MARAMING masarap tambayan sa paligid ng apartment building namin. Palibhasa nasa Katipunan at malapit sa ilan sa mga pinakamalalaki at pinakasikat na University at Colleges sa Manila. Gusto ko ang tinitirhan ko kasi malayo ‘yon sa Makati at Pasay kung saan ako madalas makipagkita sa mga customer ko. Mas maliit ang posibilidad na makasalubong ko ang mga lalaking isang gabi ko lang balak makita. Pero hindi rin naman talaga ako lumalabas maliban na lang kung may pupuntahang trabaho. Kaso ngayong araw, nainip na ako sa loob ng apartment ko. Ilang beses na ako tinawagan ng agency kung saan ako affiliated at marami na nagre-request na VIPs para sa akin pero tinanggihan ko lahat. In fact, nagpaalam na akong magbabakasyon muna ako. Nagulat ang agency ko siyempre. Never kasi akong nagb