Tumitiling lumapit sa kan’ya si Cian pagkatapos ng kan’yang kanta. “O, ‘di ba? Sabi ko naman sa inyo, eh. Ano, pasado ba?” malawak ang ngiti nitong binalingan ang mga lalaki. “Whoa! Hindi ko akalaing may ganyang talent ka pala, Mae. ‘Yung performance natin kanina feeling ko nasa MOA Arena na tayo, eh. You’re amazing, Mae, I really can’t believe it!” hindi makapaniwalaang bulalas ni Seph. Nahihiyang ngiti ang isinukli niya rito. “Ehem, ehem. Ako lang ba ang nakakaamoy ng bago? Bago at preskong-presko na miyembro ni Polyhedron?” sabat naman ni Jino. “Aba’y siyempre kami rin. ‘Yon ay kung hindi niya i-decline ang offer natin?” Si Vin na nakasandal na sa sopa. Tinabihan naman agad ito ni Cian. “Papayag ‘yan. Akong bahala,” pagmamalaking sagot ni Nowie saka kumindat.