KABANATA 15

1870 Words
RAUL's POV Nandito ako ngayon sa loob ng servant's quarter at iniisip ang narinig kong usapan ng amo kong si Sandra Ysabelle at ni Luna, isa sa mga kasambahay dito sa malaking bahay ng pamilya Mondragon at kung umasta minsan ay parang ito na rin ang tumatayong mayordoma ng bahay. Kanina nang makabalik ako ng malaking bahay galing sa paghatid kina Don Emilio at Rigo sa opisina ng mga ito ay hinanap ko agad si Marta, isa sa mga kasambahay ng pamilya Mondragon. Gusto ko itong kausapin tungkol kay Lavinia. Napansin kong tahimik sa buong biyahe patungong university si Lavinia kanina. Usually ay madaldal ito at maraming kwento, kaya nakapagtatakang tahimik ito kanina. Naisip kong baka may problema sa university o may alitan sila ng boyfriend na si Justin. At si Marta ang makatutulong sa akin na malaman ang rason dahil alam kong close ito kay Lavinia. Sinubukan kong hanapin si Marta sa buong kabahayan kahit doon sa mga lugar na hindi ko pwedeng puntahan. Malakas ang loob ko rahil alam kong walang ibang miyembro ng pamilya Mondragon ang naiwan sa loob ng malaking bahay maliban kay Sandra Ysabelle na siguradong nasa loob pa ng kwarto niya rahil matagal siyang mag-ayos ng sarili na halos inaabot ng dalawang oras. Si Cecilia naman na asawa ni Rigo ay siguradong natutulog pa. Ito ang routine nito after magpahinga pagkatapos mag-breakfast. Usually ay higit dalawang oras itong natutulog at kung minsan ay gusto lang talagang mag-stay sa loob ng kwarto nilang mag-asawa buong maghapon. Nang nasa itaas na ako ng malaking bahay ay hindi sinasadyang may narinig akong mahihinang boses na nag-uusap. Ang mga boses na iyon ay nanggagaling mula sa loob ng master's bedroom. Naagaw ng mga boses na iyon ang aking atensyon. Napagdesisyunan kong makinig sa dalawang taong nag-uusap sa loob ng master's bedroom. Luminga muna ako sa paligid at nang masigurong walang ibang tao ay naglakad na ako palapit sa nakasaradong pintuan ng master's bedroom. Sina Sandra Ysabelle at Luna ang nag-uusap. Dinig na dinig kong may inililihim na sikreto si Sandra Ysabelle at alam ni Luna kung ano iyon. Natuklasan ko ring binibigyan ng monthly allowance ng asawa ni Don Emilio si Luna. Marahil ay kabayaran sa pananahimik ni Luna tungkol sa sikreto niya na ayaw niyang malaman ng kanyang asawa. Nang marinig kong lalabas na ng master's bedroom si Luna ay nagmadali akong bumaba ng hagdan at lumabas mula sa malaking bahay patungo rito sa servant's quarter. Hinahabol ko pa ang aking paghinga nang makapasok ako rito sa loob ng servant's quarter. Ang ibig sabihin pala ay napakaraming itinatagong sikreto ni Sandra Ysabelle. Maliban sa pagkamatay ng aking mga magulang na siya ang naging ugat ay may iba pa siyang itinatagong baho. Isa na nga rito ang natuklasan kong may inililihim siyang isang bagay mula sa kanyang asawa. Siguradong isang malaking sikreto iyon na manganganib ang buhay ni Sandra Ysabelle kung sakaling mabunyag. Hindi naman siguro siya magbibigay ng allowance kay Luna buwan-buwan kada taon kung simpleng bagay lamang iyon. At kung anuman ang sikretong iyon ni Sandra Ysabelle ay aking aalamin. Tiningnan ko ang natutulog na si Jacob sa ibabaw ng kama nito. Ganito talaga ang oras ng tulog nito rahil night shift sa pagiging security guard ng property ng pamilya Mondragon. Minsan pa nga ay ginagawang driver sa umaga ng ibang miyembro ng pamilya kung halimbawang magkakaiba ang lakad nila. Napailing ako. Buti na lang at may karagdagang sahod si Jacob bukod sa sahod nito bilang security guard. Hindi na rin masama. Kaso ano ang mangyayari kung malaman ni Don Emilio na kinakalantari ng asawa nito si Jacob? At iyon ang isa pang sikreto ni Sandra Ysabelle na pwede kong gamitin laban sa kanya kapag kinailangan. Paniguradong malalagot siya kay Don Emilio kapag nalaman nitong pinipindeho niya ito. Apat na araw pa lang simula nang mag-umpisa ako bilang driver ng pamilya Mondragon pero ang dami ko nang natutuklasan sa bahay na ito. Mga bagay na maaari kong magamit sa aking paghihiganti. Ipinapangako ko sa aking sarili na oras na makaganti ako sa mga taong umagrabyado sa aking mga magulang, magpapakalayo-layo ako at mamumuhay ng tahimik kasama ang aking asawang si Joy. Hindi rin maganda sa pakiramdam na may itinatagong galit sa aking puso. Pero ano ang magagawa ko? Ito ang aking motivation para maipaghiganti ang aking mga magulang. Ang kawawa kong mga magulang. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ako maaaring maging emosyonal ngayon. Marami pa akong kailangang gawin. Hindi ako pwedeng maging mahina. Napailing ako sa aking sarili. Hinahanap ko lang naman si Marta kanina para malaman kung may problema si Lavinia, pero iba pala ang matutuklasan ko. Maya-maya ay tumunog ang aking phone. Tiningnan ko iyon at nabasa ko sa screen ng aking phone ang pangalang Miss Topakin. Tumawa ako ng mahina nang mabasa iyon. Nang araw ng orientation ay ibinigay sa akin ni Don Emilio ang contact number nito at ng asawa at mga anak nito in case of emergency. Nang i-save ko ang number ni Adriana sa aking phone ay pinangalanan ko itong Miss Sungit dahil sinungitan ako nito noong unang araw ko bilang driver nila. Noong araw na makita nila ako sa labas ng gate ng malaking bahay nila at nakasuot lamang ng manipis na boxer briefs. Tandang-tanda ko pa ang eksenang iyon noong Lunes. Adriana: Mamaya niyo na ho kausapin ang manyak na 'yan, Papa. Baka ma-late na ho si Lavinia sa klase niya? Natawa si Don Emilio sa sinabi ni Adriana. Napalingon naman ako kay Adriana. Raul: Ako? Manyak? Miss, hinding-hindi kita mamanyakin. May asawa na ako. Itinaas ko pa ang aking kaliwang kamay para ipakita ang aking wedding ring. Adriana: Wala akong pakialam. Tigilan mo ang pagtingin mo sa akin ng malagkit. Sana karmahin ka sa kamanyakan mo. Naku, Papa, baka nagkamali ka talaga sa pag-hire sa lalaking 'yan? Gwapo lang 'yan. Pero manyak. Tumalikod na si Adriana at muling sumakay ng van. Tuloy lang ang pagtawa ni Don Emilio. Emilio: Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Raul. Sobrang sungit talaga niyan. Wala pa ngang nagiging boyfriend 'yan dahil sa kasungitan niya. Natatakot ako at baka tumandang dalaga ang isa kong prinsesa. Sukat sa sinabing iyon ni Don Emilio kaya pinangalanan kong Miss Sungit ang numero ni Adriana sa aking contact. Pero nitong mga nakalipas na araw ay napansin kong paiba-iba ang mood nito kaya naman pinalitan ko ang pangalang Miss Sungit ng Miss Topakin. Dahil si Adriana itong tumatawag ay sinadya kong tagalan ang pagsagot ng tawag. Nai-imagine ko na ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Nahagip ng aking paningin ang paggalaw ng natutulog na si Jacob sa ibabaw ng kama nito. Oo nga pala. May natutulog. Ang ingay ng phone ko. Ito na, Miss Topakin. Maririnig mo na ang aking magandang boses. Sinagot ko na ang tawag at tumikhim bago nagsalita. Raul: Grabe namang pagka-miss 'yan. Umaga pa lang ay hinahanap mo na ako. Naisipan ko na namang alaskahin ang topaking si Adriana. Dinig na dinig ko ang ingay sa background mula sa kabilang linya. Marahil ay mga client ni Adriana sa shop nito. Napangisi ako nang ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita mula sa kabilang linya. Adriana: Excuse me? Bigla akong tumawa ng malakas sa narinig kong inis sa tinig ni Adriana. Ngunit sandali lang iyon dahil naalala ko na naman ang natutulog na si Jacob. Naisipan kong lumabas ng servant's quarter para hindi na ito maistorbo. Nang nasa labas na