CHAPTER 14

2252 Words

Unang naabot ng mga mata niya ang maamong mukha ni Jacob na mahimbing ang tulog. Nakatihaya ito sa kama. Suot pa nito ang makintab na sapatos sa higaan, marahil dahil sa sama ng pakiramdam nito kaya hindi na nito nagawa pang tanggalin ang mga iyon. Nang mailapag na ang bitbit niya ay maingat siyang naglakad patungo sa paanan nito, at siya na ang nagkusang magtanggal ng sapatos nito. Malinis naman iyon, kaya alam niyang kahit suot-suot pa nito kahit sa paghiga ang sapatos ay alam niyang hindi pa rin marurumihan ang puting kobre kama. Ngayon ay mas maging komportable na ito sa paghiga. Dahan-dahan niyang kinuha ang kumot sa kabilang dulo ng higaan at itinakip sa katawan nito. Hinanap ng mga mata niya ang remote control upang hinaan ang aircon. Alam niyang giniginaw ito ngayon, batay na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD