Capitulo Primo

2339 Words
This story is written in 3rd persons pov so I can cover everyone’s thoughts.   Capitulo Primo   @Avaness : Excited for Ava’s upcoming movie! Slay us all again my queen! @Leeminho : Still can’t get over that Ava accepted Aurora’s role! Talk about perfect casting! @Avaismylife : @Leeminho , true! Kaya lang hindi sya ang bida. Can’t believe my ava is not the main lead! @AvaNews : She will still slay for sure! So Excited!   Ava hummed happily as she sips her coffee while reading the netizens praises for her.   Nasa van sya ngayon nan aka park sa basement ng kaniyang talent agency, hinihintay ang kanyang PA na kausap ang kanyang manager. May mga bilin siguro. Tinatamad syang umakyat sa opisina nito para makinig kaya hinayaan nya nalang ang kanyang PA.   Kahit naman anong bilin sa kanya, she does whatever she want’s, kapag pinagbawalan sya, sumusunod sya kapag nasa mood pero may mga oras na ginagawa nya kung anong gusto nya and let her team handle the outcome.   Ava will never understand the need to pretend in front of people or camera. She talks s**t on people kapag walang camera, why does she need to pretend na hindi nya ito ginagawa sa harap ng camera? Everyone does it too.   She drinks and parties but why does she needs to hide? Let them know who she is, wala naman syang tinatapakan na tao. She is a normal human, ang pinagkaiba lang ang kanyang trabaho.   @AOPJMN : She deserves to be an extra! Pa diva-diva extra lang naman pala! @kjxx : @AOPJMN , sa ganda nyang iyon plus talent? Parang okay lang naman na mag maldita sya.   Alam nyang diva ang tingin sa kanya ng karamihan. Even her fans think so too, and honestly who cares. Pagdating sa trabaho, hindi nya lang ginagawa ang trabaho nya, ginagawa nya ito ng maayos at perpekto.   Gusto syang pagulong-gulungin ng director sa putikan? She’ll do it, gusto ng director na pagsampal-sampalin sya ng kontrabida at hindi sya lalaban? She’ll do it. She may be a diva in real life pero gagawin nya ang kahit ano para lang gumanda ang kahit anong proyekto nya.   Coming from a family of a well-known actors and actress, isang malaking kahihiyan ang umarte ng basta nalang.   @AOPJMN : She deserves to be an extra! Pa diva-diva extra lang naman pala! @KikyoxInuyasha : @AOPJMN , totoo! Our Kianna deserved the lead role. Maganda na mabait pa! This is the start of her rise! @KiannaEveryday : Ang yabang! For sure naman wala pang 5 minutes ang screentime nya, buti nga sa kanya! #AvaDivanaExtra   Hindi lang kilay ni Ava ang tumaas sa mga nabasa nya, pati na ata ang altapresyon nya.   Ang mga walanghiyang ito! Kahit limang minuto lang ang screen time nya, sisiguraduhin nyang iyong limang minuto na iyon ang laman ng lahat ng balita at dyaryo.   She’ll make sure that everyone will remember her 5 minute stint than the rest hours of the movie.   Sa nanggigigil na kamay ang agad syang nag tipa sa Ipad kung saan naka log in ang kanyang official account.   @AvaDelaRivaOfficial: @KikyoxInuyasha @AOPJMN @KiannaEveryday binigay ko na sa kanya at nakakaawa namang wala pang lead role ang tagal tagal na sa industriya!   Bago nya pa maisend ang tweet ay agad na bumukas ang pinto at nakita nya na si Lexie, ang kanyang PA   “Nag twitter ka ba miss?” kabadong tanong ni Lexie.   Mabilis ang pag simangot ni Ava. Kilala sya bilang prangka at moody kaya naman mahigpit na ipinagbabawal sa kanya ang gumamit ng kanyang official twitter. Pero hindi ibig sabihin noon na wala syang dummy account na ginagamit upang ipagtanggol ang sarili nyang pangalan.   “Bawal kang mag twitter Miss” muli si Lexie sa kabadong boses. Nag tinginan sila ni Ava na tila ba nag hahamunan. Dahan-dahang inangat ni Ava ang kanyang daliri papunta sa “tweet” section ng hindi inaalis ang tingin kay Lexie.   Parang hinahamon nya ang kanyang PA na pigilan ito kung kaya nya.   Mahigit tatlong taon na din silang magkasama. Kilalang-kilala na ni Lexie ang kanyang amo. She gets upset and annoyed easily pero madali din namang bumalik ang saya. Growing up in a family full of actors and actresses, Ava was used to the life of being admired and doted on.   Kaya rin lumaki itong malaking-malaki ang tiwala sa kanyang sarili. Hindi man gusto ng iba ang pagiging prangka at mayabang ni Ava, alam ni Lexie na mabait ang amo nya at isa sya sa mga taong handa itong ipagtanggol. Mabait si Ava, medyo mahirap nga lang hanapin minsan kung saan banda.   Dali-daling hinablot ni Lexie ang ipad kay Ava na hinayaan lang naman nito. Para bang talagang nang hahamon lang sya kanina. Agad na dinelete ni Lexie ang kung ano mang tinype ni Ava.   Dahil noong nakaraang tweet nito ay nabulabog talaga ang buong industriya. Walang kaplastikan kasi itong nag reply sa tweet ng isang artistang nag parinig sa kanya.   “Miss, hindi ka pwede gumamit muna ng twitter, pero po sa IG pwede. Mahirap na po at baka—“   “I get it Lexie, can we just go?” ani Ava.   The moment na pumayag sya na gumanap bilang Aurora ay agad na nag simula ang shooting. Apparently, sya nalang pala ang hinihintay na pumirma. Gusto nya sanang manghingi ng oras bago simulant ang shooting upang mag research pero gusto ng mag simula ng producers at directors.   She did her research as they shoot the movie.   Today, ang last scene na kailangan nyang i-shoot ay ang pinaka simula ng movie. Ng malaman nyang sya ang mag sisimula ng pelikula ay gusto nyang tumawa ng malakas at pagsasampalin ang mga fans na Kianna na akala mo may karapatan sa buhay nya kung mang husga.   Hindi sya ang bida pero sya ang mag sisimula.   Today, they will shoot the preparation and coronation of Aurora Celeste Primavera as the Crown Princess of the Kingdom of Las Filipinas.   Naramdaman nya ang biglang pag tahimik ng buong dressing room habang nireretouch ng kanyang personal make-up artist ang kanyang ayos. Suot nya na ang replica ng damit ni Aurora sa kanyang coronation at pati ang make up at style ng buhok ay gayang-gaya nya.   Alam nyang hindi lang sya ang nag research para sa pelikula na ito, kaya malamang tahimik ang mga ito dahil halos wala silang pinagkaiba ni Aurora sa itsura. Kahit tuloy sya ay naasiwa na pag tingin sa salamin sa dalas ng research nya tungkol dito.   “ Miss Ava, grabe! Mag kamukhang mag kamukha talaga kayo!” laglag panga ang kanyang make-up artist sa papuri sa kanya.   Paniguradong isa ito sa matindingnag research para makuha ang style ni Aurora.   “Well, that’s why got the role” tipid nyang sagot bago tumayo. “ Tara na sa shooting location” tumayo sya at sumunod naman agad si Lexie.   Agad din na nag ligpit ang kanyang make-up artist upang sumunod.   Ang tungo nya ay ang Museo ng Palacio Del Monarcas. Ito ang official residence ng royal family noon na ngayon ay ginawa ng museo. Nasa loob ito ng intramuros, nandito rin ang Shrine of Nuestra Senora de Consolacion Y Correa kung saan gaganapin ang koronasyon.   As she walked inside the Palace, dalas mapahinto ang mga nakakasalubong nya. Sana ay dahil kilala sya ng mga ito bilang si Ava, ang sikat na artista, but knowing the people who works for this museum or who works inside intramuros, siguradong ang nakikita lang nila ay ang taong madalas nilang makita sa mga portraits sa museo.   Malamang ay si Aurora ang nakikita nila at hindi si Ava. Some people are even taking pictures secretly.   “Miss, hinahanda pa ang kwarto ni Aurora. Magulo po sa loob, kukuha po muna ako ng upuan” ani Lexie bago nag mamadaling umalis.   Sinilip nya ang loob ng kwarto, katabi lang ito ng totoong kwarto talaga ni Aurora nan aka sarado ngayon para maiwasan ang pag pasok ng mga tao. Lalakad na sana sya palayo ng nakita nya ang isang malaking portrait ni Aurora sa harap ng naka saradong pintuan ng kwarto nito.   Lumapit sya dito at tumayo sa tapat nito. Tinitigan nya ng matagal ang portrait na ito bago sumimangot.   They look so alike that its creepy already. Noong bagong labas sya sa industriya at napansin ng ilan ang pagkakamukha nila, nag hanap sya ng picture ng magulang ni Aurora. Malayo ang itsura ng magulang nito sa magulang nya kaya hind nya maintindihan ang pagkakamukha nila.   Dinaig pa nilang dalawa ang kambal. Na isip pa nyang kung sakaling mag papalit sila ng pagkatao, kung possible man ay paniguradong walang makakahalata.   Ugali lang siguro ang pinag kaiba nila. While Aurora was said to be as kind as an angel, sya naman ay hindi mo halos maikumpara sa anghel. Hindi mo pa nga mahanap kung saang banda kaya sya mabait.   Maybe she should take a picture with the painting and shock the whole fandom. Dahil inaway sya ng fans ng Kianna na iyon dahil extra lang sya, she will make sure na sya ang Pag uusapan.   