Graduation Message

2023 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Kinabukasan, maagang nagising si Carlo at nakabihis na nang magising ako. "A-aalis na ako." Sambit niya. Tumango ako. "Magpakabait ka... Good luck sa kasal ninyo." "Gusto kong dumalo ka sana sa kasal ko, Toy..." "Gustuhin ko man, hindi maaari. Alam mong masaktan lang ako. At alam mong hindi maganda na nakikita ako roon ng iyong mga magulang at ni Irene. Sobrang pagkamasokista ko na kung pupunta pa ako. Hayaan mo na lang akong ituon ang oras ko sa paghahanda sa nalalapit nating graduation." "Kung kasal na ako, paano ka?" "Bakit paano? Summa c*m laude ako. Alam ko, at naniniwala ako... na magiging maganda ang buhay at kinabukasan ko. Huwag mo akong isipin. Sa daming mga pagsubok na naranasan ko sa buhay, sigurado ako, kaya kong harapin ang lahat na darating pa." "I love you..." ang bulong niya habang idinampi ang kanyang bibig sa aking mga labi. Ginantihan ko ang kanyang halik ngunit hindi ang kanyang "I love you." Nasa bukana na siya ng pintuan nang hinabol ko siya. "Heto pala Toy... ibabalik ko na sa iyo" sabay abot ko sa kanya sa kanyang sundalong laruan." Tiningnan niya ako, nagulat. "B-bakit mo siya ibabalik sa akin?" "Kay Irene mo na ibigay ito. Siya ang mas nararapat na bibigyan mo niyan. Di ba sabi mo, ibibigay mo iyan sa babaeng pakakasalan mo?" "Paano ka, wala ka nang Toy Soldier?" "Mayroon pa naman." "Nasaan?" "Nandito sa puso ko, nararamdaman ko siya. Nandito rin sa isip ko, nakaukit ang mga alaala niya... pati ang pagmamahal niya. Ang lahat nang iyon ay inaalagaan ko, dito sa puso ko." Tinitigan niya ako at binitiwan ang isang ngiting pilit habang tila nagdadalwang-isip na tinanggap ang toy soldier niya. Nang nasa kamay na niya ito, tuluyan na siyang tumalikod. Nang nasa labas na siya ng kuwarto, marahang isinara ko ang pinto. Nang tuluyang naisara ko na ito, "I love you too..." ang bulong ko. Dumating ang araw ng graduation. Masaya na malungkot. Ang totoo, naglabo-labo na ang aking naramdaman. Masaya dahil tatanggapin ko ang pinakamataas na karangalan sa aking pagtatapos ngunit malungkot din dahil sa nakitang magkasama sina Irene at Carlo. At ang mas lalo pang nagpagulo sa aking isip ay ang sikretong ibinunyag sa akin ng aking inay. Nang tinawag na ako ng emcee para sa aking valedictory speech, nakakabingi ang palakpakan ng mga tao. Nang nasa harap na ako ng mikropono, hinugot ko sa aking bulsa ang aking selpon at dali-daling tinawagan ang aking inay. Nang na-contact ko na siya, sinimulan ko ang aking pagsasalita. "This is not really the speech that I prepared. Just this morning, something happened. As I was preparing myself for this big event, my mother told me that she could not make it. She has a really, really bad fever and she can't stand nor walk. It made me feel sad. She is the only person in this world whom I dedicate this success to and the number one fan whom I wished to share my happiness with. And she's not around." Narinig ko ang reaksyon ng mga taong naawa. "Ayyyy..." "Now you know why I have my cp with me." pahiwatig ko sa hawak-hawak na selpon na inilapit ko sa aking bibig. "My mother is on the other line, listening to every word I say..." Nagpalakpakan ang mga tao. Natawa ang iba. May narinig akong sumigaw ng, "Kaya pala!" Nagpatuloy ako. "But not having my mother here is not what makes me really, really sad. This morning, my mother told me a long-held guarded secret that never, not even in my wildest dreams, have I thought I would hear. It was the most shocking and painful truth I've ever known. This is the reason why I decided that maybe, I should share my story..." At ikinuwento ko ang buhay ko at nang aking ina kung saan ay noong una, nainis ako sa kanya dahil sa maraming dahilan; kagaya nang kung bakit kami mahirap, kung bakit nakatira kami sa eskwater. Ikinuwento ko rin ang pagkahiya ko sa kanya sa tuwing naglalako siya ng kakanin sa aming eskuwelahan at kung paano ko siya itinaboy upang hindi makita ng aking mga ka-klase at hindi ako makantyawan. Ikinuwento ko rin ang palagi kong panghingi ng malaking baon, kagaya ng baon ng ibang mga ka-klase ko; at nang isang araw na umuwi ako ng bahay galing sa eskuwela, nakita ko ang maraming maruruming damit ng mga kapitbahay na hinakot ng inay... upang labhan niya para sa dagdag na kita at mabigyan ako sa hiningi kong malaking baon sa araw-araw. Ikinuwento ko na doon ako naawa sa aking inay, at nagsisi nang makitang ginawa niya ang lahat maibigay lamang sa akin ang aking luho. "But it was when I suffered the hardest emotional pain that I learned to love her the most. As many of you know, I am kind of aloof, resereved, and even loner. You would not see me hanging around with friends. One day, as if by a big travesty, I found one friend. I stuck with him, I got very close to him. And then came the problem; I fell in love with him." Narinig kong nagsilingunan ang mga tao, nagbubulungan. "Yes, I found out that I'm gay. And it was not an easy thing to accept. Coming to terms with being 'different' is already a huge burden. And secretly loving a best friend is like bearing that gigantic load with my heart deeply impaled and bleeding. That was the most difficult point in my life..." At ikinuwento ko ang punto kung saan ay tinanong ako ng ina ng aking minahal kung totoo bang bakla ako at kung mahal ko ang kanyang anak. Sinabi ko ang buong katotohanan; na sinabihan niya ako na ayaw niyang makita pa ako na kasama ang kanyang anak; na hindi siya papayag na magkaroon ako ng relasyon sa kanyang anak dahil hindi ako ang taong pinangarap niya para sa anak niya. Isiniwalat ko ang sakit na aking nadarama sa pagkarinig sa masasakit na salita ng ina ng aking kaibigang mahal, na para akong pinatay at tinanggalan ng karapatang magmahal; na pakiramdam ko ay nag-iisa lang ako sa mundo. Kinuwento ko rin na noong hindi ko na kaya ang bigat ng aking saloobin, isiwalat ko na ang lahat sa aking inay at tinanggap niya ako nang buo. "She said that she will always be there whatever it is that I would want my life to be; that in spite of being me, she wouldn't have loved me less." Sinabi ko rin sa audience ang mga payo ng aking aking inay upang matanggap ko ang aking sarili; na lahat ng tao ay kahanga-hanga, na isinilang tayo na unique, may sariling indibidwalidad, may lakas at kahinaan, may talento ngunit mayroon ding kapinsalaan. Ngunit ayon sa kanya, hindi mahalaga kung anong kahinaan at kapinsalaan mayroon tayo dahil sa likod ng mga ito, lahat tayo ay may kakayahan na magbigay-kaligayahan sa iba, na tumulong, na magiging inspirasyon at lakas ng mga taong nawalan ng pag-asa. Kung magawa raw natin iyan at matuto tayong pangibabawan ang ating sariling kahinaan, titingalain at respetuhin tayo ng kapwa bilang ang isang taong tumulong, sumagip, o nagpabago sa takbo ng buhay, hindi ang taong may kapansanan, may kahinaan, o ang lalaking nagmahal ng kapwa lalaki. "I felt so much better. My mother made me realize that for a person like me, there is a wide horizon of opportunities to hope, to be accepted, and to be loved." Dugtong ko. "This morning..." nagpatuloy ako, pilit na pinigilan ang pagbagsak ng aking mga luha "...mother told me a secret that any son or daughter wouldn't wish to hear. She asked for forgiveness for not telling me the truth saying she had waited long for the day when I will be strong enough to face the harsh of truth. She was right. I told her that today being my graduation day, I've never been more confident to face whatever comes my way. And she went on to tell me... I am not her son." At tuluyan na akong humagulgol ngunit pilit ko pa ring ipinagpatuloy ang pagsasalita bagamat nag-c***k ang aking boses. "It was like the whole world had collapsed on my shoulders. I could not say a word. I felt like my heart was ripped apart and the pain was so overpowering. I just stared at her. Then she cried and continued to explain that she found me near a garbage bin and the reason why she and my father adopted me. And she went on to say that if I was too angry or if I couldn't forgive her, she would not stop me from leaving. I did not say a word anymore. I silently left for my graduation, my heart laden with grief and my eyes, full of tears." Nahinto muli ako nang sandali at pagkatapos, ikinuwento ko ang pagpunta ko sa Chinese Temple kung saan ay tinanong ako ni Carlo kung bakit ang tao ay kailangang mamili sa buhay at kung bakit may mga bagay na nandiyan ngunit hindi naman natin pinili. At iniugnay ko ito sa pagluwal ng tunay kong ina sa akin dito sa mundo. "Why do I have to be born if someone would just dump me in the garbage? Why give me a life that I could end up hating? Now I think I know the answer; it's my mother. I did not choose this life; I did not choose her either. But when she and my father failed to have a child, there I was, giving joy and inspiration to their otherwise lifeless marriage. And I came to them right before my father passed away. Maybe, this is one of my roles – to take care of her. Maybe, this was the meaning of what she said that 'each one of us was born with a purpose...' In spite of our imperfections, we can rise above oursleves and touch lives. My mother taught me that wisdom. So to you, 'Nay, I want to tell you that no amount of harsh truth, can ever break my respect and love for you. I can never ever be angry for what you have done. You gave me life. You raised me in ways that words are not enough to express my gratitude. And with what you have made of me now, the more I adore you, the more I respect you, the more I love you. Thank you for everything." Narinig kong nagpalakpakan ang mga tao, hanggang may tumayo at nagsisunuran ang lahat. Nagpatuloy ako. "Now, you know my story. I don't really know what message to give you, fellow graduates. But I guess, it's a message of love: for your mother, for your father. Don't take them for granted. You are lucky to have them. And to the orphans, love the people who raised you. In the face of adversity, they are the ones who would stick by you. Be their light; make them proud of you. Be their source of joy and inspiration; make them happy. Forget about the questions of life; of why life seems so unfair. The answers could just be somewhere and some of them could be too tough to handle. For as long as there are people who love you, value their love. For as long as you live, dream. For as long as you desire success, rise above adversities. Make the most of what you can be, and look at the bigger purpose of why you are here. Thank you very much!" At isinara ko na ang aking cp. Nagpalakpakan uli ang mga taong nanatiling nakatayo. Pagkatapos ng aking speech at seremonya, tinawag na ang may mga honors. Nang ako na ang tinawag, naghintay ako na isa sa aming professor ang tatayo upang magsabit sa akin ng medalya. Tinawag uli ng emcee ang aking kapamilya na magsabit, inakalang may representative ang aking inay. Dahil medyo natagalan, mumuwestrahan ko na sana ang isa sa aking mga professors na siya na ang magsabit. Nagsilingunan na kasi ang mga tao sa paligid kung sino ang aakyat gayong alam nilang wala ang aking inay. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD