Chapter 6

1672 Words
“YOU’RE so hot, baby. So wet for me. So tight, baby. Argh.” He’s thrusting into me hard and fast and I know he’s close to climax. Ipinulupot ko ang mga binti ko sa balakang niya at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa mga kamay kong nasa itaas ng ulo ko. This guy is a very talkative s****l partner and a groaner. Usually gusto ko ang mga dirty talker. Pero sa gabing ‘to, hindi ako makapag-concentrate sa daldal niya. So when he pushed one last time inside me and screamed his orgasm, I pretended that I am also coming. I moaned, screamed his name and told him how amazing he was in bed. Kahit ang totoo hindi ako nag-enjoy. Pagkatapos niya makarecover mabilis siyang umalis sa ibabaw ko at dumeretso sa banyo. Malamang para itapon ang condom. Umiling ako at tumitig sa kisame. Ganoon ang madalas gawin ng mga customer ko. Kapag una nila akong nakita at aroused sila halos ayaw nila tigilan ang paghaplos sa katawan ko. Pero kapag nakaraos na sila lumalayo na sila sa akin na para bang bigla silang bumabalik sa reyalidad na bayarang babae ang kapiling nila sa kama. Bigla silang nagkakaroon ng guilt at pandidiri. Mga ipokrito. Bigla ko naalala si Andy, the virgin. Kahit inexperienced siya may sense siya para hindi agad umalis sa tabi ko pagkatapos namin mag s*x. Katunayan tinanong pa niya ako kahit namumula ang mukha niya kung talaga bang nag-climax ako o sinasabi ko lang ba raw ‘yon para hindi siya mapahiya. Hinaplos pa niya ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata habang nag-uusap kami. I realized at that moment that he’s a good man. Na siguro kung sa ibang pagkakataon kami nagkakilala, kung ibang buhay ang pinili ko para sa sarili ko, siya ang tipo ng lalaking gusto ko makarelasyon ng seryosohan. Pero mabilis ko rin inalis sa utak ko ang ideya na ‘yon nang maghiwalay kami ni Andy kinabukasan. Katunayan, hindi ko na siya maaalala pa uli kung hindi lang nagtanong si Martin. Narinig ko ang tunog ng shower at kumurap ako para alisin sa isip ko ang lalaking ‘yon. Si Martin, hindi si Andy. Bumangon ako at tumitig sa nakabukas na pinto ng banyo. Kung naliligo na siya ibig sabihin wala nang round two. Mabuti naman kasi wala talaga ako sa mood at baka kapag sinubukan uli namin mag s*x mahalata na niyang hindi ako nagka-climax. Bumangon ako, pinulot ang mga damit na nahubad ko kanina at nagsimula magbihis. Hindi siya nagreklamo nang paglabas niya ng banyo ready na akong umalis. In fact ni hindi nga niya ako matingnan nang abutan ako ng pera. Whatever. Walang salitang lumabas ako ng hotel room. Sa totoo lang, dalawang linggo na akong ganito. I feel like I’m in a slump. Katunayan sa dami ng lalaking nakilala ko sa nakaraang mga araw ngayong gabi ko lang napilit ang sarili ko sumama sa hotel at subukan makipagsex. Hindi sa kailangan ko nang pera. I still have plenty in my bank account. Sumama ako kasi pakiramdam ko hindi normal na wala ako sa mood. I feel like something is wrong with me. At mukhang tama nga yata ako kung pagbabasehan ang nangyari ngayong gabi. Nang nakasakay na ako ng taxi pauwi sa apartment ko nagdesisyon akong magpahinga na lang muna. Wala munang dates. Walang raket. Walang s*x. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan.   HINDI ako lumabas ng apartment ko maghapon kinabukasan. Natulog lang ako buong araw. Malaking pagkakamali kasi gising na gising naman ako buong gabi. Tumambay na lang tuloy ako sa living room ko at nagsalang ng Hollywood movies sa flat screen tv. Gone Girl really got my attention. Nagsisi tuloy ako na hindi ko ‘to pinanood sa sinehan. Gusto ko ang bidang babae. Natutuwa ako kung paano tumatakbo ang isip niya at deep inside nagpapasalamat ako na hindi ako naging kasing psychotic niya. Kasi kung pagbabasehan ang naging takbo ng buhay ko mula pa noon, himala na hindi ako naging katulad niya. Good thing I have s*x to get rid of my hidden psychotic tendencies. Ugh. Sana lang talaga mawala na ang slump ko. Hindi ko alam ang kaya kong gawin kung sakaling hindi bumalik ang s****l appetite ko. At the back of my mind, I knew the way to get rid of this slump is to find the source of it. Kaso may palagay akong alam ko ang dahilan kung bakit nawalan ako ng gana at ayokong mapunta ‘ron ang isip ko hangga’t maaari. Alas dos na nang madaling araw nang matapos ang pelikula. Kakabunot ko pa lang sa saksakan ng TV nang marinig ko ang pagbukas ng front door. Pumasok sa apartment ang bestfriend s***h housemate ko na si Angel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umiiyak siya. “Did you get dumped?” tanong ko agad. Kasi ‘yon lang naman ang pwedeng maging rason kaya siya uuwi ng madaling araw at umiiyak. Kailan lang kasi may nakilalang lalaki si Angel. An alpha male na unang beses pa lang kinuwento sa akin ng bestfriend ko alam ko na agad na paiiyakin siya eventually. Binalaan ko na siya pero huli na ang lahat kasi in love na siya. Suminghot si Angel at nilampasan ako. “No. I dumped him.”  “Ohhhhh. Tell me more.” Sumunod ako sa kaniya hanggang sa kusina. “Jack is an asshole,” sabi ni Angel, umupo sa isa sa mga silya roon. “Sabi niya exclusive daw kami pero in love pa rin siya sa Dolly na ‘yon. He’s seeing her, Grace. Alam niya na kasal na sa pinsan niya ang babaeng ‘yon pero palagi pa rin niyang kasama. Nang kuwestyunin ko siya, nagalit pa siya sa akin.” Umupo ako sa isa pang silya. Ngumiwi ako. Bakit ba kasi na-in love pa ang bestfriend ko sa isang lalaking may matinding emotional baggage? Sure, Jack Lopez is hot and rich and famous in his own way. Pero worth it ba talaga ang pain, frustration at disappointment na kadikit ng involvement sa ganoong klase ng lalaki? I don’t think so. Nagpatuloy sa pagsasalita si Angel at nanahimik lang ako kasi alam kong kailangan niya ilabas lahat ng kinikimkim niya. “So, nagalit din ako. Itinali ko siya sa kama niya. s*x lang pala ang relasyon namin ha? Eh ‘di fine. I had my way with him. I took control and I used his body for my own orgasm. Pagkatapos sinabi ko na ayaw ko na sa kaniya. Then iniwan ko siya ‘ron na nakatali pa rin at nakahubad. Nakasalubong ko ang pinsan niya paglabas ko ng bahay kaya malamang nakita siya ni Blake na ganoon ang hitsura niya.” Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na ginawa ‘yon ni Angel. Natawa ako ng malakas. As in totoong tawa na masakit sa tiyan pero ang hirap tumigil. Sumimangot siya at tiningnan ako ng masama. Siguro akala niya pinagtatawanan ko siya samantalang heartbroken na nga siya. Pero hindi ‘yon ang dahilan kaya ako natatawa. Tumikhim ako at pinilit kong magseryoso. “Ang nasa isip ko lang naman ay proud ako sa’yo, Angel.” Pagkatapos, dahil hindi ko lang mapigilan talaga, ngumisi ako uli. “You did great. I’m sure he’s craving to have you back.” Umismid siya at umiling. “I don’t think so. Si Dolly lang ang babaeng nakikita niya. Si Dolly lang ang mahalaga. Si Dolly lang ang mamahalin niya.” Bumuntong hininga ako kasi nakikita ko talaga sa mukha niya ang sakit at pait. Unrequited love. I hate that. Mabuti na lang never ko naranasan at wala akong balak ma-experience kahit kailan. “You know what? Let’s go out.” Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. “Come to my room. We need to dress up.” Hindi siya nagpahila sa akin at nagreklamo. “Wala akong ganang lumabas, Grace. At kung dadalhin mo ako sa kung saang club o bar, pass ako. Alam mong hindi ako mahilig mag-party. Saka may pasok pa ako bukas.” I rolled my eyes. “Oh, fine. Bukas na lang ng gabi tayo lumabas at hindi ka na pwede tumanggi, okay?”             Kumunot ang noo niya. “Wala ka bang date bukas ng gabi?”             Natigilan ako. May naramdamang panic at kirot sa dibdib na paminsan-minsan kong nae-experience sa nakaraang dalawang linggo. I ignored it. Nagkibit balikat ako. “Gusto ko rin naman ng pahinga minsan ‘no. Basta bukas ha?”             Bumuntong hininga si Angel. “Okay,” pasukong sagot niya.             Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. “Then go to sleep now. Baka makasalubong mo siya bukas sa trabaho. Hindi puwedeng mukha kang miserable since ikaw ang nagsabing ayaw mo na sa kaniya. Keep your head held high and act like you don’t really care about him, okay?”             Tumango si Angel. “Don’t worry. Magaling ako magtago ng tunay kong nararamdaman, remember?”             Nagkatitigan kami. Hindi ko napigilan makaramdam ng lungkot. Reflection ng lungkot na nakikita ko rin sa mga mata niya. Angel and I have been close friends since College. Hindi lang dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay kung hindi dahil pareho kaming may pinagdaanan noon na hindi namin kayang sabihin sa iba. We share a secret pain that only the two of us can understand.              “I know. But sometimes, I wonder if hiding your feelings is really good for you, Angel. Minsan naiisip ko na kung patuloy ba natin itatago ang mga nangyari sa atin noon, kung patuloy natin ikukulong somewhere deep inside us ang mga nararamdaman natin, makakawala ba tayo sa nakaraan?”             Hindi siya sumagot. Namasa lang ang mga mata. Bigla akong nagsisi na sinabi ko pa ‘yon. “Forget it. I don’t know what I’m talking about,” balewalang sabi ko para pagaangin ang usapan.             Tipid siyang ngumiti at tumango. Mayamaya lang naghiwalay na kami para pumasok sa mga kuwarto namin. Pero kahit nang nakahiga na ako sa kama, hindi ako dinalaw ng antok. Matagal akong tumitig sa kisame. At nang makatulog naman ako, isang tao ang nakita ko sa panaginip ko.             Si Martin. He was kissing my lips even in my dreams. At sa unang pagkakataon hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Hindi ako nagkaroon ng urge na kuskusin ang mga labi ko hanggang mawala ang bakas ng mga labi ng isang lalaki roon. At pagkagising ko kinabukasan, maganda ang mood ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD