Natanggal Na Mga Tinik Sa Puso

1585 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Ngunit nang lumingon akong muli sa hilera ng mga magulang, laking pagkagulat ko nang tumayo ang mommy ni Carlo at dire-deretsong umakyat sa entablado. Nagpalakpakan ang mga tao. Kilala kasi ang pamilya ni Carlo bilang isa sa pinakamayamang pamilya sa aming syudad at aktibo ang mommy niya sa mga charity works. At lahat na yata ng mga estudyante sa campus ay alam ang kuwento namin ng anak niya. Kinuha niya ang medalya sa aking kamay at isinukbit ito sa aking leeg. "Congratulations, Chris." Ang bulong niya. Pagkatapos niyang maisukbit sa aking leeg ang medalya, nagsalita uli siya, "Can I hug you?" At iyon, niyakap niya ako, niyakap ko rin siya. Masaya ako sa eksenang iyon. At lalo na nang bumulong pa siya ng, "I'm sorry Chris. I was so tough on you." Isang matipid na ngiti lang ang igininanti ko sa sinabi niya. At bumaba na siya. Bumaba na rin ako patungo sa aking upuan. Tinawag ang iba pang awardees. Nang binanggit ng emcee ang "Academic Excellence Award", pangalan ko ang binanggit. Kaya umakyat muli ako sa entablado. Sa pagkakataong iyon, nilingon ko na ang aking Dean na nakaupo sa hilera ng mga administrators sa may likuran, nakaharap din sa audience. Siya na ang naisip kong magsukbit sa akin ng medalya. Ngunit nang minuwestrahan ko na siya, itinuro niya sa akin ang direksyon sa ibaba ng stage. Napalingon ako sa direksyong itinuro niya. At laking gulat ko nang nakita ko ang taong tumayo. Si Carlo at kasalukuyang hinubad ang kanyang suot na toga, inilagay sa ibabaw ng kanyang upuan. Nang nakita ng mga tao at kapwa ko graduates ang direksyon na tiningnan ko at itinuro ng aking dean, nagsilingunan sila sa kinaroroonan ni Carlo. Biglang natahimik silang lahat. Ang mga magulang na walang kaalam-alam sa aming kuwento ay halatang nagtaka kung bakit napalingon ang lahat kay Carlo na may bahid pang-uusyuso ang mga tingin. Ang mga kapwa ko graduates naman na nakaalam sa kuwento ay tahimik at maintrigang nakatingin kay Carlo. Syempre, alam nilang si Carlo ang tinutukoy ko sa aking talumpati, at lalo pa dahil naroon din si Irene, ang babaeng binuntis at pakakasalan niya. Hanggang sa nakita kong nagtatakbo na si Carlo patungo sa stage at tinumbok ang hagdanan sa gilid nito upang makaakyat. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa pagkakita ko sa kanya roon. Nanumbalik kasi sa aking isipan ang aming stage play kung saan ay una kong naranasan ang kanyang halik at nabuo ang aming "love team" at sa mismong entablado ring iyon. Tila huminto ang paggalaw ng aking mundo at nakatitg na lang ako sa kanya. Dagdagan pa sa katahimikang nangingibabaw sa auditorium na iyon na tila pigil-hininga ang lahat na inantabayanan ang sunod na mangyayari, pakiwari ko ay nasa suspended animation ang lahat. At nakakabingi ang katahimikan. Pinagmasdan ko na lang siyang nakatayo sa aking harapan. Napakaguwapo pa niyang tingnan sa kanyang suot na puting long-sleeves, dilaw na necktie, slacks, at itim na sapatos. Dagdagan pa sa kanyang buhok na nilagyan ng gell, preskong-presko at pamatay ang porma. Nginitian niya ako. Kinuha niya sa aking kamay ang medalya atsaka isinukbit ito sa aking leeg. "Congratulations, Toy... I'm so proud of you," ang bulong niya. Pagkatapos, kinamayan niya ako. Mangiyak-ngiyak ako sa eksenang iyon. Nasa ganoon kaming eksena ni Carlo sa stage nang may biglang narinig akong isang sigaw mula sa audience, "Toy! Toy! Toy!" Nagsilingunan ang mga tao sa pinanggalingan ng boses. Maya-maya, may nagsisunurang sumigaw na rin, hanggang sa halos lahat na ng mga estudyante ay nakisigaw na rin at nakakabingi na ang kanilang ingay. "Toy! Toy! Toy!" Napalingon si Carlo sa mga audience na lalo pang nagpalakas sa kanilang hiyaw. Maya-maya, kinuha ni Carlo ang mikropono, minuwestrahan ang nag-iingay na mga estudyante na tumahimik. Nang natahimik na sila, nagsalita siya. "I would like you all to know, that Mr. Chris Lara, our Summa c*m Laudi here, not only touched my life, but changed me for the better. If it was not for him, I wouldn't be here today to receive my diploma and experience the success of having completed a degree. He is my idol, my best friend, my hero..." At baling sa akin. "I can't thank you enough with what you have made of me, Toy..." At muling nagsisigawan ang mga estudyante ng "Toy! Toy! Toyyyyy!!!" hanggang sa may narinig na akong sigaw na "Kiss! Kiss! Kisssssssssssssss!!!" Napangiti na lang ako. Napangiti rin si Carlo, nilingon ang mga estudyanteng tila mga gago na walang humpay sa pagsisigaw ng "Kiss! Kiss! Kiss!" Nilingon ako ni Carlo. Nakakaloko ang binitiwan niyang ngiti. Alam ko ang ngiti na iyon; may dalang kapilyuhan. Habang nanatili siyang nakatitig sa akin, hinugot niya mula sa kanyang bulsa ang kanyang panyo at maingat na ipinahid iyon sa aking mukha. Nakakabingi ang tilian at hiyawan ng mga tao. Natawa na lang ako. Syempre, kinilig. "Kisssss! Kisssssss! Kisssssssssssssss!!!" ang patuloy pa ring pagsisigaw nila. At doon, napahinto si Carlo. Hinaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi at dahan-dahang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko hanggang sa dumampi ang kanyang mga labi sa aking kanang pisngi. Nagsigawan uli ang mga tao. Ngunit hindi doon nagtapos ang lahat. Matapos niyang halikan ang aking pisngi, kaswal na idinampi ang kanyang bibig sa aking mga labi. Iyong pabigla at panakaw na parang walang nangyari at halos hindi napapansin, sabay talikod at nakangiting nagtatakbo pabalik sa kanyang upuan. Mabilis na mabilis. Ngunit sapat na upang magwala ang mga tao at halos bumagsak ang buong stadium sa lakas ng kanilang tilian at hiyawan. Nagpalakpakan at nagsitayuan ang mga tao. Natawa na lang ako habang pinagmasdan siyang tinumbok ang hagdan ng entablado at nagmamadaling bumaba. Natapos ang graduation na tuliro pa rin ang utak ko. Hindi ko lubos maipaliwanag kung ano ba talaga ang tunay kong naramdaman. May saya dahil sa nakamit na parangal at sa paghingi ng tawad ng mommy ni Carlo, at ang pag-akyat ni Carlo sa entablado upang isukbit ang aking medalya. Ngunit may matinding lungkot dinng naramdaman ang aking puso dahil sa bigong pag-ibig at sa nabunyag na lihim ng aking ina. Natapos ang graduation na tila may natanggal na mga tinik sa aking puso. Nang malapit na ako sa aming bahay, tanaw ko ang tahimik at halos madilim na paligid nito na pinailawan lamang ng isang maliit na flourescent bulb. Ang flourescent bulb na iyon ang nag-iisang ilaw ng aming bahay. Pakiramdam ko ay walang pinag-iba sa mga nagdaang ordinaryong gabi ang pagdiwang ko sa aking graduation na iyon. Sumagi tuloy sa isip ko ang kabaligtaran nito sa kanila ni Carlo. Nakikinita ko na maliwanag na maliwanag ang bahay nila, maraming bisita, maingay ang tugtog ng sound system, at masasarap ang mga pagkain. Dire-diretso akong pumasok. Naroon ang inay sa loob at nakakaupo na siya. Agad ko siyang niyakap. Niyakap rin niya ako. Mahigpit. Iyong yakap na tila hindi kami nagkita ng maraming taon. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Anak, salamat..." ang sambit lang niya at humagulgol na. "Huwag na po kayong umiyak nay. Kumusta na po ang pakiramdam ninyo? Uminum ba kayo ng gamot?" "Uminum na ako anak. Mabuti-buti na ang pakiramdam ko." "Mabuti naman po. Hayan pala 'Nay, may dala akong pansit para may mapagsaluhan tayo sa aking pagtatapos. Hindi ka ba nagandahan sa speech ko 'Nay?" ang tanong ko. "Sobra anak. Naiyak ako sa sobrang saya. At ang galing mo anak!" "Mas masaya sana kung naroon po kayo." "Oo nga... Pero hayaan mo na. Narinig ko naman ang lahat na sinabi mo." "N-naintindihan nyo po?" "Oo naman. Nagtapos naman ako ng high school. May mga salitang malalim pero sa kabuuan, naintindihan ko. At ang ganda. Dinig na dinig ko ang palakpakan ng mga tao." "Syempre naman 'Nay. Kayo po ang inspirasyon ko. Sa iyo ko inaalay ang medalya ko" Tinanggal ko sa aking leeg ang medalya at isinukbit ko iyon sa kanyang leeg. Napangiti siya. "May regalo ako sa iyo anak..." ang sambit niya at hinugot mula sa ilalim ng kanyang kama ang isang bagay na nakabalot sa papel. "Jarannnn!" Agad kong binuksan iyon. Isang pares ng sapatos pala. Podpod na kasi ang nag-iisa kong sapatos at hindi pa napapalitan. "O di ka ba natuwa?" tanong niya. "Dapat ito ang isinuot ko sa graduation ko eh!" ang pagmamaktol ko pa. "Paano naman, nagmamadali kang umalis kanina. Halos hindi ka na nga lang nagpaalam." "Paano ba naman, isiningit ba naman iyong sikreto na iyon, at sa graduation ko pa." "Hayyy. Alam mo naman, masakitin na ang iyong inay. Akala ko kasi, ikamamatay ko na iyong naramdaman ko kanina kaya ayoko namang mamatay na hindi nasasabi sa iyo ang lahat. Baka isang araw na nasa libingan na ako, malalaman mo ito sa iba at sisisihin mo pa ako. Mahina na kasi ako, at alam ko, baka araw na lang ang bibilangin ko at lisanin ko na ang mundong ito. Kaya hayaan mo na anak. Basta masayang-masaya ako na nakapagtapos ka at tanggap mo ang lahat na ibinunyag ko." Niyakap ko na lang uli siya. Ano pa ba ang magagawa ko? Tumayo ako, tinumbok ang kusina at inilagay sa pinggan ang dala kong pansit at litsong manok atsaka bumalik sa kanyang higaan. "Heto, salo-salo natin 'Nay. Kain po kayo muna bago matulog." "Kung kaya ko lang sana ang katawan ko anak, sana ay kahit makapag-Jollibbe man lang tayo..." "Hayaan niyo na po, Inay. Sa Jollibee, sa bahay, sa plaza, sa mamahaling restaurant... walang pagkakaiba ang mga iyan 'Nay. Ang mahalaga po ay magkasama tayo." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD