Chapter 2

2145 Words
Kinabukan napakagaan ng kanyang pakiramdam. Mabilis ang mga kilos niyang nag-ayos ng kanyang sarili. Excited siya sa unang araw ng kanyang trabaho. Nagpaganda siya ng todo, at kulang na lang ay ipangligo niya ang pabango sa kanyang katawan. “Nay, aalis na po ang anak niyong maganda,” paalam niya sa kanyang ina na nagliligpit ng kanilang mga pinagkainan. Nilingon siya nito, saka inihinto ang paghuhugas ng mga plato. Nagpunas ito ng kamay sa damit nito saka lumapit sa kanya. “Sige anak, pagpalain ka ng Diyos. Mag-iingat ka, saka galingan mo ha? Ibigay mo ang todo mo, kung kinakailangan tumambling ka, go!” sabi pa ng kaniyang ina with action. Natawa naman siya rito. “Nay grabe ka, ano? Acrobat lang ang papasukan ko? ‘Nay receptionist po ang beauty ko ‘no!” Tinapik pa ng likurang bahagi ng kanyang palad ang baba niya. “Ay sus, siya basta mag-iingat ka anak.” Hinalikan na siya nito sa kaniyang pisngi. “Kayo rin po ‘nay. ‘Wag kang tatanggap ng manliligaw ha? Kukurutin kita sa singit!” pabirong bilin pa niya sa ina na ikinatawa nito. Ganito silang mag-ina parang magtropa lang kung magturingan. “Puro ka kalokohan. Sige na at baka unang araw mo e, ma-late ka pa.” Saka siya nito inihatid sa may pintuan nila. Kumaway siya sa ina bago naglakad papuntang sakayan. Pagdating niya sa Casa Vielle Condominium, ay agad siyang nagtungo sa locker at isinilid ang kanyang gamit. Nag-retouch siya bago lumabas ng locker, at magtungo sa reception area. Inabutan niya roon ang isang babaeng halos kasinglaki lang niya. “Good morning po,” nakangiting bati niya sa babaeng nakatayo sa reception area. “Good morning! Wala pa si Ms. Vienne, pero puwede na kitang turuan ng ilang bagay. Para pagdating niya, may idea ka na rin ng kung anong dapat mong gawin dito. Ako nga pala si Jazzy,” nakangiting pakilala nito sa kanya. “Ayyy, sige bet ko iyan. Ako nga pala si Kaye Janelle, KJ na lang for short,” sagot naman niya rito sabay ngiti na rin. “Oh, sige KJ na nga lang ang haba ng Kaye Janelle e.” Sang-ayon naman nito sa kanya. Habang tinuturuan siya nito, ay may nahagip ang kanyang paningin na yummy-hunky papa na dumaan sa harapan ng reception area, kaya naman nawala ang focus niya kay Jazzy. Kaya nang lingunin siya nito ay pinitik pa nito ang mga daliri sa kanyang harapan, para naman siyang natauhan sa ginawa nito kaya umayos siya ng pagkakaharap dito. “Huyyy, okay ka lang ba? Halos tumulo na iyang laway mo riyan o,” sabi pa nito sa kanya. “Ahm, o-oo okay lang ako. May nakita lang akong nakaka-distract,” tabinge ang ngiting tugon na lang niya rito. “Naku girl, kung guwapo ‘yong nakita mo, madami ritong gwapo. Mananawa ka sa kanila, at masasanay ka na lang din eventually,” litanya naman nito sa kanya. ‘Eeeiii!!! Parang gusto ko ng idea na iyan, maraming papa much better! Hindi naman pala ako mabo-bored dito!’ excited pa niyang bulong sa kanyang sarili. Palihim pa rin niyang sinundan nang tingin ang lalakeng nakabanggaan niya kahapon. That guy, who snobbed her beauty. That guy, who’s so suplado. That guy, na makalaglag panty pero masungit. ‘Ang guwapo talaga niya! Eto talaga, ‘pag tumingin ka, akin ka!’ sambit na naman niya sa sarili. Ngunit kagaya kahapon, nganga ulit ang pag-asa niya. Kaya naman bagsak ang mga balikat niyang binalik ang full attention kay Jazzy. Saka na lang niya pagtutuunan ng pansin ang binata. Work muna bago landi. Pagod na pagod si Ron Rich nang makabalik siya sa Condominium kung saan siya nakatira. Magdamag kasi ang naging shoot nila para sa upcoming movie niya. All he want is to rest. All day kung posible. Pero malamang na hindi niya ma-achieve iyon, dahil panigurado siyang tatawagan siya ng manager niya mamaya, para naman sa press conference. ‘Ginusto mo iyan Ron, ngayon, magdusa ka!’ aniya sa sarili. Nasa ikatlong baitang na siya ng kolehiyo ng may mag-alok sa kaniya para mag-model ng isang brandng damit. Dahil sa udyok ng kaniyang mga kaibigan, sinubukan niya ang pagmo-modelo. Hanggang sa nagustuhan na rin naman niya ang kaniyang ginagawa. Ilang beses ding may nag-alok sa kaniyang pumasok na sa showbiz, ngunit tinanggihan niya iyon dahil nag-aaral pa nga siya noon. Kaya nang makapagtapos siya ng pag-aaral, saka siya sumabak sa showbiz. At ngayon nga, isa na siya sa hinahangaan ng mga tao sa larangan ng showbiz. ‘Stop thinking, just rest!’ utos niya sa kaniyang sarili saka siya pabagsak na nahiga sa kaniyang kama pagkahubad niya ng kaniyang damit. “I’m sorry na-late ako. Good morning girls!” humahangos na wika ni Vienne. Sabay pang napalingon sina Jazzy at KJ sa pinanggalingan ng tinig na iyon. “Good Morning Ms. Vi. Okay lang po magaling din naman magturo si Jaz,” nakangiti namang saad niya sa dalaga. “Ms. Vi?” patanong na tanong naman nito sa kanya. Tila hindi nito nagustuhan ang itinawag niya rito. “Ayyy, sorry nahahabaan po kasi ako sa Vienne. Okay lang po ba na Vi ang itawag ko sa inyo?” biglang parang nag-aalangan niyang tanong dito. “Hmmm, sorry KJ pero kasi may naaalala ako sa Vi, kaya ayaw ko sanang iyon ang itawag mo sa akin,” may bakas ng kalungkutan sa mga mata nito. “Awww! Okay po, Vienne na nga lang,” malawak ang pagkakangiti niyang sambit dito. Ngumiti naman na ulit ito sa kanila, saka ito lumapit sa kanila ni Jazzy. “Okay, let’s continue. Iiikot muna kita rito para familiar ka na sa lugar. You know bilang receptionist, kailangan alam mo rin ang mga lugar sa loob ng building na ito. Kaya Jaz, dito ka muna at iiikot ko lang si KJ saglit ha?” Tumango naman ang babae bago sila umalis. Kagaya nga ng sinabi nito, iniikot nga siya nito sa mga mahahalagang lugar sa building na iyon. Ipinaliwanag din nito kung para saan ang mga kuwartong nadaanan nila. Ilan doon ay mga conference roomsna ginagamit sa iba’t ibang functions. Namangha naman siya sa laki ng mga kuwartong iyon. May mangilan-ngilang lamesa at upuan na maayos na nakasalansan sa isang gilid. Malamang na ito ang mga ginagamit kapag may function sa loob ng kuwartong iyon. Kita rin mula sa glass walls nito ang over view ng siyudad na nakadaragdag ng appeal sa kuwartong iyon. Ilang silid pa ang kanilang pinasok bago sila bumalik sa reception area. Doon ipinakita naman sa kaniya ni Vienne ang listahan ng mga VIP rooms, at kung sino ang madalas bumisita roon. Napansin niyang kakaiba ang Casa Vielle sa ibang mga condominium na napuntahan na niya. Para kasi itong hotel na may sariling maid ang bawat palapag, naisip tuloy ni KJ na siguro mahal ang ibinayad ng mga residents doon. Dahil hindi naman siya first time sa mga ganitong trabaho, mabilis niyang napag-aralan ang mga dapat niyang matutunan. Mabilis lumipas ang mga oras at namalayan na lang niyang tapos na ang kaniyang duty. Nagpaalam na siya sa kaniyang kapalitan, at nagtungo sa locker upang kunin ang kaniyang mga gamit. Saglit siyang naupo roon at hinilot ang mga paang medyo nananakit dahil sa pagsusuot niya ng high-heel shoes. Matagal-tagal na rin kasi noong huling nagsuot siya ng may heels na sapatos. Mabuti na lang at may dala siyang flat sandals, kaya nagpalit siya ng sapin sa kanyang paa para mas maging kumportable siya sa paglalakad. ‘Hayyy, natapos din ang duty mo inday!’ sambit pa niya sa kaniyang sarili. Ilang saglit pa ang lumipas at tumayo na siya saka nagpasyang umuwi. Palabas na sana siya ng buildingnang muli niyang makita ang hunky-yummy papa niya. Nasa lobby ito at nagbabasa ng kung ano sa cellphone nito. Biglang nagliwanag ang kaniyang mukha at naka-isip ng kapilyahan, kaya imbes na lumabas naglakad siya sa harapan ng binata at nagpapansin. Nagpabalik-balik siya nang paglalakd sa harapan nito, ngunit deadmatology ang beauty niya. ‘Ang manhid naman ng kamoteng ‘to!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. Nang hindi pa rin siya nito pansinin, nagpasya na siyang umalis na lang. Sa malas, hindi niya napansing basa ang sahig. Kaya naman pabisaklat siyang nag-crash landing sa malamig na sahig. “Aguy, aguy, aguy!” daing niya habang sapo-sapo ang nasaktang puwet. Hindi niya malaman kung paano kikilos, mukhang masama ang pagkakabagsak niya. Agad naman siyang dinaluhan ng janitor. Lumuhod ito sa kaniyang harapan para sana alalayan siya nitong makatayo, ngunit tumanggi siya at inawat niya ito sa akmang paghawak nito sa kaniya. Ikinukondisyon pa kasi niya ang kaniyang katawan bago tumayo. “Hala Ma’am! Bakit naman po kayo nagpa-practice mag-ice skating dito? Ayan nadulas po tuloy kayo,” sabi pa nito sa kanya. ‘Nang-aasar ba itong si kuyang janitor?’ Tiningnan pa niya ito ng masama saka nagsalita, “Kuya, hindi ako nagpa-practice mag-ice skating, mali ka naman eh! Nagba-vallet kaya ako!” pilosopong sagot niya rito. Napakamot naman sa ulo si manong habang nakamasid sa kaniya. “Hindi naman kasi ito playground para maglaro ka.” Tiningala niya ang nagsalitang iyon, at nakita ang hunky-yummy papa niyang masungit. “Ahhh hindi ba? Akala ko kasi nasa playground ako e,” ngumisi pa siya habang nakatingala rito. Napailing naman ito saka akmang maglalakad na itong palayo nang agad siyang magsalita, “Hoy! Hindi mo man lang ba ako tutulungang tumayo rito? Tutal ikaw naman ang dahilan ng pagkakadulas ko e,” mahinang sambit niya sa huling pangungusap na sinabi niya. Kunot-noo naman itong lumingon sa kaniya at tila naguguluhan sa kaniyang sinabi. Nakapamaywang itong lumapit sa kinaroroonan niya at tinitigan siya nito kaya naman napatanga na lang siya rito. “Bakit naman kita tutulungan? Kasalanan ko bang tatanga-tanga ka kaya ka nadulas?” umangat pa ang gilid ng labi nitong sabi sa kanya. Natameme naman siya sa kaniyang narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nitong iyon. ‘Aba’t napakasungit talaga ng kumag na ito. Kasalanan naman talaga niya kung bakit ako nadulas eh!’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. ‘Gaga! Sinabi ba niyang magpapansin ka sa kanya ha?’ sagot naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak. Nakita niyang naglalakad na ito palayo sa kanya nang muli siyang sumigaw, “Walang puso, atay, balun-balunan! Grabe siya hindi na siya naawa sa akin!” Pag-iinarte pa niya, at pinilit tumayo nang alalayan siya ni manong janitor. Ni hindi man lang siya nilingon nito at dire-diretsong naglakad palayo. ‘Hmp! Makaka-isa rin ako sa iyo. Saka kahit masungit ka, pogi ka pa rin. Eeeiii!!!’ Napapangiti pa niyang tili sa kanyang isip. “Ma’am okay na po ba kayo? Magpapatawag na po ba ako ng ambulansya?” Napalingon naman siya kay manong janitor nang muling magsalita ito. “Ambulansya agad manong? Okay na po ako. Kaya ko naman po sigurong makauwi. Maglalagay ka po ng caution sign sa susunod ha?” bilin pa niya sa matandang janitor na kakamot-kamot ngayon sa ulo nito. Dahan-dahan na siyang naglakad at lumabas ng gusali. Paniguradong yari siya sa nanay niya mamaya pagdating niya sa kanilang bahay. Pero carry lang, nagbunga naman ang pagpapapansin niya e, iyon nga lang sa ibang paraan. Kanina pa nakikita ni Ron ang pabalik-balik na paglalakad ng babaeng tila nagpapansin sa kanya. Akala siguro ng babae ay hindi niya ito napapansin, kaya naman hinayaan na lang niya ito at muling itinuon ang pansin sa kanyang cellphone. Hanggang sa may marinig siyang umaaray ‘di kalayuan sa kinaroroonan niya. ‘Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Kung bakit ba naman kasi hindi tumitingin sa nilalakaran niya. Hayst!’ bulong niya sa kanyang sarili. Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at saka naglakad palapit sa kinalulugmukan nito. Napatanga ang babae nang pagsabihan niya itong hindi playground ang lobby ng Condominium. Pero mas natigilan siya nang sigawan siya ng babae pagtalikod niya. Parang siya pa ang sinisisi nito kung bakit ito nadulas sa sementadong sahig, kaya naman nasungitan niya ito. Napangisi pa siya nang tuloy-tuloy pa rin ito sa paglilitaniya habang papalayo na siya rito. Kakaiba rin ang babaeng iyon dahil nasaktan na nga, nakukuha pa rin nitong dumaldal. Kaya naman nang makasakay na siya ng elevator ay napangiti na lang siya. Nakita pa niyang iika-ika itong naglakad palabas ng Condominium. ‘Hayst! In fairness she’s pretty,’ komento niya sa kanyang sarili. Napailing pa siya sa kanyang naisip. Bihirang-bihira siyang magbigay ng complement sa ibang tao. Lalo na ang sabihang pretty ang isang babae. ‘Ron what the heck are you talking about?’ sita pa niya sa sarili. Napahinga na lang siya nang malalim at saka itinuon ang pansin sa papaakyat na elevator. Siguro epekto lang iyon ng kaniyang pagod kaya kung anu-ano tuloy ang naiisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD