THIRD PERSON POV
Pangiti-ngiting nag-a-apply ng makeup sa kanyang mukha si Sandra Ysabelle habang nakaupo sa vanity chair sa harap ng salamin ng vanity table. Pagkagising na pagkagising ng kanyang asawang si Emilio ay isinumbong niya agad dito ang ginawa ni Raul kagabi. Kung paano siyang kausapin ng driver nila nang makita siya nito sa loob ng guard house kasama si Jacob kagabi.
Naalalang muli ni Sandra Ysabelle kung paano siyang kausapin at tingnan ni Raul na may halong malisya kagabi.
Ysabelle: Oh, Raul. Bakit gising ka pa?
Sigurado si Sandra Ysabelle na nahahalata ni Raul na pinipilit niyang maging kalmado.
Raul: Ah, hindi kasi ako makatulog, Donya Ysabelle. Kaya naisipan kong puntahan si Jacob dito. Kaso may kasama po pala siya.
May halong malisya sa tinig ng boses ni Raul kaya napataas ang kilay ni Ysabelle. Hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatitig ni Raul sa kanilang dalawa ni Jacob.
Taas-noong muling nagsalita si Sandra Ysabelle.
Ysabelle: May itinanong lang ako kay Jacob. At may karapatan akong pumunta sa kahit saang parte ng property na ito rahil ako ang nagmamay-ari nito.
Napangisi si Raul kay Sandra Ysabelle.
Raul: Wala naman po akong sinasabing hindi kayo pwedeng gumala-gala rito, Donya Ysabelle. Tama po ba?
Nakakalokong ngumiti si Raul na halos magpasabog ng pagtitimpi ni Ysabelle. Taas-noo siyang naglakad palabas ng guard house habang nakatingin ng masama kay Raul. Nang nasa labas na ng guard house si Ysabelle ay lumingon siya kay Raul.
Ysabelle: Hindi ko gusto ang paraan mo ng pakikipag-usap sa akin. Malalaman ito ni Emilio.
Iyon lang at tumalikod na si Sandra Ysabelle at taas-noong naglakad pabalik ng malaking bahay.
Inaamin ni Sandra Ysabelle na nabitin siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Jacob sa loob ng guard house kagabi. Oo, nakaraos siya sa loob ng bibig ng lalaki, pero kulang iyon. Gusto niya ring maramdaman sa loob ng kanyang kweba ang pagputok ng walang-dudang malaking alaga ni Jacob.
Matagal nang inaakit ni Sandra Ysabelle ang isa sa mga security guards ng kanilang pamilya na si Jacob. Tipo niya ito simula nang una niyang makita. Namasa ang lahat ng dapat mamasa sa kanya pagkakita niya pa lamang sa lalaking-lalaking tindig nito. Parang gusto na niyang hilahin ito sa loob ng kwarto nilang mag-asawa nang unang beses na ngumiti ito sa kanya. Parang doon pa lang ay naangkin na ni Jacob ang hiyas niya.
Gustung-gusto ni Ysabelle ang pagiging matipuno at matikas ni Jacob. Tipong kayang-kaya siyang balibagin sa kama. At iyon ang gusto niya. Ang bastusin sa kama na hindi na nagagawa ng kanyang asawa sa kanya rahil sa pagiging inutil nito.
Alam ni Sandra Ysabelle na si Jacob ang sagot sa nararamdaman niyang uhaw kaya naman inakit niya ito. Sa bawat pang-aakit na ginagawa niya rito ay laging siyang tinatanggihan ng lalaki rahil amo raw siya nito at pareho silang may asawa na. Pero hindi iyon naging dahilan para sumuko si Ysabelle bagkus ay mas na-challenge pa siyang pasukuin sa pagitan ng kanyang mga hita si Jacob.
Kagabi ay muling sinubukan ni Ysabelle na akitin si Jacob. Hindi niya alam pero parang sinuwerte siya kagabi. Napasuko niya sa kanyang katawan si Jacob. Siguro ay dahil matagal na itong hindi nakakauwi sa misis nito at wala ng aksyon sa kama at dahil na rin sa matagal na niyang pang-aakit dito, kaya naman mabilis na bumigay si Jacob kagabi. Sobrang naligayahan si Ysabelle sa ginawang romansa ni Jacob sa kanyang katawan kagabi.
Hinding-hindi malilimutan ni Ysabelle kung paano siyang hinalikan ni Jacob, kung paanong naglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan, kung paanong pinagpala nito ang kanyang dalawang pakwan, at kung paano nito kinain ang kanyang basang perlas. Ang kulang na lang ay ang lusubin ng alaga nito ang kanyang yungib na siyang hindi nangyari rahil sa istorbong si Raul.
Inis na inis si Ysabelle kay Raul dahil ito ang dahilan kung bakit naudlot ang pag-iisa ng mga katawan nila ni Jacob. Wala pa itong modo kung kausapin siya kagabi. Na para bang hindi siya isa sa mga amo nito. At ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na may halong malisya ay nagpapakita ng pagkawalang-respeto nito sa kanya.
Kaya naman naisipan ni Ysabelle na bawian si Raul sa pamamagitan ng pagsusumbong sa kanyang mister na si Emilio ng mga sinabi at ginawa ni Raul kagabi. Mukhang naniwala naman ang asawa niya sa sinabi niyang may itinanong lang siya kay Jacob kaya pumunta siya ng guard house. Alam niyang pagsasabihan ni Emilio si Raul dahil mahal na mahal siya ng asawa at ayaw nitong sumasama ang loob niya.
Kaya naman nakangiti sa harap ng sarili niyang reflection si Sandra Ysabelle ngayon dahil ang tingin niya ay pinagagalitan na si Raul ng kanyang asawa at malamang ay baka sisantehin pa. Siguradong-sigurado siyang nakabawi na siya kay Raul. Hindi pa naman niya gusto ito. Oo, gwapo ito at pwede niyang maging boy toy, pero may duda siya kay Raul nang una niya itong makita. Mukhang hindi ito gagawa ng maganda.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Ysabelle nang makita sa salamin ng vanity table ang pagbukas ng pinto ng master's bedroom. Pumasok sa loob ng kwarto si Luna, ang isa sa mga kasambahay ng pamilya Mondragon. Maingat nitong inilapat pasara ang pinto.
Ipinagpatuloy ni Ysabelle ang pag-a-apply ng makeup sa mukha nang hindi tinitingnan si Luna. Uminit bigla ang kanyang ulo.
Ysabelle: Hindi ka ba marunong kumatok?
Ngumisi si Luna sa likuran ni Ysabelle pagkatapos ay dahan-dahang lumapit sa amo.
Luna: Bakit ako kakatok, eh, alam ko namang ikaw lang mag-isa rito sa loob?
Tumalim ang mga mata ni Ysabelle at itinigil ang pag-a-apply ng makeup. Binitiwan ang hawak na stippling brush sa ibabaw ng vanity table at tumayo mula sa pagkakaupo. Hinarap si Luna na nakapamaywang sa kanyang harapan.
Ysabelle: What do you need?
May diin sa bawat salitang binitiwan ni Ysabelle.
Ngumisi si Luna at umismid.
Luna: Huwag mo akong ma-English-English, Ysabelle. Magpakatotoo ka kapag ako ang kaharap mo.
Mariing pumikit si Ysabelle at humugot ng malalim na paghinga. Pagkamulat ng mga mata ay muling nagsalita.
Ysabelle: Anong kailangan mong matanda ka?
Nakakainsultong tumawa si Luna at hinagod ng tingin ang kabuuan ni Ysabelle mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay umiling-iling.
Luna: Akala mo kung sino. Eh, siya pa nga ang mas may kailangan sa akin.
Tumalim ang mga mata ni Ysabelle.
Ysabelle: Sabihin mo kung anong kailangan mo at lumabas ka na ng kwartong ito.
Ngumising muli si Luna at kunwaring nag-isip.
Luna: Hmmm... Kailangan ko ng fifty thousand ngayon. Hindi na 'yan masyadong mabigat para sa iyo.
Nanlaki ang mga mata ni Ysabelle.
Ysabelle: At para saan mo naman gagamitin 'yan?
Umismid si Luna.
Luna: Wala kang pakialam kung saan ko gagamitin ang pera. Basta ibigay mo ang kailangan ko.
Umiling-iling si Ysabelle.
Ysabelle: No. Binibigyan kita ng monthly allowance na higit pa sa pang-araw-araw mong gastusin, tapos manghihingi ka ng fifty thousand. Sobra-sobra na ang natatanggap mo mula sa akin. Huwag kang abusada.
Bigla ay tumaas ang kilay ni Luna at tinitigan ng matiim si Ysabelle.
Luna: Abusada? Hindi ba ikaw ang abusada rahil ilang taon ko nang inililihim sa asawa mo ang sikreto mo? Aba. Sabihin mo lang at ngayon din agad-agad ay isisiwalat ko kay Don Emilio ang baho mo.
May pananakot sa tinig ng boses ni Luna. Biglang natigilan si Ysabelle. Bina-blackmail siya nito at hindi magandang galitin niya ito at baka kung ano pa ang masabi nito sa kanyang asawa.
Ysabelle: Hi-hindi naman sa ganoon, Yaya Luna. Pe-pero baka masilip ni Emilio na kumuha ako ng fifty thousand sa bank account ko. Hindi...
Pinutol ni Luna ang pagsasalita ni Ysabelle.
Luna: Hindi ko na problema iyon. Problema mo 'yon. Basta ang gusto ko ay iyong fifty thousand pesos. Ngayon. Maliwanag ba?
May pagbabanta sa tinig at mga titig ni Luna kay Ysabelle. Huminga ng malalim si Ysabelle at tumango.
Ysabelle: Si-sige. Gagawan ko ng paraan.
Mayabang na tumitig si Luna kay Ysabelle.
Luna: Ganyan. Magpakumbaba ka. Hindi 'yong pinagmamataasan mo ako na akala mo, eh, wala akong alam sa sikreto mo. Sige na. Lalabas na ako. Hihintayin ko 'yong pera. Pwedeng cash o pwede rin namang cheque. Pero mas okay kung cash.
Tumalikod na si Luna at tatawa-tawang lumakad patungong pinto ng master's bedroom. Nang maisara ang pinto ay gigil na gigil na inabot ni Ysabelle ang compact na nasa ibabaw ng vanity table at inihagis ito sa nakasaradong pinto.
Hindi alam nina Ysabelle at Luna na bago pa makalabas ng master's bedroom si Luna ay mayroong isang tao sa labas ng kwarto na nakikinig sa kanilang usapan.
Umupong muli sa vanity chair si Ysabelle at nagngingitngit na bumulong sa hangin.
Ysabelle: Sa lalong madaling panahon ay kailangang madispatsa ko na si Luna.
At isang plano ang namumuo sa isipan ni Sandra Ysabelle.
----------
itutuloy...