*** Jacob *** Gaya ng nakaraan ay biglang dumating na naman si Jordan sa opisina nang walang pasabi. Sa halip na makaramdam ng saya ay tila naiinis pa siya sa pagsulpot nito subalit hindi niya ito pinahalata sapagkat hindi pa rin maiaalis ang katotohanang business partner nila ito. Hindi naman ito nagtagal sa kanyang silid dahil agad rin itong umalis. Malamang ay kikitain si Charie. Pero bago ito lumabas ay nagbilin muna ito ng imbitasyong mag-dinner sila sa labas mamaya. ‘Hey, wanna hang out tonight?’. Iyon ang nabasa niyang mensahe sa cell phone nang tumunog iyon hudyat na may nag-text. Galing iyon kay Brianna. Napangiti siya. Sakto, sapagkat isasama niya ito sa dinner bago sila mag-chill sa kung saan man. He immediately informed Jordan through text that he will be bringing someone wi