ako ng servant's quarter ay saka ako sumagot kay Adriana. Raul: Hala. Bakit ka nag-e-excuse me? Eh, hindi ka naman kakasya sa screen ng phone. Ma'am Adriana talaga, palabiro. Napatawa ako ng malakas. Narinig niyo po ba? Ulitin ko po ba 'yong tawa ko? Nai-imagine ko na ang pagngingitngit ng kalooban nito sa sobrang kapangahasan kong makipag-usap dito na parang close kami. Adriana: Raul. Dinig na dinig ko ang sobrang diin na pagbigkas ni Adriana sa aking pangalan at tingin ko ay isinusumpa na ako sa isip nito. Raul: Yes po? Bakit po? Inosenteng-inosente ang tono ng aking boses. Adriana: Stop that. Whatever you are doing right now isn't funny. My father hired you to be our personal driver. You aren't being paid to be a clown. Pangiti-ngiti lang ako habang nakikinig kay Adriana. Sobrang diin ng pagbigkas nito sa bawat salitang binibitiwan. Nai-imagine ko ang pagtatagis ng mga ngipin nito sa sobrang gigil sa akin. Raul: Wala pa naman po akong sahod. Ikaapat na araw ko pa lang. Kaya hindi pa paid. Pagkasabi ko niyon ay tumawa ako ng malakas. Adriana: Raul! Bigla akong tumigil sa pagtawa nang marinig kong sumigaw si Adriana mula sa kabilang linya. Hala. Naisagad ko yata ang pang-aalaska. Narinig ko rin na nawala ang ingay sa background. Malamang ay nagulat ang clients nito sa malakas na sigaw ni Adriana. Raul: Grabe 'yon. Ang lakas ng sigaw niyo. Okay po, serious na tayo. Bakit po kayo napatawag? Narinig kong humugot ng malalim na paghinga si Adriana mula sa kabilang linya. Narinig ko itong bumulong sa background. Siguro ay humingi ng paumanhin sa clients. Maya-maya ay muli kong narinig ang boses ni Adriana mula sa kabilang linya. Adriana: Fetch me around 7PM later. At humanda ka sa akin. May diin pa rin sa bawat salitang binibitiwan ni Adriana. Nakaisip na naman ako ng kapilyuhan. Raul: Grabe naman 'yan, Ma'am Adriana. Tinawagan niyo na ako ngayon, tapos gusto niyo pa akong makita mamaya. Tapos humanda pa ako sa inyo. Bigla akong kinabahan, pero huwag kang mag-alala, laging handa ito. Binabaan ko ang aking boses nang banggitin ko ang huling tatlong salita. Siniguro kong may halong malisya ang tinig ng aking boses. Ngiting-aso na naman ako nang tumahimik ng ilang segundo si Adriana. Malamang manyak na naman ang tingin nito sa akin. Maya-maya ay narinig kong humugot ito ng malalim na paghinga. Adriana: You'll pay for this, Raul. Tumawa muli ako ng malakas nang marinig ko iyon. Raul: Pay? Hindi pa nga ako sumasahod. Kulit naman nito ni Ma'am Adriana. Sinundan ko ng tawa ang sinabi kong iyon at bigla na lang ay isang gigil na gigil na sigaw ang pinakawalan ni Adriana mula sa kabilang linya. Adriana: Raaaaauuuuul! Hindi ko na pinatapos si Adriana sa sigaw nito at tinapos ko na ang tawag. Tawa pa rin ako nang tawa. Raul: Hay. Ang sarap mo talagang inisin, Miss Topakin. Naku. Sumobra kaya ako sa pang-iinis kay Adriana? Isumbong kaya ako nito kay Don Emilio at magalit sa akin ang ama nito? O baka tulad kanina nang kampihan ako ni Don Emilio matapos akong isumbong ni Sandra Ysabelle dito tungkol sa kung paano ko kausapin ang misis nito kagabi nang makita ko sa loob ng guardhouse kasama si Jacob? Bahala na. Madiskarte naman ako. At saka tingin ko naman, gusto rin ni Adriana na inaalaska ko ito. Itigil mo 'yan, Raul. Huwag masyadong mahangin. Nakangisi akong umiling-iling habang naglalakad pabalik ng servant's quarter. Pagkabalik ko sa servant's quarter ay napansin kong nakaawang ang pinto. Ang alam ko ay sinigurado kong sarado ito kanina. Tiningnan ko si Jacob at tulog na tulog pa rin ito. Napaisip ako. Wala naman akong napansing pumasok dito kanina. Napailing na lang ako. Baka naman hindi ko naisara ang pinto kanina? ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD