CHAPTER 3

1102 Words
"I can't see any good reasons to place my sincere apology here. It was your command from the contrary to see me straightly the moment I arrived here. I even knocked three times to your door before I invited myself in. That's a polite gesture though and I am used to doing that even before you come into this company. It's not my fault already if you were being disturbed from your lousy doings, and it will never be my fault if you can't afford to rent a room outside to spare such an intimate moment with your girlfriend. After all this is a place for employees to work, not to do extraordinary tasks," mahaba kong sabi. Alam kong halata ang panunuya sa aking pagkasabi dahil sa nakikita kong paniningkit ng mga mata ni Jacob at pagtiim ng kanyang mga bagang. "So you were saying na mali ang ginagawa ng boss mo at kailangan kong sundin at intindihin ang isang hamak na empleyado lamang na kagaya mo? Sino ka ba para sermonan ako ng ganyan? I can do whatever I want because I owned this company! And you? You're just being paid with a little penny here." His fist formed into balls. I saw his jaw move again. He's extremely mad. Even his eyes were burning with intense anger. "Kaya pala kahit mali ay ginagawa mo? Look, Mr. Madrigal, I have worked here for years. Alam ni Mr. Ching na hindi ko ugaling umalis nang hindi settled ang maiiwanan ko. I have done my part na naaayon sa policy ng kompanya. I already filed a leave a month before he declared you as the new CEO. Ngayon lang ako nakapagpahinga nang maayos simula nang magtrabaho ako rito, pati ba iyon ay puputulin mo? Ganyan ka ba kabuting pinuno? Ang putulin ang kaligayan ng mga nasasakupan mo?" I no longer care if he's my boss. He has to be enlightened! "You're being so sensitive here, Ms. Ramos. You've talked too much," ani nito at umupo sa swivel chair. "I am not sensitive, I'm just stating facts!" Sagot kong may diin. "Really? So what are you implying to say then?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Dati noong si Mr. Ching pa ang namamahala ay wala kaming naging problema rito. Pero simula nang ikaw ang umupo, paanong lahat ng ginagawa namin laging mali?" My words were rigid and explicit. "Dahil masyado siyang mabait kaya inabuso naman ninyo. Hindi ba ganoon 'yon, Ms. Ramos? Kung hindi mo gusto ang pamamalakad ko ay umalis ka, hindi ka malaking kawalan para habulin," he seriously said. 'Neknek mo. Ako ang naunang dumating kaya matirang matibay!' litanya ng aking isip. Napailing ako. ."You're unbelievable." "And one more thing. Respect your boss. Don't act like one, empleyado ka lang dito sa kompanya ko kaya marunong kang lumugar. Next time makialam ka rin kung may revisions ba ang policy hindi iyong basta-basta ka na lang umaalis at magsaya sa labas. As what you have said, I am the new owner so you could have expected changes as well. Rumespeto ka hindi iyong talak ka nang talak! Gusto mo pang ako ang mag-aadjust, ha? Nakakatawa ka. Out! Magtrabaho ka na!" Malakas nitong taboy sa akin.  Lumabas ako ng pinto na nagngingitngit ang dibdib.  "To hell with that man!" Pagsatinig ko dahil sa inis. Agad na lumapit sa akin si Judy pagpasok ko ng aming department.  "Mars, anong balita?" tanong kaagad nito sa akin. "Alam mo na ang sagot, Mars. Akalain mo, siya pa ang galit kung bakit nadisturbo ko sila ng lintang babaeng 'yon? Kung binilin niya sana na huwag munang magpapasok ng kung sino dahil may kahalayan pa silang ginagawa, eh, 'di sana hindi sila nabitin. Tapos iyang amo mong 'yan, palaging walang mali, eh. Wala na tayong karapatang maging tama!" Inilabas ko ang kanina ko pa gustong ibulyaw sa hudyong iyon. "Nagpaliwanag ka rin naman ba?" tanong ulit nito. "Mas malala pa sa paliwanag!" sagot ko.  Pasalampak akong umupo, kanina pa ako nanghihina dahil nanatili lang akong nakatayo sa opisina ni Jacob habang senesermonan. Namilog ang mga mata nito. "What do you mean?" tila naintriga ito sa sagot ko. "Eh, 'di nirakrakan ko rin. Bakit siya lang ba ang may karapatang magalit?" sabi kong nakanguso. Kinuha ko ang bottled water at uminom. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakapananghalian. "Anong oras na ba?" tanong ko kay Judy. "Alas-dose na. Tara samahan na kita sa canteen dahil alam kong gutom ka na. 'Tsaka hindi pa ako tapos sa mga katanungan ko sa iyo," 'yaya nito sa akin at hinawakan ako sa pulsuhan. "Alam mo, Mars, minsan napapaisip na ako na namemersonal na siya. Alam mo 'yung feeling na naghiganti?" sumbong ko kay Judy. Hininaan ko ang aking boses upang walang makarinig. Kampante naman akong sabihin kay Judy ang nakaraan ko dahil kilala ko ito. Sandalan namin ang isa't isa sa labas man o loob ng kompanya, mapatungkol sa trabaho o pamilya. "Kanina pa ako namimisteryohan sa mga sinasabi mo, Mars. 'Yaan mo't mapag-usapan natin agad iyan kapag nakapuwesto na tayo sa canteen," saad nito. Pagkarating namin doon ay agad kaming nag-order at pumuwesto sa pinakadulo. "So, ano nga ulit ang sinabi mo kanina?" tanong nito. "Which one?" sagot ko at sumubo ng kanin. "Lahat," ani naman ni Judy. "Ah, ayon nagalit din ako. Ipinamukha ko sa kanya kung gaano siya ka walang-kwentang boss," kibit-balikat kong sagot kay Judy. "Seryoso ka, sinabi mo 'yon? Tapos anong reaksyon ng kausap mo?" manghang-mangha ito sa sinabi ko. "As usual, galit! Duh, ano pa bang bago?" walang kagana-ganang sagot ko. Tumango ito. "Tapos 'yung isa pa. Iyong sinabi mo kaninang namemersonal? Bakit? Paano?" sunod-sunod nitong tanong sa akin. "Hindi kasi maganda ang huling pag-uusap namin," halos pabulong kong sabi kay Judy at lumingon-lingon sa paligid. "Huling pag-uusap? Meaning, magkakilala kayo?!" Gulat ito sa sinabi ko. I nodded. "Yes. Even more than what you think." sabi ko at uminom ng tubig. Tila nanuyo ang lalamunan ko nang maalala ang huling tagpong iyon.  "Diretsahin mo nga ako, 'di kita ma-gets, eh." reklamo nito at ngumuso. "We had a relationship back when we were college. 'Nga lang, nagkahiwalay rin kami. Kasalanan ko rin naman kasi, pero hayaan na natin iyon. Ibaon na ang dapat ibaon," ani ko at nagpatuloy sa pagkain. Pumitik ito sa hangin.  "Kaya naman pala ubod ng sungit. Pero, Mars, ha? Ang suwerte mo. Ang gwapo kaya ni sir, nahalikan mo na ba 'yung mamula-mula niyang labi?" panunudyo nito sa akin. "Hinaan mo nga 'yang boses mo at baka may makarinig sa'yo," saway ko sa kan'ya. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. "Oy, si Mars, nag-blush!" patuloy nito. "Ewan ko sa iyo. Kumain ka na nga at nang makapagtrabaho ulit," tanging nasabi ko na lang upang iwasan na ang topic na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD