"Bakla Ako... At Mahal Kita!"

920 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------------- Gabi na nang kumatok ako sa kuwarto ni Carlo. Nang buksan niya ito, nakasimangot siya at hindi man lang ako binati. Pumasok siya kaagad sa loob at naupo sa gilid ng kanyang kama. Sumunod ako. Umupo sa isang silya sa gilid ng kanyang study table. "Ano ba ang problema mo? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo? Ang hirap eh! Ang best friend ko na palaging nasa tabi ko sa panahon ng aking lungkot at saya... wala sa piling ko? Anong nangyari sa guardian soldier ko? Anong nangyari sa lucky charm ko? Dahil ba iyan kay Irene? Akala ko ba ay okay lang sa iyo ang lahat? Akala ko ba ay hindi ka galit?" "Hindi ako galit Carlo..." ang mahinahon kong sagot sa kanya. "At Carlo na ngayon? Nasaan na ang 'Toy' na tawagan???" Hindi ako umimik. Hindi ko sinagot ang tanong niyang iyon. "Wala sa iyo ang problema... wala rin kay Irene. N-nasa akin." "Nasa iyo ang problema? Bakit hindi mo sasabihin? Anak ng tokwa naman iyan o..." napakamot siya sa kanyang ulo. "Di ba wala naman tayong dapat ilihim sa isa't-isa?" dugtong niya. Parang gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon. Parang gusto ko siyang sampalin. Ang rule pala naming iyon ay para lamang sa akin dahil siya, itinago niya ang kanilang relasyon ni Irene at sa ibang tao ko pa ito nalaman. Ngunit ayaw ko nang palakihin pa ang issue. "Pasensya na Carlo... pero gusto kong dumestansya." Kitang-kita ko sa reaksyon ng mukha niya ang pagkagulat. "Putragis!!! Ano ba ang kasalanan ko??? Bakit mo ba ako ginaganito???" at talagang sumigaw na siya. "Bakit? Ano ba ang problema sa sinabi ko? Malaking bagay ba iyan para sa iyo? Hindi mo ba matanggap na nagbago na ako??? Lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago!" ang sagot ko na tumaas na rin ang boses. "Dahil best friend kita. Ikaw ang nagpatino sa akin! Ayaw kong magbago ka!" "Ang best friend Carlo ay tao ring nagbabago. Kung ako ang nagpabago ng buhay mo, salamat. Pero hindi lahat ng taong nagpabago sa takbo ng buhay natin ay habambuhay na manatili sa piling natin. Ang iba sa kanila ay hanapin ang tunay nilang mga sarili, ang tunay nilang mundo." "Bakit, ano ba ang mundo mo?" Nagulat naman ako sa tanong niyang iyon. Hindi ako nakasagot. "I deserve an answer Chris. At hindi ako papayag na ganoon-ganoon na lang na wala kang dahilan kung bakit bigla ka na lang nagkaganito! Gusto kong malaman kung ano ang tanginang dahilan na iyan!" "Gusto mo talagang malaman ang tunay na dahilan?" "Oo!" Tahimik. "Bakla ako. At mahal kita..." ang pagbasag ko sa katahimikan. Biglang natahimik din si Carlo. Tila nasabugan ng isang napakalakas na bomba. Hindi magawang magsalita. Hindi magawang tumingin sa akin. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha. "Ano? Di natameme ka?" ang sambit ko. Maya-maya inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin. "H-hindi ko akalain..." ang tanging nasambit lang niya. "Oo... ako man ay hindi ko rin akalain. At hindi ko ginusto ang masaktan nang ganito." Tumayo ako at hinugot sa aking bulsa ang laruang sundalong bigay niya at inilagay ito sa ibabaw ng kanyang drawer, sa puwestong pinakadulo ng mga nakahilera niyang laruan sa dating kinalalagyan nito. "Ibalik ko na ang toy soldier mo." At dali-dali akong tumalikod, tinumbok ang pintuan at binuksan ito. "Bukas, pala, aalis na kami ng inay dito sa inyo. Lilipat na kami ng tirahan. Nagpaalam na kami sa mga magulang mo. Maraming salamat sa lahat-lahat..." sambit ko bago ko isinara ang pinto. Animoy nagsiunahang nagbagsakan naman ang mga luha mula sa aking mga mata habang nagtatakbo akong bumaba sa hagdanan. Pagkagaling sa kuwarto niya, dire-deretso akong lumabas ng bahay, naglakad na tila walang direksyon. Hanggang sa narating ko ang seawall. Dahil gabi na, halos ako na lang ang nag-iisang tao. Umupo ako sa mismong seawall, nakaharap sa dagat. Bagamat napakaganda ng panahon, maaliwalas ang dagat, malamig ang simoy ng hangin, at ang malaking buwan ay tila nakangiting nakamasid sa akin, hindi ko halos napansin ang mga ito. Sa isip ko ay naglalaro ang payo ng aking inay na ipaglaban ang pag-ibig kung iyan ang isinisigaw ng puso ko. Ngunit matindi rin ang takot kong baka mabigo, mapahiya, lalong masaktan. Pakiwari ko ay tila huminto ang pag-ikot ng aking mundo sa pagkakataong iyon. Pakiwari ko ay wala na akong pag-asa pang lumigaya. Walang humpay ang pagdaloy ng aking mga luha. Habang nasa ganoon ako kalungkot na pagmuni-muni, tumugtog naman ang videoke machine ng restaurant na nasa di kalayuan lang. Nananadya- *Was only just the other day When all this felt so real, like nothing could go wrong. Was like a never ending dream, nothing ever changed, for so long. But now you've gone away And I've tried turning the page, and it's just not the same. But I'm breathing in, and I'm breathing out I'm wide awake, but I can't hear a sound Though I'm breathing in, I can't think about Another you, another me, another now. Where do I go from here, I've never felt so strange, I've never felt so torn 'Cause ever since you came my way, I learned to live by you and now I'm on my own. I know I need some time, to leave all this behind, 'cause I'm still hanging on I'm sitting here, all alone, nowhere to move, nowhere to go Nothing to do, I just wanna hurt... ------------------------------------- * Another Now by Kate Alexa ------------------------------------- (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD