"Mom... He's Gay!"

1293 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Kuntento na sana ako sa aming setup. Ngunit minsan, sadyang malupit ang tadhana. Dahil natunugan ni Irene na kina Carlo na uli ako tumitira, nagpupunta na rin siya roon. Isang araw na kami lang dalawa ang naroon sa bahay, pinaringgan niya ako. "Grabe talaga itong ibang mga hampas-lupa! Gagawin ang lahat, ipagsiksikan ang sarili kahit ayaw na noong tao..." Na diretsahan ko namang sinagot. "Tutor ako ni Carlo, Irene. Hindi ka ba natutuwa na nagsikap muli siya sa pag-aaral niya at naging responsable uli sa kanyang pag-aaral?" "Tutor? Hah! If I know!" ang sarkastiko naman niyang sagot. "Bakit ano ba sa tingin mo?" "Bakla ka di ba? At pinagpapantasyahan mo ang boyfriend ko!" "So... talagang ikaw ang nagpakalat sa tsismis na bakla ako at in love sa boyfriend mo?" "Bakit? Hindi ba totoo?" "Ano ang pruweba mo?" "Sinabi ni Carlo sa akin ang lahat! Mahal mo raw siya! Bakla!" At doon, muling sumiklab ang naramdaman kong naghilom na sanang hinanakit para kay Carlo. Hindi na lang ako kumibo. Sa isip ko, wala akong laban. Ang saklap lang dahil hindi ko akalain na hinudas pala ako ni Carlo. Ang ginawa ko ay nag-walk out na lang at pumunta sa aking kuwarto. Ngunit sinundan pa rin ako ni Irene. Hindi niya ako tinantanan kahit nasa loob na ako. Hindi siya maaawat sa kanyang pagtatalak. Ang masaklap, narinig pala ng mommy ni Carlo ang pag-iingay ni Irene. "Bakit mo sinisigawan si Christopher, Irene?" ang sambit ng mommy ni Carlo. Kahit kasi nakasara ang pinto ng aking kuwarto, naririnig ko pa rin ang usapan nila sa labas. "Mommy" ang tawag niya sa mommy rin ni Carlo. "I don't want him here. I really hate seeing him here." Ang sambit ni Irene. "Irene, I asked Chris to stay because I want him to help Carlo. Siya ang nagpatino kay Carlo." "Mom... He's gay and he has feelings for Carlo!" Hindi kaagad nakasagot ang mommy ni Carlo. Maya-maya, "How did you know this?" ang tanong niya kay Irene na halatang tumaas ang boses at nagulat. "Carlo told me!" At doon ko narinig muli ang katok sa pinto. "Chris! I want to talk to you!" ang mataas na boses ng mommy ni Carlo. Binuksan ko ang pinto. At sa pagbungad ko pa lang ay tinanong niya kaagad ako ng, "Is it true that you are gay???" Para akong nabilaukan sa tanong niyang iyon. Tiningnan ko si Irene na nasa likod lang niya, binitiwan ang isang mala-demonyong ngiti. "Irene, can you please leave us alone?" ang sambit uli ng mommy ni Carlo nang napansin niyang ibinaling ko ang tingin ko kay Irene. "Ma'am, importante ba talaga ang tanong na iyan? Are you going to fire me if I tell you I am gay?" ang sagot ko sa kanya nang wala na si Irene. "Yes, Chris. It is important. And yes... I'll ask you to leave kung totoo ito." Hindi ako nakaimik. Natulala ako sa bilis ng mga pangyayari. "So... totoo ba na bakla ka at mahal mo si Carlo?" ang paggiit niya sa tanong. Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Masakit man sa aking kalooban. Inamin ko ang lahat. Natahimik siya nang sandali, halatang nabigla. Nag-isip at biglang nagbago ang expression sa mukha. "Alam mo Chris, ayaw naming ma-impluwensya sa ganyan si Carlo. We want him to have a normal family and kids. Gusto naming magkaroon ng mga apo. I and Carlo's dad will not allow Carlo to engage in that kind of relationship. And we will do everything upang hindi maging bakla ang aming anak. Hindi puwedeng mahulog ang loob ni Carlo sa iyo. Hindi ikaw, o sino mang kagaya mo ang pinapangarap naming maging katuwang sa buhay ng aming nag-iisang anak. At si Irene... she is pregnant. We want her for Carlo. Next week ay ipapakasal na namin sila. We want them to graduate na malinis ang record, normal, at matino ang buhay." Tila nasabugan ako ng isang napakalakas na bomba sa aking narinig. Hindi ako nakakibo. Natulala. Sa pagkakataong iyon ay mistula akong isang kandilang inilaglag sa apoy; mabilis na natunaw, nawalan ng lakas, at nalusaw ang buong pagkatao. "Sana ay maintindihan mo kami Chris." Dugtong ng mommy ni Carlo sabay talikod. Tinungo ko kaagad ang aking cabinet. Kinuha ang mga gamit, ipinasok ang mga ito sa aking knapsack, at dali-daling umalis. Hindi na ako nagpaalam. Pagdating ng bahay, doon na ako nag-iiyak. At dahil nagtaka ang aking inay kung bakit ako umuwi nang wala sa oras, sinabi ko sa kanya ang lahat. Sobrang naawa sa akin ang inay. Ngunit kagaya ko, wala siyang magawa. "P-aano na si Carlo niyan? Baka magrebelde uli?" "Hayaan na ninyo siya inay. Dalawang linggo na lang at finals na. Siguro naman ay hindi na maaapektuhan pa ang kanyang mga grado. Makakagraduate pa rin po siya. Sa gabing iyon, text nang text si Carlo sa akin. At upang hindi niya malaman ang ginawa ni Irene at ng kanyang mommy sa akin, sinasagot ko pa rin ang kanyang mga texts na parang wala lang nangyari. Naghahanap na lang ako ng mga alibi. Kesyo kailangan ng inay ng katulong sa kanyang pagluluto ng kakanin, nanghihina ang inay, walang tao sa bahay... kung anu-ano na lang. Ayaw ko kasing magduda siya at magalit na naman sa kanyang mga magulang, magrebelde, at hindi makaka-graduate. Hanggang sa hindi na siya nakatiis at pinuntahan na niya ako sa bahay. "T-tatlong araw mula ngayon ay k-kasal na namin ni Irene, Toy..." ang sambit niya sa pagdalaw niyang iyon. "Alam ko." Ang sagot ko. "Civil wedding lang muna at close family members lamang ang dadalo. G-gusto kong dumalo ka." Sabay abot sa akin sa invitation card. Kahit mistulang sinaksak ang aking puso, malabnaw na tinanggap ko ang invitation card at mahinang tumango. "Promise..." ang sambit niya. "Uhmm." ang sagot ko sabay tango uli, pilit na itinago ang lungkot sa aking mukha. Ngunit hindi ako dumalo sa kasal ni Carlo. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kakayanin ang makita siyang ikakasal. Lalo pa't alam kong hindi ako welcome sa kanyang mga magulang. At upang hindi ako makontak ni Carlo, pinatay ko ang aking cp. Alas tres ng hapon ang kasal ni Carlo kaya ang ginawa ko ay nagsimba na lamang. Pagkatapos kong magsimba, dumaan ako sa seawall at muli, doon ako nagmuni-muni. Doon ipinalabas ko ang lahat ng sama ng loob. Hanggang sumapit ang gabi, naroon pa rin ako. Pinapanuod ang mga alon, ang malawak at maaliwalas na dagat habang hawak-hawak ko sa aking kamay ang toy soldier na bigay niya. Sa sea wall na iyon, nanumbalik sa aking mga ala-ala ang lahat naming masasayang araw. Iyong magkuwentuhan kami ng mga seryosong bagay sa seawall na iyon, iyong ibulatlat niya ang kanyang sama ng loob sa mga magulang, iyong minsang iyakan namin dahil sa mga problema. Minsan din, magtatawanan kami na parang mga gago. At kapag nalulungkot naman ako, patatawahin, kikilitihin hanggang sa magpambuno kami at maghahabulan. Ang lahat nang iyon, nanumbalik sa aking isipan. Sa sea wall na iyon, doon ko siya mas nakilala. Sa sea wall na iyon, doon ko narealize na kagaya ko, hindi pala lahat ng mga anak-mayaman ay may perpektong buhay. Pinatugtog ko na lang sa aking selpon ang paborito kong kanta – *Was only just the other day When all this felt so real, like nothing could go wrong. Was like a never ending dream, nothing ever changed, for so long. But now you've gone away And I've tried turning the page, and it's just not the same. But I'm breathing in, and I'm breathing out I'm wide awake, but I can't hear a sound Though I'm breathing in, I can't think about Another you, another me, another now... Tila walang katapusan ang aking pagluha. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD