**Brianna** Mahigit dalawang Linggo na mula nang huli silang nagkausap ni Jacob. Napansin niyang parang may nag-iba rito, hindi na ito katulad ng dati. Kung noon ay isang tawag lang ay nalalaman na niya agad ang ginagawa nito subalit lately ay hindi na nito gaanong sinasagot ang tawag at texts niya. Sa tuwing niyayaya niya itong lumabas ay palaging busy ang dinahilan nito na sa hinuha niya'y alibi lamang upang hindi makasama sa kan’ya. Nagsimula ang panlalamig nito pagkatapos ng gabing nahuli niya itong kahalikan ang isa sa mga empleyado nito sa kompanya. Naikuyom niya nang mahigpit ang kamao sa tuwing naaalala ang eksenang nasaksihan. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang video sa tagpong iyon. Oo, nakuhanan niya ng video ang paghahalikan ng dalawa. Parang binuhusan siya n