Isinubsob niya ang sarili sa trabaho sa buong maghapon. She even skipped breaktime. Kahit pa anong bilis ang gawin niya ay halatang gagahulin pa rin siya sa oras at hindi niya iyon kayang tapusin sa oras ng uwian, maliban na lang kung mag-o-over time siya, kahit apat o limang oras lang.
Si Judy ay hindi pa rin bumisita sa silid niya gaya nang pinangako nito sa kan’ya kanina upang tulungan siya, para sana mabawasan man lang kahit kaunti ang tambak niyang trabaho. Hindi na rin siya nag-abala pang lumabas ng silid para tawagin ito dahil nasasayangan siya sa oras kung tatayo pa siya. Hinintay na lang niya ito subalit sa kasamaang palad ay malapit na ang uwian pero hindi man lang niya nakita maski ang anino nito.
Pinatuloy na lang niya ang ginagawa at nagdesisyong mag-over time na lamang. Isang oras ang nakalipas nang makarinig siya ng katok sa pinto at ang agarang pagbukas nito. Hindi muna niya tiningnan ang taong pumasok dahil mas inuna niyang silipin muna ang oras. Alas singko na pala ng hapon. Ibig sabihin ay uwian na.
“Mars, pasensya ka na kung hindi na kita nasilip pa dito kanina. Paano kasi, iyang si ex mo kasi ang daming inutos sa akin. Dinagdagan pa ang trabaho ko kung kailan maghahapon na. Mabuti na nga lang at nahabol ko pa. Kumusta ka naman diyan?” anitong mangiyak-ngiyak na, marahil ay nag-aalala at naawa ito sa kan’ya. Sinipat nito ang natirang nakapatong na mga papel sa mesa niya.
“Heto at tila mahihimatay na! ‘Lang’ya talaga ang damuhong ‘yon. Anong akala niya sa akin, robot? Kahit pa siguro si Darna ang inutusan niyang gumawa nito ay hindi rin kakayanin, eh,” nanlulumong sabi niya. Ngayon lang niya napagtanto kung gaano ito kawalang-puso.
Tumuwid siya ng upo at nag-inat. Pinaikot niya ang ulo at hinilot ang batok dahil sa ngalay na naramdaman.
“Eh, paano ‘yan ngayon? Uwian na kaya pero ‘yang papeles mo sangkaterba pa,” muli ay sabi nito at umupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.
“Ano pa ba'ng choice ko kung hindi mag-over time na lang. Siguro matatapos ko rin ‘to mamaya,” aniya sa kaibigan kahit hindi naman talaga siya kumbinsido kung matatapos niya nga ito.
“Gusto mo ba samahan na rin kita rito? Mabuti na rin ‘yon para hindi ka mag-isa habang gumagabi na. Mag-o-overtime rin ako para mas madali natin ‘yang matapos,” buluntaryo nito.
Judy is always a one call away friend. Hindi lang ito mabait, napakaunawain rin nito at totoong kaibigan. Kung makikilala lang ito ng mga kaibigan niya na sina Cian, Dwane, Lianne, Miles at Zach ay paniguradong makakasundo rin agad ito ng mga iyon. She has that genuine personality that first capture her the moment they met.
“Ito talaga. Huwag na, ano? Alam ko namang mas higit na kailangan ka ngayon sa inyo lalo pa’t may sakit ang nanay mo. ‘Di bale nang mag-isa ako rito, kaysa naman wala ka sa tabi ng nanay mo. Don’t worry about me, may guard naman sa labas. I swear, okay lang talaga ako, ako pa ba?” pangugumbinsi niya. Ayaw niyang magpaiwan ito para samahan siya sapagkat kakauwi lang ng nanay nito galing sa hospital dahil na-confine ito roon ng ilang linggo dahil sa biglaang mild stroke. Ang nakababatang kapatid lang na babae ang kasa-kasama ngayon ng nanay nito sa bahay nila kaya alam kong mas higit na kailangan nila ang presensiya ni Judy sa bahay kaysa sa kan’ya.
“Sigurado ka ba riyan?” painiguradi nito, halata sa mukha nito na ayaw siyang iwan.
“Oo nga! Ang kulit. Kaya umuwi ka na, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo. Tsupi!” biro niyang taboy rito.
“Sabi mo ‘yan, ha? Basta ba, Mars, kung sakaling may napansin kang hindi kanais-nais na nangyayari sa paligid ay agad mo akong tawagan, ha?” Hindi niya alam kung matatawa ba o kabahan sa sinasabi nito. Nagtunog na kasing nanay ito dahil sa pag-aalala.
“Pinagsasabi mong babae ka. Oo nga sabi. Ano ba ‘yan, kung anu-anong pumapasok diyan sa utak mo, kinilabutan tuloy ako,” natatawa niyang sabi saka binato ito ng marker.
Nagtawanan silang dalawa. Sa huli ay napauwi niya rin si Judy at naiwan siyang mag-isa sa silid niya. Nagpa-music siya sa kanyang computer para mabawasan ang kaba at bagot na naramdaman.
‘Di na alintana sa kan’ya ang paglipas ng oras. Malaking tulong sa kan’ya ang pagpatugtog ng musika dahil naibsan ang kanyang pagod. May pagkakataon rin na naiindak siya at kumakanta. Hanggang sa napansin niyang malapit na pala siyang matapos at sakto namang tumunog ang cell phone niya hudyat na may tumatawag. Kinuha niya ito at sinilip ang screen.
Si Chin, ang pinsan niya. Nakababatang kapatid ito ni Zach.
“Hello, Chin? Good evening, napatawag ka?” bungad niya.
“Nasaan ka na, ate? Kanina ka pa po namin hinihintay rito sa bahay. Nag-aalala na rin sina tito at tita sa’yo kasi matagal kang umuwi,” sagot nito sa kabilang linya.
Napahinto siya at napaisip sa sinabi nito. Subalit wala siyang mahagilap na kung anong dahilan kung bakit siya hinintay ng mga ito, at bakit naroon ang mga magulang niya sa bahay ng pinsan niya.
“Ay, sorry, nakalimutan ko nga palang sabihin kina mama at papa na nag-over time ako ngayon. May importanteng trabaho lang akong tinapos. Bakit nga pala nariyan sila ngayon sa inyo? Anong mayro’n?” muli ay tanong niya. Sa layo ba naman ng bahay nila Zach, imposibleng nagpunta lang ang mga ito roon upang itanong lamang ang kinaroroonan niya. Pwede namang tawagan siya kung talagang nag-alala nga ang mga magulang niya sa kan’ya.
“Nakalimutan mo ba, ate? Ay, mali! Parang hindi mo nga talaga alam. Birthday kasi ngayon ni Hana. Hindi pala nasabi sa iyo ni Kuya Zach?” anitong tinutukoy ang nakatatandang kapatid na kasing edad ko rin. They were my first degree cousin in my mother’s side.
Mataman siyang nag-isip hanggang sa maalala ang text sa kan’ya ni Zach noong isang araw. He was inviting for a family dinner. Saka lang niya naalala. Masyado na nga talagang pre-occupied ang isip niya lately dahil sa totoo lang ay talagang nawala sa isip niya ang invitationn na iyon.
“Hala! Oo nga pala! Pasensya ulit, Chin, dahil ngayon ko lang naalala ang text ni Kuya Zach mo. ‘Yaan mo’t malapit na rin akong matapos dito. Magta-taxi na lang ako papunta riyan dahil hindi ko dala ang sasakyan ko kanina dahil coding ako ngayon,” saad ko sabay lingon sa wall clock. Alas nuebe na pala ng gabi!
“Sige, ate. Hihintayin ka namin dito. Papunta na rin si Kuya Zach diyan para sunduin ka dahil delikado kung magta-taxi ka pa lalo pa’t lumalalim na ang gabi. Hintayin mo na lang siya riyan, okay? Ingat ka, Ate Mae,”
“Maraming salamat, Chin. Sige papatapos na rin ako. Hihintayin ko na kamo siya rito. Bye,” paalam niya habang inipit ang cell phone sa pagitan ng tainga at balikat saka mabilis na tumipa sa laptop.
Pagkatapos ng labinlimang minuto ay sa wakas natapos na rin siya. Mabilis niyang inayos ang mga gamit at nagmamadaling lumabas. Habang naglalakad sa hallway ay pakiramdam niya na kanina pa ay may mga matang nakamasid sa kan’ya subalit ipinagwalang bahala na lamang niya iyon.
Limang minuto siyang naghintay sa labas nang dumating ang isang itim na Lamborghini LP560-4 spyder at iniluwa roon ang makisig at gwapo niyang pinsan na si Zach. Napangiti siya at agad na niyakap ang matalik na pinsan na ilang buwan na niyang hindi nakita. Kinuha nito ang mga dala niya saka siya pinasakay sa front seat katabi nito. Nang makaayos na ay agad nitong pinasibat ang sasakyan. Walang ka ide-ideya ang dalawa na kanina pa may taong nakamasid sa kanila mula sa rooftop, may hawak na kopita, madilim ang mukha at nagtagis ang mga bagang.
“Cous'! Kumusta? Tagal nating hindi nagkita, ah? Ano bang pinaggagawa mo sa buhay ngayon upang hindi man lang ako laanan ng isang text ng pangangamusta? Huwag mong sabihing lulong ka sa trabaho dahil kung gano’n ay siguradong sobrang yaman mo na ngayon. Kaya mo na bang bilhin ang buong Pilipinas?” tudyo niya sa pinsang babad sa negosyo ng pamilya nito. Ilang buwan na ba noong huli silang nagkita ni Zach? Almost a year? Maybe. Dahil pareho silang babad sa kan'ya-kanyang trabaho ay halos hindi na sila nagpang-abot o nagkausap man lang. Maliban na lang kung may importanteng gatherings sa pamilya nila.
“Kung makayaman naman ‘to. Gaya pa rin naman ng dati, nag-uulam ng daing. Naghihikahos. Oy! Balita ko malaki na raw ang sinasahod mo riyan sa pinagtatrabahuan mo? Pwede ka na palang mag-asawa sa lagay na iyan, cous'?” balik nitong tukso sa kan’ya.
“Asawang pinagsasabi mo? Baka ikaw ang dapat mauna kasi kaliwa’t kanan ang chikababes mo. Legit na chismis ‘yan, ha? Hindi fake news,” may halong katotohanan na biro niya. Hindi maikakaila na habulin ng mga babae ang pinsan niya. He has everything, good looks, wealth, fame and amazing talents.
Ngumisi lang ito saka umiling.
Napansin niya ang laki ng ibinago ng pinsan niyang si Zach simula nang maghiwalay sila ng dating nobya nitong si Cian na bestfriend niya sa Cebu. Ang dating malambing at stick to one na si Zach ay kasalukuyang laman palagi ng bar pagkatapos ng trabaho. Iyon ang sumbong sa kanila ng tita niya na ina nito. Kung magpalit rin daw ito ng girlfriend ay parang nagbibihis lang ng damit. Sabagay, marami rin kasing naghahabol sa pinsan niya dahil hindi lang ito successful bachelor sa bansa, sikat rin ito sa pagiging bokalista sa banda na minsang napapanood sa telebisyon. Sa angking kagwapuhan, tangkad at tindig nito ay talagang magkukumahog ang mga kababaihan sa paghabol sa kanyang pinsan.
Naging masaya ang sandali ng pag-uusap nila ng kanyang pinsan. This only proves how they missed each other’s company. They used to be like this noong kabataan pa nila. Ang madilim na sandali ng na tiniis niya kanina ay napalitan ng liwanag nang makasama niya ito. They were just laughing all the way to Zach’s abode. Pansamantala niyang nakalimutan ang bigat na dinanas sa buong araw sa kompanya. Kahit pa ang nag-iisang taong naging dahilan ng paghihirap niyang iyon na walang iba kung hindi si Jacob, na hindi na ulit niya nasilayan sa buong maghapon. Marahil ay abala rin ito sa trabaho o ‘di kaya ay maagang umalis.
Mabuti na lang at nakahabol pa siya sa selebrasyon. Pagkarating nila sa bahay ay marami pa ang tao, mga kamag-anak nila at mga kaibigan ni Hana at Chin. Simpleng kumustahan lang ang ginawa niya sa mga tao roon. Hindi nagtagal ay lumappit si Zach sa kanila at nagpaalam na ito na aalis dahil may GIG pa raw ito sa isa sa mga sikat na bar sa bansa.
Pagkatapos niyang kumain ay napagpasyahan niyang umuwi na rin. Sumabay na siya sa sasakyan ng mga magulang niya. Pagkarating sa bahay ay mabilis niyang tinungo ang banyo para mag-shower. She felt relieved afterwards. Nang makapagbihis na ay dumeretso na siya sa kama. Dahil sa buong maghapong pagod ay agad siyang nakatulog.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising kaya hindi na siya na-late pa sa pagpasok sa opisina. Agad niyang inihanda ang mga papeles upang ihatid mamaya kay Jacob. Hindi na siya ginapangan ng kaba sapagkat matagumpay niyang nagawa ang trabahong ibinigay nito sa kan’ya. In fact, excited pa siya na ihampas sa mesa nito ang papeles na matagumpay niyang natapos. She’s not a loser, that’s what she wants to prove to him.
“Good morning! Mars! Kumusta ka naman? Mukhang okay ka lang naman 'ata kagabi dahil hindi mo ‘ko kinontak? Muntik ko pang paglamayan ang cell phone ko sa kaaabang ng tawag mo. Ano natapos mo naman ba?” Masiglang bati ni Judy at lumapit ito sa kanyang mesa.
“Sa awa ng Diyos, Mars, natapos ko rin. Muntikan ko pa ngang makalimutan ang birthday ng pinsan ko kahapon, eh. Buti na lang at tumawag,” sagot niya saka tumayo. Sinipat niya ang mga papel upang ihatid na kay Jacob.
“Talaga? So proud of you talaga! Really God is good, Mars. Kita mo’t natapos mo rin ang lahat ng iyon? Kung ako lang, eh, naku ‘di kakayanin ng powers ko ‘yon,” anitong tinutop ang noo saka umiling.
“Okay lang. ‘Yaan mo na, importante ay nakaraos pa rin ako. O siya, aalis na muna ako at ihahatid ko lang ito kay sir, nang mahampas ko naman ang lahat ng paghihirap ko kahapon sa pagmumukha niya,” birong sabi niya at nagpaalam na siya rito.
Tumawa ito. “Sige, Mars. Good luck!” pahabol nito at bumalik na rin sa sariling puwesto nito.
Habang naglalakad ay samo't saring ideya ang naglalaro sa kanyang isipan. How she loved to annoy that man after what he did. Ngayon ay ipapamukha niya rito na hindi siya talunan at kailan man ay hindi magpapatalo sa mga binabalak pa nito sa kan'ya.