***** Hindi na namalayan ni Jacob na nakatulugan na niya pala ang isiping iyon ng nakaraan. Isang puyat na Jacob ang pumasok sa opisina nang umagang iyon. Nakasuot ito ng itim na shades upang itago ang nangingitim na parte sa ibabang mata tanda ng kulang sa tulog. Subalit gano’n pa man ay hindi iyon nakabawas sa angking kagwapuhan nito, at mas lalo pa itong naging kaaya-aya sa mga mata ng mga nasa loob ng opisina. Nagmukha siyang isang superstar dahil sa kanyang gayak. Habang sinisipat ang mga dokumento sa kanyang mesa ay napansin niyang wala pa roon ang sa finance. Akmang tatawagan na niya sana ang departamento nang may kumatok. “Come in,” walang gana niyang saad. Iniluwa roon ang mismong taong pakay sana niya. Kumunot ang noo niya sapagkat nakasuot rin ito ng salamin, transparent