Mula sa bulsa ay kinuha nya ang cellphone nya. Naramdaman nyang may tumabi sa kanya pero busy sya sa pagkuha at maniobra ng kanyang cellphone.   Ng naka selfie-mode na iyon ay hinarap nya ang kanyang katabi. She looks about the same age as her. Kung si Ava ay mukhang mataray at snob the girl on her side looks cold. She was wearing a satin maxi dress, long sleeves and closed neck. Very conservative.    “Can you take a picture of me and the portrait?” she asked coldy.   Saglit tumingin ang babae sa kanya bago mabagal na tumango at kinuha ang cellphone nya.   Sa museum it’s not allowed to take a picture with the same pose as the sculptures pero sa painting ata ay pwede kaya ginaya nya ang pose nito.   The girls face, who was taking a picture, was cold and lacking of facial expression pero nakita nya ang nag tatagong ngiti sa mga mata nito noong ginaya nya ang posisyon ni Ara.    Narinig nya ang sunod-sunod nap ag shutter ng camera bago inabot sa kanya ng dalaga ang cellphone nya. Agad nyang kinuha ang cellphone nya at sinend kay lexie ang picture na may caption na “spot the difference”. She is not allowed to post.    “I feel like I should call you your highness. Mag kamukhang mag kamukha kayo” tumaas ang kilay ni Ava ng narinig ang boses ng babae. Tumingin sa dito ng mag send kay Lexie ang picture.   Nag kibit balikat sya “Sadly. Kaya nga sa akin na punta ang role na ito” pag share nya. She doesnt really talk to strangers but the girl has a different air around her.   She’s a stranger alright but she doesn’t feel like one.   “Sadly? Bakit ayaw mo sya maging kamukha?”    “Hindi naman. Who wouldn’t want this pretty face anyway. But she’s an extra, and my face does not deserve to be an extra. “tumigil na si ava. Baka tunog mayabang na sya but it was the truth anyway.    Ara has been so much prettier than the Queen pero hindi sya ang reyna kaya hindi sya mahalaga.    “If only she fought for her place and became the Queen, ako sana ang lead role” pag rereklamo nya. Hanggang ngayon ay kinaiisan nya pa rin ang parte na iyon.   “Tama ka it’s a shame she suffered so much. Narinig kong masyado daw syang mabait at mapag bigay. A person like that can never survive in the battle for power” tila nalungkot ang babae pagkasabi nya nito.   “Too bad for her then.” Walang halong simpatya ang boses ni Ava. She would never understand Aurora’s life decisions.   Dahil kung sya iyon, mag gyera na sila at hindi nya isusuko ang trono.   “Kung ako ang naging si Aurora, sisiguraduhin kong ako ang uupo sa trono. “ alam nyang hindi na enjoy ni Aurora ang pagkabata nya dahil sya agad ang naging tagapag mana. She spent her days studying how to become a Queen.   Tapos darating lang ang epal na prinsesa at aagawin ang lahat sa kanya?  Just because she was born to be the heir lahat ng pag hihirap at sakripisyo ni Aurora ay napunta sa wala.   And that stupid girl just gave up the throne while smiling.   “Kung ako talaga iyon naku! Sana ay sa akin ngayon ang role ng Reyna”    “Maybe if you wish hard enough for it, just like Ara, makuha mo ang role na gusto mo”  narinig nya ang ngiti sa tono nito.   Tumaas ang kilay nya. Who the f**k was Ara?    “Ara had no choice, wala syang kakampi and she was weak and too kind. Siguro nga kung ikaw iyon, baka nagawa mong lumaban” Ava thought that she was probably talking about Aurora.   “ Talaga! Sana talaga ako ang nandoon” masaya maging artista pero mas masaya ata ang mahing prinsesa o reyna.   Kung may mang iinsulto sa kanya, she would just release a royal decree na bawal syang insultuhin.   She’ll make pink as the national color too.   “Your wish is my command “ ani ng Babae habang naka ngiti. But It wasn’t a sincere smile. Parang natatawa lang sya.   Tumaas ang kilay nya Ava.   “ What?”    “ Do your best” ani to at marahan syang pinitik sa noo. She doesn’t like stranger touching her pero hindi na sya naka imik.   Gusto nya sanang mag tanong ngunit tumalikod na ang babae at nag lakad palayo. Naka kunot ang kanyang noo habang tinitignan nya ito palayo at para syang bigla syang inaantok.   Mukhang matatagal pa naman ang pag aayos. Baka pwede pa syang umidlip. She looked for Lexie to prepare a room for her nap.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD