Pangalawang araw ko na rito sa Cebu. Katatapos ko lang maligo at naghanap nang maisusuot sa maleta nang umalingawngaw sa kabuuan ng silid ang ring tone ng aking cell phone. Kinuha ko ang cell phone na nakapatong sa side-table at tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag.
Si Judy, kasamahan ko sa trabaho.
"Hi, Mars! Good morning! Napatawag ka? Bilis mo naman akong na-miss kaka-leave ko lang, ah?" bungad ko sa kan'ya.
"Mars, ewan ko lang kung magiging good pa ang morning mo sa ibabalita ko sa iyo," sagot ni Judy sa akin.
Kinutuban na naman ako ng hindi maganda. Paniguradong masamang balita ang hatid nito ngayon.
"Bakit? Anong mayro'n?" tanong ko sa kan'ya.
Kinakabahan man ay nais ko pa ring marinig ang kanyang sasabihin.
"Ang gwapong tigre nating amo kasi, kahapon ay buong araw na galit. Lalo na nang malaman niyang nag-leave ka. Wala raw siyang pinirmahan na approval ng leave mo. I explained to him naman na matagal nang naka-file iyon at approved na ng previous CEO. Pero galit pa rin eh," sabi nito na nagpainis sa kan'ya.
Marahas akong napabuga ng hangin. Alam kong isa na naman itong panggigipit. Bilang isang Finance Manager ay obligado kaming magpapirma sa CEO sa tuwing mag-file ng leave sapagkat iyon ang policy ng kompanya. Ngunit sa kasamaang palad ay umabot pa ang kaso ko sa taong ito.
"I already settled everything before I left, ano pa ba ang gusto niya? Buti nga at sa dating may-ari pa ako nakapag-file ng leave, eh. Dahil kung nagkataon na sa kan'ya, ay naku, siguradong luluha muna ako ng dugo bago pa niya mapirmahan!" litanya ko.
Walang sumagot sa kabilang linya.
"Hello? Mars? Are you still there?" pukaw ko sa atensyon ng kausap. Pero hindi pa rin ito sumasagot.
"I wan't her back now! If she won't be here before lunch, tell her I'll fire her immediately!"
Isang malakas na bulyaw na pagmamay-ari ng baritonong tinig ang narinig ko sa kabilang linya. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino iyon sapagkat wala namang ibang galit palagi sa opisina kung hindi si Jacob lang. Ngayon ay kailangan kong kumpirmahin kung sino ang tinutukoy nito.
"Hello? Mars, pasensiya ka na, ha? Bigla kasing pumasok dito ang ang gwapong tigre," pahinging paumanhin ni Judy.
"Narinig ko nga. Mukhang umuusok pa nga ang ilong niya sa galit, eh. Sino ba ang kaaway niya Juds?" tanong ko.
"Ay, talaga? Hindi mo kilala? Ikaw 'yon, Mars! Pinababalik ka na ng mabait mong amo ora mismo dahil kung hindi you'll be fired daw." Tila natawa pa ito sa sinabi.
Napasalampak ako sa kama.
"Seryoso ba siya? Ngayon nga lang ako nakapagpahinga simula nang magtrabaho sa kompanya, pati ito ba ipagkakait niya? Wala siyang kasing-hudas!" gigil kong himutok.
"Rinig mo naman, Mars, ang sinabi niya hindi ba? So, ano na?" tanong nito.
"Ano pa ba ang pagpipilian ko? Grr! He's really nothing but a piece of crap! Bullshit!" Napamura ako sa galit. "Sige na, magliligpit na ulit ako ng gamit. Pakisabi sa buweset mong amo na f**k him!" sabi ko at tinapos ang tawag.
Pagkatapos kong magligpit ay bumaba ako upang ipaalam kina lolo at lola na hindi na ako matutuloy sa pagsama sa kanila sa bukid dahil kailangan ko nang bumalik sa Maynila pagkatapos kong mag-agahan.
"Apo, halika na. Sakto lang ang pagbaba mo dahil nakahain na ako. Tatawagin na nga sana kita," ani ni lola at pinaghila ako ng upuan.
"Salamat po. Kaso, 'la, may masamang balita po. Kailangan ko na pong bumalik ngayon ng Maynila dahil may emergency raw." Ayaw kong ipaalam sa kanila ang estado ng trabaho ko ngayon lalong-lalo na ang tungkol sa bago kong amo upang hindi na sila mag-alala pa.
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay lolo dahil maaga raw itong umalis papuntang bukid. Naawa tuloy ako sa kanilang dalawa dahil kita ko ang labis na saya at pananabik sa mukha nila noong dumating ako. Ngunit hindi ko rin naman kasi inakala na isang araw lang pala ako rito, kasalanan talaga ang lahat ng ito ng walang-puso na si Jacob. Lagot siya sa akin pagbalik ko!
Dahil nakaalis ako ng alas-otso ng umaga sa probinsya ay nakarating ako sa opisina ng pasado alas-onse pa lang. Dala-dala ko pa ang hand carry luggage ko sa opisina sapagkat kung uuwi pa ako ng bahay ay paniguradong kakapusin na ako ng oras. Bilin pa naman ng hudyong iyon na dapat makarating na ako ng before lunch. Gigil na gigil pa rin ang aking pakiramdam hanggang sa oras na ito.
"Mars, bilin nga pala ni Mr. Madrigal na kapag dumating ka na ay dumeretso ka na raw sa opisina niya," salubong sa akin ni Judy saka binalingan ang dala ko. "Ako na ang bahala riyan. Akin na," patuloy nito at kinuha ang luggage na aking hawak.
"Thank you, Mars. I'll go ahead. Prepare your hard hat sapagkat may giyerang mangyayari ngayon," sabi ko at umalis.
Binaybay ko ang daan sa opisina ni Jacob nang kuyom ang kamao. Pagkarating ko sa pinto ay kumatok ako ng tatlong beses saka binuksan iyon. Gayun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata sa nabungaran.
Si Jacob ay nakaupo sa swivel chair, tanggal ang lahat ng butones sa polo nito. Ang babae naman ay nakapatong rito, hantad ang likod dahil sa pagdausdos ng suot nitong damit hanggang beywang. Sa nakikita ko ay mukhang enjoy na enjoy ang hudyo sa ginagawa sa harapan na bahagi ng katawan ng babae habang ang huli ay panay sabunot sa ulo ni Jacob. Puro ungol ng dalawa ang maririnig sa buong silid. May duda rin akong hindi nila namalayan ang aking pagkatok kanina.
The scene is absolutely awkward, kaya inilihis ko kaagad ang aking mata sa ibang direksyon. Nakita ko ang nagkalat na mga bagay sa sahig, malapit sa private room nito sa kanang bahagi ng opisina. Mabuti na lang at nasa itaas ng building ang CEO's office kaya hindi makikita ang ginagawa nila sa labas. Transparent glazing glass pa naman ang halos kabuuan ng edipisyong ito.
Nang makabawi ay tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon. Hindi ko ugali ang maging bastos, pero sa ginawa niya sa akin ay ibabalik ko rin ito sa kan'ya. I changed my mood in to soft upang itago ang estrangherong pakiramdam na dumayo sa aking puso sa nasaksihan. At para narin hindi maisip ng lalaking ito na apektado ako sa ginagawa nila. Ganoon pa man ay tinaasan ko sila ng kilay. Pagpapahiwatig na wala sila sa tamang lugar upang maglandian.
Lumingon silang dalawa sa akin, bahagyang nagulat pero nanatili pa ring kalmado. Siguro dahil sa pagiging CEO ni Jacob sa kompanya kaya mataas ang kumpiyansa ng dalawa. Ang kakapal talaga ng mga mukha!
Nag-ayos muna ang babae pagkatapos ay ito na rin ang kusang nagbalik sa pagbutones kay Jacob.
"Babe, I have to go. See you later," sabi ng babae at ginawaran nang mabagal na halik sa labi si Jacob.
"Take care, Sweetheart," sabi nito saka nilabas ang dila at pinadaan sa buong parte ng labi na tila ba may naiwan pang matamis na lasa roon.
Pagkalabas ng babae sa pinto ay ako naman ang binalingan ni Jacob. Muling bumalik ang bangis sa mukha nito. I remained expressionless pero nanatili parin ang pagtaas ko ng kilay. This time, wala akong naramdamang kaba at takot. Sa halip ay galit at inis ang namutawi sa akin. I step forward, facing him fiercely.
"What now, Miss Ramos? Thank you by the way for cutting the intimate scene with my girlfriend!" he sarcastically uttered.