Page 6

1052 Words
Page 6 *** Naglaro kami ng volleyball sa may court kasi wash day ngayong araw. I decided to join them kasi kanina pa nila ako yinayaya. Hindi naman ako KJ para hindi sila pagbigyan and besides, I missed playing volleyball pero habang tumatagal ang paglalaro namin ay napapansin ko na ginagawa na nilang personal ang paghahagis ng bola sa akin. Nararamdaman ko na pinupuntirya nila ang bahagi ng katawan ko kada titira sila ng bola. Buti na lang ay malakas ako at kaya kong indahin ang lahat ng binabato nila sa akin pero sadyang maiitim ang budhi ng nakalaro ko dahil sinamantala nila ang pagkakataon na madapa ako sa sahig at mabilis na pinatamaan ng bola sa mukha. Nagdugo ang ilong ko pagkatapos no’n, I saw their evil smirks at hindi ako tanga para sumuko. Pilit sila sinasaway ng mga kagrupo ko, saying that it was a foul move. Nilapitan na nga rin ako ng isa kong kagrupo at tinanong ako kung ayos lang ba ako. I just nodded at her. Kaya ko pa naman maglaro kaya sumali pa ulit ako kahit na nag-aalala na sa akin ang mga kasama ko. They wanted dirty games huh? Gumanti ako. Hindi nila inaasahan ang pagganti na ginawa ko. Nagpakawala ako ng malakas na tira na sakto din sa mukha noong tumira sa akin, hindi lang doon natapos dahil nagspike pa ako after ng pangalawang tira. Pagkatapos ko sila magantihan ay mabilis ko silang iniwan doon at pumunta na lamang sa clinic dahil unti-unti ko ng nararamdam ang pagkahilo ko. Wala ni isa ang tumulong o umalalay sa akin habang papuntang clinic hanggang sa may umalalay na lang sa akin mula sa tabi. Inaasahan ko na si Liam iyon pero iba ang nakita ko. “What are you doing?” I immediately pulled myself away from him. Bakit ba palagi na lang siya sumusulpot sa kung saan-saan? “Bakit ba nakikipaglaro ka pa rin sa kanila kahit na napuruhan ka na?” “I don’t need your sermons right now Anderson kaya kung wala kang maitutulong, you know your way out.” Akala ko ay titigilan na niya ako dahil hindi siya nagsalita pero muli na naman akong nairita dahil sa ginawa niyang pag-alalay sa akin. “Bitiwan mo nga ako!” Bakit ba hindi niya maintindihan na ayaw ko nga? Na ayaw ko na tinutulungan ako… I can handle myself well. Kahit walang tulong niya, maaalagaan ko pa rin ang sarili ko. “Nagdudugo na ang ilong mo, pero ang sungit mo pa rin. Pwede ba na makinig ka sa akin kahit kaonti lang?” Wala ang nurse sa loob ng clinic kaya agad siyang nagpasuyo sa ibang estudyante na tawagin si Nurse Sally para gamutin ako, habang ako naman ay pasimpleng umupo sa kama at isinandal ang ulo sa pader. He handed me an ice pack at tinulungan akong ilagay iyon sa ilong ko para matigil ang pagdurugo. I didn’t know that he’s capable of giving me a first aid bago dumating si Nurse Sally. Umupo siya sa kabilang kama na katapat ko at saka tumitig na na naman sa akin. “You should learn how to listen to others sometimes.” “Ano bang ginagawa mo rito? Nagkaintindihan na tayo noong una diba? If you want me to stop involving myself with you and Xyla, then stop talking to me. Don’t ever talk to me again like how we used to be.” Hindi naman talaga kami nag-uusap nito eh. Simula noong malaman ko na ex siya ni Trina, hindi ko siya tinangkang kausapin sa takot na masapak ko siya sa ginawang panloloko niya sa kaibigan ko. Nagkausap lang naman kami nito dahil noong una na akala ko stalker siya, pangalawa iyong kay Xyla at iyong sa bar ang pangatlo. Pero kung ako ang masusunod ay hindi ko talaga siya kakausapin dahil wala akong nakikitang dahilan para magkausap kami. We’re far from being friends. “Hindi porket sinabi ko ang mga ‘yon ay wala na akong dapat pakialam sa’yo. Ayoko lang na maipit ka sa amin ni Xyla.” Napamulat ako muli nang maramdaman ko ang pilit na paghiga ni Blake ng ulo ko sa kanyang balikat. Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin dahil alam nito na makikipagtalo ako sa kanya but no… I don’t think I have any energy left para magawa pang makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na sumandal sa balikat niya at dalawin ng antok. After what happened inside the clinic, agad na rin akong umalis. Naabutan pa kami ng Nurse na nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Blake kaya pinagkamalan kaming magkarelasyon. Tanging iling lang ang isinagot ko at saka umalis. Sa paglabas ko ng clinic kanina, nakita ko si Liam na nakatayo doon. Sa pagkakatanda ko, hindi pa tapos ang sasabihin niya dahil dumating si Blake. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang kailangan niya sa akin. “Ano ba ang kailangan mo?” sabi ko pagkalabas na clinic. I saw his playful smirk while looking at me with his cold eyes habang nakatago naman ang magkabilang kamay nito sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Instead of answering my question, he just took my hands and take me into somewhere more private. “I want you to be my girlfriend.” Kumunot ang noo ko sa turan niya. Ako? Bakit ako? Hindi lang naman ako ang babae dito sa campus na pupwede niya ayain. Isa ng patunay ang mga babaeng tumitili sa kanya sa hallway sa tuwing nakikita nila ito. “I don’t want gold diggers.” Wala akong naging reaksyon sa naging sagot niya sa akin. I just stared at him for a minute. “At ano naman ang makukuha ko?” He smiled devilishly. “I’ll save you from that guy,” sabi nito sabay tingin kay Blake na kasalukuyan papalapit habang masasama ang tingin nitong pinupukol sa amin dalawa. Hindi ko alam kung paano nahalata ni Liam na ayoko sa presensya ni Blake pero wala na akong pakialam doon sa ngayon. He has a good offer and I have to take it no matter what. “Fine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD