Capitolo Due

1927 Words
Capitolo Due   Pumipintig ang sentido ni Ava ng magising sya sa kanyang pag idlip. Dumagdag lang lalo ang maingay na paligid sa sakit ng ulo nya.    “Miss, gising ka na pala. “ boses iyon ni Lexi. Nag aalala ang tingin nya sa kanyang amo na naka pikit, naka kunot ang noo at minamasahe ang sentido nito.   “Okay lang Miss Ava?”    “ Masakit ang ulo ko Lexi, paki bigyan ako ng gamot. Kailangan ko rin ng re-touch.” Utos ni Ava.    Hindi sya madalas dapuan ng mga sakit pero iba ang sakit ng ulo nya ngayon. Pero hindi ito dahilan para hindi nya tapusin ang trabaho. Last shoot na nila ito, she may be a diva but she has so much respect for her craft. Not just in acting but in everything she decides to do.   Must be the Dela Riva pride in her talking.   Dumating na ang make-up artist sa kanyang make shift room at nag simula na syang ayusan. Ang mga staff sa paligid ay nag hahanda na rin.    Ang huling scene na ito ay ang pag hahanda nya sa kwarto, ang pag lakad sa palasyo papunta sa Cathedral para sa koronasyon.    Saulo na ni Ava ang lahat ng gagawin nya. Linya, expression hanggang sa mga pag galaw nya. She spent hours watching the coronation of Queen Elizabeth para lang dito.    Narinig nyang may coverage din ang koronasyon ni Aurora ngunit hindi ito ipinakita sa telebisyon.    Aurora sa was crowned in 1951, television was introduced in 1953. Ngunit may mga pelikula na noon kaya nakuhanan ng coverage ang koronasyon ni Aurora, hindi lamang ito nilabas sa publiko at mapa hanggang ngayon, ay naka tago pa rin ngunit may pag kakataong nag lalabas ng ilang clips ang National Museum.   Ang tanging nilabas sa publiko ay ang koronasyon ni Reyna Leticia.    Napa simangot si Ava ng wala sa sarili sa naalala. Another reason to hate those people. Napaka unfair na itinago na lamang sa baul ang mga alaala ni Aurora.      Napa buntong hininga si Ava, just thinking about someone with the same face like hers being forgotten is irritating her. Deserve ng maganda nyang mukha ang mailagay sa ibat-ibang billboard, dyaryo, cover ng magazine at television.    Lahat ng iyon ay nararanasan nya ngayon, pero si Aurora ay hindi.      Bakit? Dahil hindi sila pareho. Kung ngayon ipinanganak si Aurora, sigurado si Ava na pipiliin noon ang tahimik na buhay, malayo sa medya.   At kung si Ava naman ang ipinanganak sa panahon ni Aurora, napangiti nalang si Ava sa naiisip nya. The 1950’s would’ve been shock with her presence and attitude.    Paniguradong magugulantang ang lahat sa kanya. Cuz Ava, no matter what generation she’s in, will always be a force to be reckoned with.    “Miss mag sisimula na daw po.” Paalala sa kanya ni Lexi. Agad na tinapos ng make-up artist ang pag aayos sa kanya.    Her stylist fixed her traditional gown ng tumayo sya.    “ My, my, Ava! Hindi talaga ako nag ka mali sayo. Parang nasa harap ko talaga si Aurora.” Bati ng Direktor sa kanya.    Pilit nya itong nginitian. Akala ata ng Joselito na ito ay hindi nya alam na sya ang nag kumbinsi kay Kianna na kuhanin ang role ni Reyna Leticia at sya din ang nag sabi na si Ava ang gaganap na Aurora.    At ang ingrata namang si Kianna ay pumayag agad ng malamang extra lang si Ava.    Gusto nyang ngumiti ng pang asar dahil sisiguraduhin nyang sya ang magiging usap usapan ng lahat!   “Ava is always the right choice, Direk.” Ngiti nya pabalik dito. Kahit gusto nya itong sapakin dahil hindi sya ang kinuhang Reyna.    Tumawa ang malambot na Direktor sa sinabi nya “ Malaki na naman ang kikitain ng pelikula sa iyo.”    Tumaas ang kilay ni Ava at tumawa ng peke.   “ Mas malaki ang kikitain mo kung ako ang ginawa mong Reyna.” Naka ngiti nyang saad dito.    Agad nawala ang ngiti sa labi ng Direktor. Napansin din ni Ava ang biglang pag hina ng ingay sa kwarto.    Everyone was uncomfortable by her comment.    Mabuti! Dahil iyon talaga ang kanyang gusto. Alam dapat ng lahat na hindi nya gusto ang kanyang role pero gagawin nya ang lahat sa abot ng makakaya nya para maging maganda ang kanya trabaho.    “I was joking Direk! Start na tayo.” She flipped her hair and walked to the dresser. Kung saan mag sisimula ang scene.    Everyone was clearing out the make shift room. Nag si puntahan na rin ang iba pa sa kani-kanilang nararapat na pwesto.    “ Alright! 3, 2, ACTION!”    Tatlong katulong ang naka alalay sa kanya. Ang isa ay nag aayos ng kanyang buhok, ang isa ay sa kanyang damit at ang isa ay sa kanyang mukha.    Naka tingin si Ava sa salamin, may ngiti sa labi, ngiti na naayos sa personalidad ni Aurora na kanyang inaral.    Sunod- sunod ang kuha nila sa mga scene. Ngayon naman kukuhaan ang pag punta nya sa Cathedral.    Apat na katulong ang naka tayo sa kanyang likod upang alalayan sya. Ng bumukas ng sabay ang double doors ng kanyang make shift room ay nag simula na syang mag lakad.    Diretso ang tingin.    ‘Look regal, gentle and kind’ paulit ulit ni Ava sa kanyang isip.    Sa harap nya habang nag lalakad ay ang tatlong camera man na naka focus sa ibat-ibang anggulo niya.      Ng maka baba na sya sa malawak na bulwagan ng Palacio, hindi kalayuan sa main entrance at exit ng Palacio, kung saan naka paskil sa gilid ang isa sa kaunting paintings ni Ava, naka tayo ang isang lalaki.    Naka talikod ito kaya hindi nya kita ang mukha. Ng napansin nito ang komusyon ay tumagilid ang katawan nito. Para siguro tignan ang nangyayari.    Ava wasn’t able to see the face but she saw his too formal 3 piece suit. At sa gilid noon ay ang gintong brooch na leon na parang nakita nya noon.    Maybe that was the owner of the museum because as far as she knows, sarado ang museo para sa kanilang shooting.    Pag labas nya sa entrance, naka abang na sa ibaba ng hagdanan ang magarang karwahe na replika ng ginagamit ng maharlika sa mga importanteng okasyon.    Kinuhaan ang pagsakay nya doon at ilang segundo sa loob at pag kaway nya bago nag cut.    Huminto ang karwahe sa di kalayuan, bumukas ang pinto nito at agad bumungad kay Ava si Lexi.    “Where’s my ice coffee?” Tanong nya dito na agad namang may inabot sa kanya kasabay ng gamot na kanyang hinihingi.    “Masakit pa rin ba ang ulo mo miss?”    Umiling sya, hindi na masyado pero ngayon ay pagod sya. Wala naman sya b linyang sinabi pero parang kay bigat ng kanyang katawan.    Malapit lan ang Cathedral, pareho itong nasa loob lang ng intramuros, maari na ring lakarin ngunit parte ng tradisyon ang pag sakay sa karwahe at pag ikot sa buong intramuros. Hindi na sya kasama doon. Bahala na silang umikot.    Mabilis ang pag takbo ng oras. Ngayon ay naka tayo sya sa entrance ng cathedral kasama ang malaki nyang entourage.   She was wearing a white filipiniana embroidered with the emblems of the Philippine Monarchy in gold and silver thread, a red sash with yellow and blue outlines.    Mamaya kapag na koronahan na sya, she would officially wear the Mahalina tiara, worn only by the official heirs of the throne.    Hinintay nyang makapasok ang entourage nya bago sya sumunod. All the smiled and performed all the mannerisms she practiced.    Nag simula na syang mag lakad sa isle ng simbahang halos walang tao maliban sa mga staff at iilang extra at ibang actor sa unahan. The rest are in green, probably to edit people later.    Maayos ang kanyang pag lalakad ngunit habang papalapit sya sa altar ay mas lalong bumibigat ang kanyang katawan at sumasakit ang kanyang ulo. Nararamdaman nya ring unti unti syang nanlalamig sa gitna ng mainit na katanghaliang tapat.    Isang magarang upuan ang naka handa gilid ng altar katabi ng pari, doon ang kanyang tungo dahil may mga linyahan pa ang extrang pari.    Naupo sya roon at tinanaw ang buong simbahan.    Nakaka kilabot na isiping sa simbahan rin na ito ginanap ang koronasyon noon 70 na taong nakakaraan. Lahat ng ginawa naming scene at pinuntahan naming lugar ay nangyari talaga noon.    Filming a historical movie is fascinating enough, what more to actually live in those time, or how magical and fascinating it would be to go back in time and witness it all.    Tumayo sa Ava ng natapos ang pinaikling sermon kuno ng pari at nag lakad sya sa altar at tumayo sa harap nito.    ‘ Luluhod at tatanggapin ang  korona, tatayo at kakaway sa mga tao’ saad ni Ava sa kanyang isipan.    Sa dami ng kanilang ginawa ay 3 minuto lang naman ang ipapakita sa pelikula.    Hay! The life of an extra.    Lumuhod si Ava ng marinig ang pamilyar na linya ng pari. Pumikit sya para hintayin ang pag patong ng korona. Ngunit naramdaman nya muli ang biglang pag bigat ng kanyang katawan at matinding pag sakit ng ulo.    Iba ito sa kanina. Ngayon ay parang migraine na sa sakit. Ang kanyang katawan ay hindi lang mabigat, parang may humihigit pababa sa kanya.    Gusto ng pumikit ng kanyang mga mata at bumagsak ngunit ayaw nyang matagalan pa lalo sila.    Ilang minuto lang ang kanilang eksena at matatagal pa ang pagkuha dahil lang sa kanya.    Naramdaman nyang muntikan na sya g bumagsak ng may humawak sa kanyang braso at inalalayan siya.   “ Ayos lang po ba kayo Mahal na prinsesa?” Tanong sa kanya ng isang hindi pamilyar na boses.   Tumango sya at pinakiramdaman ang utos ng direktor ngunit wala syang narinig kaya nag patuloy siya sa pag arte.   The priest said to many shits na wala naman sa script, ngunit bago pa sya makapag reklamo, pumatong na ang korona sa kanyang ulo.   Praktisado nya na ang kanyang gagawin ngunit ng tumingala sya sa pari ay iba na ang itsura nito.    Maliban sa hindi na ito ang extra kanina, mas magarbo din ang suot nito.    Inalalayan sya nito sa pag tayo. Mag tatanong na sana sya but the booming cheers shocked her. It was too loud and clear.    The moment she looked at the audience, the air was knocked on her throat.    Nawala ng parang bula ang sama ng pakiramdam nya ngunit para syang kakapusin ng hininga sa nakikita nya ngayon.    “What the f**k?!” Bulong nya.      She couldn’t believe her eyes, daan daang tao ang nag sisigawan, ang sandamakmak na confetti ay umiindayog sa kawalan, ang tahimik na simbahan na may green na background kanina ay napalitan ng mga taong lahat ng suot ay magaganda, nag papalakpakan at sumisigaw.   “Mabuhay ang naka takdang Reyna!”    “ Mabuhay! Mabuhay! Mabuhay!”    Gusto nyang ngumiti ngunit napangunahan sya ng pag tataka sa lahat ng pagbabago. At kahit saan sya lumingon wala ng bakas ng mga camera at staff kanina. Kahit si Lexi na laging nasa gilid ay nawala na din.   Nag tatakang nilingon ni Ava ang taong pinaka malapit sa kanya, ang pari.    “ Batiin mo silang lahat, Mahal na Prinsesa.” Naka ngiting saad ng Pari.      May hidden Camera pa ang team dito?    Nag tataka man ay ngumiti si Ava at kumaway dahilan ng lalong paglakas ng sigawan.    “ Akala ko wala masyadong budget ang film?” Nag tatakang tanong nya sa Pari.    Kunot noong nag kibit balikat ang pari kay Ava, tila wala itong naintindihan sa kanyang sinabi.       

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD