig ni Marta para siguro magprotesta, pero walang lumabas na salita mula roon. Marahil ay kanyang naisip na wala siyang kontrol sa sitwasyon ngayon. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ni Marta bago siya muling nagsalita. Marta: A-anong kapalit? Bumalik ang kaba sa mukha ni Marta. Halos mamutla siya sa sobrang kaba. Raul: Simple lang. Dahil nabanggit mong broken-hearted si Lavinia, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit. Buong detalye, Marta. Buong detalye. Syempre, na-curious na ako, eh. Napasinghap si Marta at hinayon ng tingin ang entrada ng kusina. Marahil ay umaasa siyang hindi pa lalabas mula sa mga kwarto nila ang dalawang babaeng amo namin na sina Sandra Ysabelle at Cecilia. Bumalik ang tingin ni Marta sa akin. Marta: Si-sigurado ka bang hi-hindi mo ako isusumbong kay Senyorita Lavinia kung sasabihin ko sa iyo ang dahilan ku-kung bakit broken-hearted siya ngayon? Matamis akong ngumiti kay Marta at tumango-tango. Raul: Oo naman. Na-curious lang talaga ako sa sinabi mo. Kasi ang alam ko ay ayos lang naman silang dalawa ng kanyang boyfriend. Mariing pumikit si Marta at nagbuntung-hininga bago muling nagsalita. Marta: Na-nahuli raw ni Senyorita Lavinia si Sir Justin na-na nakikipaglandian sa ibang babae. A-ang tingin niya ay niloloko siya ni Sir Justin. Lumabi ako at tumango-tango. Marta: Ta-tapos 'yong kanyang tatlong kaibigan pang babae 'yong na-nakita niyang kasama ng kanyang boyfriend. Napaangat ang aking dalawang kilay. Tindi niyon, ah, kung totoo man. Tatlong babae. Sarap. Nagpatuloy si Marta. Marta: Si-sinusubukan namang magpaliwanag ni Sir Justin, pero si Senyorita Lavinia ay ayaw makinig. Sarado ang tainga. Kaya, hayun, LQ sila. Kaya broken-hearted si Senyorita Lavinia. Hmmm... So kung malungkot si Lavinia ngayon, siguradong kailangan nito nang mapaglalabasan ng sama ng loob. Pwede ko sigurong gamitin ang sitwasyong ito para sa pansarili kong interes. Nagulat si Marta nang tawirin ko ang distansya sa pagitan naming dalawa. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at hinimas-himas ang mga iyon. Raul: Huwag kang mag-alala, Marta. Hindi malalaman ni Lavinia na sinabi mo sa akin ang tungkol sa pinag-awayan nila ni Justin. At maraming salamat sa tiwala mo sa akin. Malagkit ang aking mga titig kay Marta. Nang-aakit. Agad namang nakabawi si Marta sa kanyang pagkagulat at nakipagtagisan ng titig sa akin. Napangisi ako. Basta pagdating sa landian, nawawala ang kaba ni Marta at talaga namang game na game. Marta: Para kang isang bawal na gamot na kayhirap tanggihan, Raul. Maya-maya ay bumaba ang aking kamay sa dulo ng uniporme ni Marta. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang suot at unti-unting iniangat. Nagtititigan pa rin kami ni Marta nang muli akong magsalita. Raul: Totoo ba 'yong sinabi mo kanina? Na gusto mong bugahan ko ng hangin ang ibabang parte ng katawan mo na walang kahit anong saplot? Naramdaman kong bumibilis ang paghinga ni Marta. Nasasabik siya. Maya-maya ay tuluyan ko nang naitaas ang dulo ng uniporme ni Marta hanggang sa kanyang pusod. Ibinaba ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang kulay pink na hiyas ni Marta. Totoo nga. Wala siyang suot na saplot sa ibaba. At basang-basa na si Marta. Muli kong tinitigan ang mga mata ni Marta. Naroon ang pagkasabik at pagsusumamo. Ngumisi ako sa kanya. Walang problema. Hihipan ko lang naman. Akmang luluhod na ako nang makarinig kami ni Marta ng mga yabag papunta ng kusina. Agad-agad kong binitiwan ang dulo ng uniporme ni Marta at natataranta naman siyang bumalik sa pag-aayos ng mga canned goods sa loob ng kitchen cabinets. Palabas na ako ng kitchen nang makasalubong ko sa entrada nito si Luna. Ito ang narinig kong kausap ng aking among si Sandra Ysabelle sa loob ng master's bedroom. May sikreto silang dalawa at kung ano iyon ay aking aalamin. Tumango ako kay Luna bilang paggalang. Nakita kong may pagdududa sa mga mata nito nang tumingin sa akin. Bahala ito. Pareho lang naman kaming may itinatagong sikreto. ---------- Pasipol-sipol akong bumaba ng van na ginamit kong pangsundo kay Adriana. Maganda ang mood ko ngayon dahil marami akong natuklasan tungkol sa pamilya Mondragon at pati na rin sa iba pang mga kasama kong empleyado. Masasabi kong produktibo ang aking araw ngayon. Pasipol-sipol pa rin ako nang buksan ko ang pintuan ng Adriana's Haven, ang shop na pagmamay-ari ni Adriana Mondragon. Saktong pagharap ko sa counter matapos isarado ang pinto ay tumama sa aking mukha ang inihagis na isang mamahaling handbag. Malakas ang impact nang pagkakatama ng handbag sa aking mukha. Sumasakit ang aking ilong. Marahas akong napalingon sa kung sinuman ang bumato sa akin at kitang-kita ko ang nanlilisik na mga mata ni Adriana sa likod ng eyeglass na kanyang suot. Adriana: Magtutuos tayo, Raul. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD