Kung sa Maynila ay pili lang ang kanyang kinakaibigan ay kabaligtaran nang dumating siya sa Cebu. Napagtanto niyang kaya naman pala niyang makipagkaibigan sa lahat, babae man o lalaki. Isang araw, inimbitahan siya nina Jino at Seph sa tambayan ng mga ito. Dalawang linggo na mula nang dumating siya rito. Agad siyang sumama sa mga kaibigan. Akala niya ay pangkaraniwang tambayan lang ang pupuntahan nila gaya ng tabing dagat. Subalit nagtaka siya nang lumiko sila papunta sa bahay nina Vin. Pagdating nila roon ay namangha siya sa nakita. Isang kompletong set ng band instruments ang nakahilira sa sala. Naroon na rin sa loob ng bahay ang mga kaibigan niya maliban kay Glen na napag-alaman niyang lumipat na raw sa Bacolod ang pamilya nito upang doon na perming manirahan. Bahagya siyang nalungko