HINDI ko napigilan huminga ng malalim. I crossed my legs because s****l awareness washed over me. Hindi ko gusto ang attraction na nararamdaman ko para kay Martin. “Bakit? Obvious naman na hindi mo ako gustong makita rito. Sinasabi ko na sa’yo, hindi ko ‘to sinadya okay?” Naningkit ang mga mata niya. “Why do you keep putting words into my mouth? Hindi ganiyan ang iniisip ko. So stop it, Grace.” So now he’s calling my name. Mga mata ko na naman ang naningkit. “Eh ano ang iniisip mo nang makita mo akong nakatayo sa harap mo? Huwag mong sabihing wala kasi nakita ko kung paano mo ako pasadahan ng tingin, Martin.” May kumislap na emosyon sa mga mata niya na nagpainit sa pakiramdam ko. “College student ka ba? Mas mukha kang bata ngayon kaysa noong nakita kita two weeks ago. Are you old enough