CHAPTER 5

2125 Words
Mabuti na lang at naging madali at mabilis ang kanyang checkup sa clinic kaya naman nabawasan ng kaunti ang kanyang kaba. Hindi na siya masyadong binusisi dahil maliban sa kilala siya ng mga ito dahil sa posisyon niya sa kompanya ay ayon pa sa nurse, “Its’s a girl thing.” Ngayon ay ang muling pakiharapan si Jacob na lang ang kanyang pinoproblema. Hawak sa kamay ang medical certificate ay sumakay siya ng elevator paitaas at pinindot ang numerong twenty. Nang makarating na siya sa floor kung saan naroon ang CEO’s office ay naglakad siya palapit sa pinto ng opisinang kinaroroonan ni Jacob. Hinigit muna niya ang pinakamalalim niyang hininga bago kumatok ng tatlong beses. Isang baritonong boses mula sa loob ang kanyang narinig na nagsalita. Nagtaka pa siya kung bakit wala sa labas ang sekretarya nito. “Come in,” pormal nitong sabi. Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang nabungaran ang matipunong bulto nito na nakaupo patalikod sa kan’ya. He’s facing against the glass wall. Kita roon ang buong siyudad. “I’ve got to bring you the medical certificate, sir,” kalmado niyang sabi. Pero ang totoo niyon ay ang pakiramdam niyang sasabog ang dibdib sa kaba. Dinig niya ang nagpapaligsahang pagtambol ng kanyang puso. Habang may pagkakataon ay binusog muna niya ang sariling mga mata sa pagtitig sa kakisigan nito habang nakatalikod sa kan'ya. Sa ganoong posisyon ay hindi makikita nito ang malaya niyang pag-aaral sa kabuuan ng lalaki. Tila may mainit na humaplos sa puso niya habang pinagmamasdan ito. He was no longer that boy she used to love. Even his physical appearance is no longer the same. He has changed a lot. He’s more manly now, more attractive. “Hindi porke’t finance manager ka rito, Miss Ramos, ay anytime pwede mo nang labagin ang policies ng kompanya specially being a late comer. No one is ever exempted to that except the company owner,” malamig nitong sabi na dahan-dahang inikot ang executive chair paharap sa kan’ya. He’s serious, walang mababanaag na kahit anong emosyon sa mata. “Do I make myself clear?” matigas nitong saad. Napalunok siya. At marahang tumango. Ang dating Jacob na kilala niya ay napakagaan ng awra. Madaling pakisamahan at palangiti. Pero ang kaharap niya ngayon ay tila isang babasaging bagay. Na anumang oras ay pwedeng mabasag sa isang pagkakamaling bagay. “Kuha ko po, Sir. Don’t worry, Sir, ngayon lang po ito nangyari simula nang magtrabaho ako sa kompanyang ito and I promise it will never happen again,” aniya sa mababang boses. She stands corrected kaya wala siyang lakas na labanan ito ngayon. Tumango ito. Kinuha ang papel na inilapag niya sa mesa nito at binasa. “You can go back to work,” muling sabi nito. Hindi na ito nag-abala pang tapunan siya ng tingin. “Thank you, Sir,” pormal niyang sabi at agad na tumalikod. Now, she definitely felt the huge wall between them. 'Di pa man siya nakapasok ng opisina niya ay nakaabang na si Judy sa labas. “Kumusta? Pasado ba?” mabilis na lumapit sa kan’ya si Judy na nakangisi. Agad itong umabrisyete sa kanyang braso. “Yes, thank you,” sabi niyang nakangiti. Malaki ang pasasalamat niya rito dahil sa bilis nitong nakahanap ng paraan sa kanyang problema. “Oh, ‘di ba? Sabi ko na, eh. Hindi ka naman siguro sinilipan ni sir kung dinugo kang talaga, ano?” saad nito na tumawa pa sabay kurot nang mahina sa tagiliran niya. Pilya! “Sira!” ani niyang napailing na lang. Nahawa na rin siya sa tawa nito. “Magtrabaho ka na nga,” bugaw niya sa kaibigan. “Ay, ang sama. Pagkatapos kitang tulungan gaganyanin mo lang ako. Sana pala hindi na kita binigyan ng idea kanina para litsunin ka ng buhay ng ex-jowa mo,” nakangusong sabi nito. Pinandilatan niya ito. “Ssh! Bunganga mo talaga! Manahimik ka ngang babae ka, baka may makarinig sa’yo. Oo na, sagot ko na ang lunch mo mamaya! Alis!” Kinakabahan siya baka ano pa ang maisaiwalat nito, may iilan pa namang labas-masok lang ng departamento nila. Nagliwanag ang mukha nito at nangislap ang mga mata. “Ayon naman pala. Hay, salamat naman, akala ko pahihirapan mo pa ako, eh. Naku, kung alam mo lang. Kanina ko pa kaya hinihintay na marinig mula sa’yo ‘yan, Mars. Thank you! The best ka talaga,” anito at tumatawang niyakap siya. “’Nga pala speaking of work, kanina pa po naghihintay sa’yo ‘yon, Ma’am.” Ngumuso ito sa mesa niya. Hindi makapaniwala ang mga mata niya sa nakita. Sandamakmak na papeles ang nakapatong roon. Halos triple sa nakasanayan niya sa araw-araw. Marahas siyang humarap pabalik kay Judy. “Ano ‘yan?!” tanong niya sa kasama. “Papers?” maang na sagot nito. “Timang, alam ko! I mean bakit sobrang dami n’yan?!” bulalas niya. “Sorry, Mars. Hinatid lang kasi ‘yan kanina ni Julius, ‘yung assistant ni Bernadeth. Nilagay yan no’ng hindi ka pa dumating. Nang tanungin ko naman ay sabi niya utos daw ni Sir Jacob na rito ipatambak sa iyo ang lahat nang iyan,” nakangiwing saad nito, “At bakit sa ’kin? May nakatuka naman para sa trabahong iyan, ah?” Sobrang nadismaya siya sa pangyayari sa araw na ito. Akala pa naman niya ay tapos na ang kalbaryo niya. Napakamot si Judy sa ulo. “Naka-leave raw kasi si Bernadeth ng isang buwan,” Ang tinutukoy nitong Bernadeth ay ang supervisor ng Audit Department. Simula nang si Jacob ang tumayong CEO sa kompanya ay napansin rin niya ang pagbabago sa babeng iyon. Nag-ibang bigla ang uri ng pananamit nito. Lately ay nagpapa-sexy na ito at nagme-make up, hindi katulad ng dati na slacks o mahabang palda ang gamit. Ang makapal nitong salamin ay pinalitan ng contact lense. At ang mas kapansin-pansin rin sa lahat ay ang pagiging malapit nito kay Jacob. Pero ang pinakaproblema niya ngayon ay naka-leave ito ng isang buwan? As in isang buwan talaga? “Is he out of his mind? Isang buwan! Isang buwan akong makipagbunuan sa trabahong iniwan ng babaeng iyon!” Nanlalatang napaupo siya sa sariling silya at ipinatung ang siko sa mesa habang ikinulong ang mukha sa sariling mga palad. Nag-ring ang telepono niya. Sinagot ito ni Judy dahil wala siyang planong sagutin ito sa sobrang inis. “Finance Department, this is Judy how may I help you?” si Judy na namilog ang mga mata at nilingon siya. Tumango-tango muna ito bago nagsalita ulit, “Y-yes, sir! N-nag CR lang po sandali. Okay po. Copy that, sir. Sige po, thank you,” anitong ibinaba na ang telepono. Nang muling balingan siya nito ay hindi maipinta ang mukha nito, literal na lukot na lukot. “What?” tanging nasabi na lamang niya dahil may kutob siyang hindi na naman maganda ang sasabihin nito sa uri pa lang nang pagngiwi nito. “That was Sir Jacob. Sabi niya ay dapat mo raw maipasa ang lahat ng iyan bukas ng umaga. Which means you have to finish all of that before tommorow, Mars,” malungkot nitong sabi. Lumipat ito sa likuran niya at hinagod ang kanyang likod at balikat. “I can’t believe this is happening! Mars, tell me it’s not wrong to kill a heartless animal being up there!” she bursts out of disgust and anger. Malungkot man ay natawa pa ito sa sinabi niya. “Huwag naman, mabawasan pa ang mga gwapo sa mundo. Sayang, iilan lang kaya sila dito sa loob ng opisina natin. Kaya mo ‘yan, Mars. Ang mabuti pa'y bumalik na muna ako sa trabaho ko para later matulungan naman kita sa mga iyan. Nang makabawas man lang ako kahit kaunti sa gabundok mong papeles.” Pinisil nito ang balikat niya bago nagmamadaling umalis. Ikinuyom niya ang kamao at gigil na hinampas ang sariling mesa. “I thought that was all. Kaya pala hindi siya gaanong nagsungit kanina dahil may inihanda pa pala siyang mas malala! I hate you, Jacob! Makakaganti rin ako sa’yo balang araw,” she gritted her teeth. Nag-stretching muna siya bago hinarap ang patung-patong na papeles at sinimulan na ang trabaho. Panay ang pagbuntong-hininga niya, inis pa rin siya at nagngingingit ang kalooban. Kailangan niyang magpakatatag. Kauupo lang nito sa puwesto pero ito na ang ginagawa sa kan’ya. Paano kung may inihanda pa itong mas malala sa mga susunod pa na araw, lingo at buwan? Huwag naman sana, mahabaging langit. Hindi niya eksaktong makuha ang nais nitong mangyari pero sa palagay niya ay pinapahirapan siya nito. Sa anong rason? Galit? Kay tagal na ng panahong iyon dapat ay nakalimutan na nito ang nangyari sa nakaraan. Paghihiganti? Ayaw man niyang aminin pero tanging sagot lang ng utak niya ay malamang. Dalawang oras ang nakalipas ay pumasok si Judy sa silid niya. Bilang isang manager ay may spare room siya sa loob ng finance department. “Lunch na po, ma’am,” ngiting sabi nito sa kan’ya. “May promise ka rin po sa akin kanina. Nawa’y hindi mo pa iyon nakakalimutan, kamahalan. Alam ko pong mainit ang ulo n’yo ngayon kaya ikain na muna po natin ‘yan,” yaya nito sa kan’ya at mahina siyang hinila para makaalis sa harap ng computer. Nagpatianod naman siya dahil sa totoo lang ay kanina pa kumakalam ang sikmura niya pero tiniis lang niya dahil kailangan niyang bilisan ang trabaho. Habang naglalakad papunta sa canteen ay panay ang daldal ni Judy na hindi naman tumatatak sa isip niya dahil sa tindi ng gutom. “Hoy, nakikinig ka ba?” tanong nito. Pinisil nito ang tagiliran niya upang tuluyang kunin ang kanyang atensyon. “Hindi. Utang na loob, manahimik ka muna riyan dahil gutom na ako,” aniya na agad pumili sa nakahilirang pagkain. Mas lalong nag-alburuto ang tiyan niya nang maamoy ang sari-saring mga ulam. Agad niyang pinili ang tinolang isda, menudo at kilawin na seafoods. “Two and a half cups of rice din po, please,” aniya at kumuha ng kutsara at tinidor na nakalagay sa mainit na tubig sa kabilang dulo. Pagkakuha niya ng order ay pumuwesto siya sa bakanteng mesa. Nakasunod naman sa kan’ya si Judy na ang mata ay nakatuon sa hawak niyang tray. “Kanina ko pa napapansin na panay ang titig mo sa tray ko. May problema ba?” puna niya sa kaibigan. “Kasi naman, Mars, sobrang dami ng in-order mo. Pang tatluhan na ‘yang nasa tray mo, ah? Sure ka bang mauubos mo lahat ng iyan?” Puno nang pagkamangha ang mukha nito at para rin itong matatawa. Kumuha ito ng tinidor at tinikman ang kilawin. “Sarap!” komento nito. Napangiti siya. Masarap talaga iyon kaya nga isa iyon sa mga naging paborito niya. No’ng nag-transfer siya sa Cebu noong high school ay hindi pa siya gaanong kumakain ng seafoods pero nang nagtagal na siya roon ay nakasanayan na rin niya, katunayan pa nga ay hinahanap-hanap niya ang lasa ng mga iyon hanggang ngayon lalo na kapag sariwa ang pagkabili sa palengke. “Sa ginawa ba naman ng mundo sa akin sa araw na ito, Mars, then bigyan mo ‘ko ng rason na hindi ubusin ang mga ito. Charot lang! Gutom na gutom po ako dahil hindi ako nakapag-agahan kanina. Tapos sa lakas ba naman ng trip ng mga tao riyan sa paligid na dumagdag sa stress ko, ‘di ba? Ligwak ganern ang beauty ko early in the morning kaya dapat lang na busugin ang sarili ko, hindi man sa pagmamahal pero at least man lang sa pagkain,” mahabang salaysay niya sa pagitan nang pagnguya. “Daming sinabi. Eh, alam mo ba ang bulung-bulungan ngayon, Mars?” Inilapit niito ang mukha sa kan’ya na tila napaka-init talaga ng chismis na ibabalita. Pero sa kasamaang palad ay hindi siya interesado lalo na sa ganitong mga bagay na wala siyang mapapala. “Wala rin. Kung binulong nga talaga ‘yan ay malamang hindi ko talaga maririnig,” agad na pang-iinis niya sa kasama. May chismis ba agad sa harap ng pagkain? “Sira. Sasabihin ko na kahit ‘di mo itatanong. Si Mr. Ex mo po tila nagkamabutihan na raw sila no’ng nag-leave na babae na dahilan ng stress mo ngayon,” walang prenong sambit nito. Naudlot sa hangin ang dapat na pagsubo niya ng pagkain. Nanatili siyang nakanganga hanggang sa tingalain niya ito. Nakaramdam siya ng pinong kirot sa dibdib pero mabilis niya iyong binalewala. Nang makabawi ay tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “Good for them. Nobody cares!” ani niya sabay kibit-balikat. LIAR! Mabilis niyang sinubo ang pagkain at sinundan pa ng isa. Narinig niya na lang ang mahinang pagtawa ni Judy na tila hindi kumbinsido. Nakangisi itong pinagmasdan ang kanyang mga kilos habang kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD