Panibagong umaga na naman para sa ikalawang araw ng kanilang yearly summer camp. Gumising si Mae na magaan na ang pakiramdam. Gano’n naman talaga kasi siya, hindi marunong magkimkim ng galit subalit hinding-hindi siya nakakalimot. Nakita niya si Jacob, presko at masaya ang awara nito. Ibang-iba sa Jacob na nakakasalamuha nila araw-araw sa opisina. Isa man malaking palaisipan ang pagbabago nito pero masaya na rin siya sapagkat malaking tulong iyon para mapagaan ang samahan nila lalo pa’t nasa grupo niya ito napabilang. “Good morning, Baby girl,” pabirong bati ni Jacob sa kan’ya. Maliwanag pa sa buwan ang mukha nito nang lumapit sa kan’ya. “Bibig mo, Mr. Madrigal. Kung anu-ano na naman ang lumalabas,” tipid na ngiting sagot niya. “Ssh, let it be. You are my baby girl naman talaga so I s