Isang linggo ang matuling lumipas. Kahit papaano ay nakapag-adjust na rin si Mae sa kanyang sitwasyon, ang harapin ang sandamakmak na papel araw-araw. Gayunpaman, lihim na dalangin pa rin niyang mapaaga ang balik ni Bernadeth mula sa bakasyon upang matapos na ang kanyang kalbaryo. Ilang araw na rin siyang puyat at kulang sa pahinga. Nang umagang iyon ay nakangiting bumungad sa silid niya si Judy. Masigla ito at halatang excited. “Oh, anong ganap? Ba’t tila ang saya ng araw mo ngayon?” Inunahan ko na dahil panigurado namang kakanta pa rin ito kahit hindi ko tanungin. “Birthday kasi pala ni Chloe ngayon. Ayon, kung hindi pa pinadalhan ng bouquet of flowers ng nobyo niya ay hindi namin malalaman. Hindi mo ba narinig? Katatapos lang kaya naming kumanta bago ako pumasok rito.” “