CHAPTER 34

1511 Words

Tinutoo nga yata ni Jacob ang sumpang ligawan siya ulit sapagkat kahit nasaan siya ay nakadikit ito lagi sa kan’ya. Minsan pa nga ay biniro silang dalawa ni Judy na kambal-tuko raw sapagkat hindi na sila napaghihiwalay. Mas naging showy ito ngayon lalo pa’t kampante na ito sa ginagawang pagkilos gayong ipinaalam na nito sa lahat ang nais nito para sa kan’ya. Lihim naman siyang natutuwa sa lantarang pagbibigay nito ng atensyon sa kan’ya lalong-lalo na ang pagiging maasikaso nito na laging nauuwi sa paglalambing. Minsan ay nangangamba siyang baka makasanayan niya ang ganitong kilos ni Jacob lalo pa’t hindi niya alam kung hanggang kailan nito mapangatawanan ang pangako nito. Gayon pa man ay umaasa siyang magtatagal iyon at tapat ito sa hangarin lalo pa’t buhay na buhay pa rin sa loob ng kata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD