Nagulat siya bulto ng tao na nakaabang sa kan’ya. Nakatayo ito sa pasilyong paliko sa terrace. Mababanaag sa mukha nito ang galit at pagkabigo. “W-what are you doing here, Brianna?” he asked uncomfortably. Iniwas niya ang mga rito. May palagay siyang nasaksihan nito ang nangyari kanina sa pagitan niya at ni Mae. “Bakit may rason ba para hindi ako sumunod rito, ha? Jacob?” “Let’s not talk about it here. Let’s go somewhere else,” yakag niya rito. Hinawakan niya ito sa braso subalit agad nitong iwinaksi iyon. “May dapat ba tayong pag-usapan, Jacob? May ginawa ka bang hindi kanais-nais diyan sa loob?” Kita niya ang pagtitimpi nito. “C’mon, Babe. Let’s go out now, for Christ’s sake.” Nabahala siyang gumawa ito ng eksena roon. Totoong nagkakasama sila ni Brianna ngunit hindi pa niya naki