CHAPTER 35

1418 Words

“Sa’n ka pupunta? Huwag mo sabihing iiwan mo ‘kong mag-isa rito?” Maging ito ay nagtaka sa biglaan niyang pagtayo. “A-ano, iinom lang ako ng tubig sandali.” “Huwag ka nang pumunta roon, may dala ako rito. Here,” he handed her his bottled water. Nang pasadaan niya iyon ng tingin ay nangalahati na lang iyon, ibig sabihin ay nainuman na nito ang botelya gamit ang sariling bibig nito. Kung iinom naman siya ay para na ring nag-indirect kiss silang dalawa. Sandali siyang hindi nakagalaw dahil sa pagdalawang-isip kung tatanggapin ba ang inabot nito. “Ako lang ito, huwag ka nang matulala riyan. Ikaw yata itong patay na patay sa akin, eh.” Lumukot ang mukha niya sa sinabi nito sabay hablot sa botelyang hawak nito at mabilis na ininom ang laman. Naubos niya iyon. Nakaramdam naman siya ng ginhawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD