L’inizio
Hindi pa dumadating ang alaga nya ay nanginginig na sa takot si Marcello, ang mayaman na kasalukuyang presidente ng Vivre Artist Agency, ang eklusibong ahensya para sa mga artista. Kailangan ay may imbitasyon ka upang mapasali dito. Isang malaking achievement na ang mapasali sa ahensyang ito dahil paniguradong hindi sila mawawalan ng proyekto.
At ang dahilan ng panginginig ng president na ito ay ang pinaka sikat nyang artista sa ngayon. Si Ava Francesca Dela Riva.
Nag mula sa pamilya ng mga sikat at magagandang artista din, hindi na kataka-taka ang mala anghel at walang kapintasang ganda ni Ava. Pruweba na rito ang sandamakmak na offer sa kanya ng mga brands na maging ambassador nila.
Pabagsak na bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang maganda ngunit nanlilisik na mga mata ni Ava, agad napalunok si Marcello.
“President! What the f**k is this?” sigaw nito at agad binato ang hawak nitong Ipad. Agad na napa pikit ang naka sunod kay Ava na P.A nya.
Mukhang bibili na naman sila ng panibago.
Agad tumayo mula sa swivel chair nya si Marcello at dumiretso sa kinatatayuan ni Ava.
Mala anghel man ang ganda ni Ava ngunit kabaliktaran naman ang ugali nito. Everyone in the agency knows her as self-centered and moody.
“Ava dear, maupo ka muna—“
“Wag mo akong ma dear-dear diyan Marcello!” sigaw ni Ava, pero agad naman syang dumiretso sa mahabang sofa. Tumayo naman sa likod nya ang kanyang P.A
Marcello is way older than Ava, but she doesn’t give a f**k. She doesn’t really need the agency, it’s the other way around.
“ Ano baa ng ikinagagalit mo Ava?” awkward ang ngiting binibigay sa kanya ni Marcello ngayon.
Isang perpekto at malinis na kilay ang tumaas kay Ava, kalat na sa lahat ng istasyon pero hindi pa alam ng president nila? Bullshit!
“Perfect Casting: Ava plays the role of the Former Crown Princess Aurora in the upcoming historical movie “Ang Huling Reyna” pag ulit ni Ava sa nabasa nyang headline ng isang sikat na local news website.
“Didn’t I say I wanted the Queen’s role? Bakit mo ako bibigyan ng role ng extra?” inis na sinabi ni Ava.
Ava doesn’t like to study pero hindi sya tanga upang hindi makilala kung sino si Aurora sa history ng kanilang bansa, almost 70 years ago, the Philippines was still under a Constitutional Monarchy. Tulad ng Inglatera na hanggang ngayon ay may monarkiya pa rin.
Her Royal Majesty, Leticia Amore was the last Queen before the great rebellion happened and the country shifted into Republic. Queen Leticia Amore’s life was the inspiration for the movie.
At sino si Aurora? Si Aurora Celeste ay ang nag iisang pinsan ni Leticia. Sya ay kinorohanang opisyal na tagapag mana ng trono ng pinaniwalaang namatay ang Hari at ang anak nito na si Leticia sa ikalawang digmaang pandaigdig.
Si Aurora at ang Reyna ang naiwang buhay na monarkiya matapos ang digmaan. Bilang huling nabubuhay na monarkiya, sya ang nakatakdang mag mana ng trono, ngunit lumipas ang mga taon, muling bumalik si Leticia.
Aurora gave up the crown for Leticia as the rightful heir, and aurora’s name was forgotten. Muli lamang itong sumulpot ng mapag bintangang sya ay may planong rebelyon.
She died as a punishment and that was it.
That was the role of an extra and her management had the audacity to offer that role to her? To Ava Dela Riva?
Ni hindi nya na kailangang mag pakilala, apelyido nya palang ay sikat na. Ang pamilya nila ay kilala dahil sa henerasyon ng artista sa pamilya nila.
From her grandparents up to her, lahat ay mga artistang nagawaran ng ibat ibang pagkilala.
Bata palang si Ava ay ibat ibang article na ang umiikot sa kanya, the moment she joined the showbiz industry her talent and surname immediately brought her stardom. Ava has never played a small time role in her life.
“Ava dear, naiintidihan naman kita, at sinabi ko na iyon sa mga producers pero ayaw nilang papigil at perpekto ka daw sa role na iyon” agad umikot ang mga mata ni Ava sa narinig nya.
Isa pa iyan. The Article said it was the perfect casting, siya bilang si Aurora ay perpekto at alam nya kung bakit. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, Ava looked exactly like the late Aurora Celeste.
Noong nag dalaga sya at na realize iyon ng mga netizen agad syang nagka interes kay Aurora, but realizing her short and cruel life as a royalty, Ava came to hate her. Hindi nya matanggap na ang isang taong kamukhang kamukha nya ay ganoon kaliit ang ganap sa bansa.
Her face deserves the crown but Aurora didn’t get it. What a shame, lagi nyang naiisip noon na kung sya iyon, hindi sya papayag. She will sit on that throne whether they like it or not.
But then again, she’s not Aurora, she’s Ava at ngayon sya ang reyna ng industriya tulad ng inaasahan nya, an achievement that Aurora did not experience.
“Wala akong pakialam kung gaano ka-perpekto ang mukha ko sa role na iyon, ayaw ko”
“Ava, excited na ang mga fans mo para sa pelikula na ito, madidisappoint sila at paniguradong titirahin ka na naman ng media.” patuloy na pag suyo ni Marcello sa alaga nya.
He will be dead kung hindi papayag si Ava dahil naka pirma na sya sa kontrata at ang lahat ay handa na.
“Wala akong pakialam kung ma-disappoint sila, my fans know me, they know I don’t deserve to be an extra” mataray na sagot ni Ava.
As much as she wants the role of the Queen, maybe it’s not for her. Kung hindi ang reyna ay huwag nalang.
At para sa media naman, no matter what she does they still hate her anyway. Lagi ay negatibo ang madalas na balita tungkol sa kanya pero oras na maging successful ang mga proyekto nya, o hindi kaya ay mag trending sya sa galing nya tsaka lamang sya pupurihin.
She has a love hate relationship with the media. Kahit gaano kagusto ng fans ang pagiging straight forward nya, the media never liked it.
“ May kopya ako ng script, siguro mas maganda kung titignan mo muna—“
“Naririnig mo ba ang sarili mo president? I am Ava! An actress, writer, singer, song writer, dancer, model, designer, blink, 3 time FAMAS best actress awardee, and a fashion and skin care connoisseur basically a queen and you want me to take on role of an extra? Where does it fit? “ parang bulkan na sumabog si Ava.
She doesn’t like the role kaya hindi nya kukunin ito and that is final!
But then again, kilala na sya si Marcello. The whole Dela Riva clan has been managed by the Stardust Agency at kilalang kilala na nila ang mga Dela Riva.
If there is one thing that would serve as their strength and weakness, ito ay ang pagiging self-centered. The Dela Riva clan has a solid talent but is always extravagant and attention grabber.
“ Pero ayaw mo bang pag usapan ka ng lahat Ava?” panimula ng president. Pasimple nyang sinenyasan ang P.A ni Ava na kumuha ng kape at ang paboritong dessert ni Ava.
“Hindi man ikaw ang bida pero gaganap ka bilang si Aurora na kamukhang-kamukha mo. Paniguradong ikaw ang pag uusapan dahil parang bumalik talaga sa nakaraan ang lahat. Pictures of you and Aurora side by side would be the talk of the country. Baka nga panoorin iyon ng lahat dahil sa role mo kaysa sa bida. Imagine stealing the spotlight from the main character “ napangiti ang presidente ng makitang unti-unting nawawala ang pag kunot ng noo ni Ava.
She’s moody alright, kung gaano sya kabilis magalit ay ganoon din naman kabilis mawala iyon.
To Ava, tama nga naman ang president. Dahil sa pagkakamukha nila ni Aurora, she will be the talk of the country. Ngayon pa lang na hindi sya pumipirma ay may article na aga, imagine kapag gumanap na talaga sya.
Imagine stealing the show from the Queen, but it’s much better if she can actually steal the crown from the Queen.
Tuluyang nawala ang galit kay Ava ng maisip ang pangalan nyang mag te-trending at sandamakmak na article tungkol sa kanya.
“Alright, let me see the script”
Note: Yes! I know, Ava might seem unlikeable but give her a chance, and she’s supposed to be like that talaga.