Page 5

2862 Words
Page 5 *** Napatitig ako sa kanya, hindi alam kung ano ang isasagot. Tumawa si Blake sa reaksyon ko. “Grabe! Talaga bang pinag-iisipan mo pa kung pwede tayo maging magkaibigan?” “I don’t like annoying friends,” sagot ko sa kanya. Lalo siyang napahalakhak ng tawa dahil sa sinagot ko which is true. Hindi naman nakakainis si Trina maging magkaibigan. Unti-unti na niyang binitawan ang kamay ko na kanina pa niya hawak. Ramdam ko ang tinginan ng mga ibang estudyante sa amin pero tila walang pakialam doon si Blake. Wala rin naman akong pakialam sa iisipin ng iba. We have our own lives pero hindi ko alam kung bakit nailang ako sa mga tingin na ibinibigay nila sa amin dalawa kaya hindi na ako nagsayang ng panahon at tumalikod na sa kanya. I didn’t bother to say goodbye to him, mukhang hindi na rin naman kailangan dahil nilapitan na rin siya ng mga kaibigan niya from the other course. Yinaya ako nila France na magpunta sa Venus para uminom ng alak. I felt doing it kaya pumayag ako na sumama sa kanila. Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Nakabalik na si manang pagkatapos ng pag-aalalaga sa anak niya na may sakit. “Hija, hindi ka na ba kakain?” Si Manang Alba nang makita niya ako na nakabihis na. “Hindi na po. Sa pupuntahan na lang po namin ako kakain.” Tumango na lang si manang sa akin. I kissed her on the cheeks before going out. Sa bahay, si Manang Alba na ang halos naging nanay at tatay ko… She’s been taking care of me since I was a little kid. She never leaves me alone, parang pamilya ko na si Manang Alba kaya kapag may kailangan siya ay ibinibigay ko agad. That’s the only way I could do after taking care of me until now. Mas naalagaan pa nga niya ako kesa sa mga sarili niyang anak at habang buhay akong magpapasalamt doon. It was 8pm when I finally arrived. Madali ko silang nakita dahil sa malaking mesa sa gitna. Sinalubong ako ng malalakas na tunog at ng mga taong nagsasayawan sa gitna. Maraming tao ngayon dahil weekend bukas. Panigurado ako na nandito ang iba para mag-unwind at kalimutan ang lahat ng pinagdaanan nila sa buong linggo, dahil kasama ako roon. France waved at me. Ngumiti ako at mabilis na nagpunta sa kanilang kinaroroonan. They already ordered some drinks, wala akong reklamo kasi sanay naman ako sa hard drinks. Tumabi ako kay France dahil may bakante sa tabi niya. They are sharing their thoughts about their schedule. Ang iba ay naiinis dahil may klase sila hanggang 8 ng gabi, lalo na si France. I was quiet the whole time they are talking at pasimpleng inuubos ang alak na inorder nila. I was planning to get drunk. Pamiguradong hindi naman ako mapapagalitan kapag umuwi ako ng lasing dahil wala naman ang magulang ko roon. Minsan ay naabutan ko sila but they don’t bother to asked me or talked to me kung ano ba ang nangyayari sa buhay ko. Kahit nga siguro hindi ako umuwi ay hindi nila mapapansin hangga’t maayos ang grade ko. “Hello.” Lahat kami ay napatingin sa aming kanan at nakita si Xyla. She’s waving on us. “Kilala mo siya?” tanong ko kay France. Tumango naman siya sa akin. Nalaman ko na kablockmate nila si Xyla and they invited her here, sakto nga dahil kilala ko naman siya. Umupo si Xyla sa tabi ko. "Got a boyfriend?" tanong ni France sa akin. Lahat sila ay napatingin sa akin, even Xyla. Ngumiti ako sa kanila at umiling. Wala akong balak na magkaroon ng relasyon habang nag-aaral dahil sakit lamang sa ulo ang mga lalake. Naranasan ko ang maloko at ayoko na maulit pa iyon. Hindi iyon alam ng karamihan dahil hindi naman ako nagkukwento dahil para sa akin ang mga ganoong bagay ay hindi kainteresado. Kung meron man na aagaw ng atensyon ko, it must be something worthy. "May nagugustuhan?" tanong ulit ni France na hindi pa rin ako tinitigilan. Agad din akong umiling dahil iyon naman talaga ang totoo. Wala naman akong nagugustuhan na iba. After the relationship I had with Cole, hindi na nasundan iyon. Maraming nagtatanong kung bakit hindi na nasundan iyong kay Cole. Iyong iba ay nagsasabi na natrauma raw ako o kaya ay dahil baka hindi pa ako nakakamove-on. Pwedeng totoo iyong una dahil isa iyon kung bakit ayoko na pero iyong pangalawa ay hindi totoo. At ang isa pang dahilan kung bakit hindi pa ulit ako nakikipagrelasyon ulit ay dahil walang makakuha sa atensyon ko. “Boys are just distractions,” matuwid kong sabi sa kanila kasi totoo naman. They are just a distraction to us. At ayokong mapabilang sa mga babae na nadistract sa mga goal sa buhay nila dahil lang sa lalaki. A right man will come to you at the right time. Ngayon, kung hindi pa tamang oras, God won’t give you the right man. "I've seen you many times with Anderson. Hindi mo ba siya gusto?" tanong ni Louie sa akin. Kung may iniinom lang siguro akong alak ngayon ay baka naibuga ko ‘yon kay Louie nang wala sa oras! Umiling ako bago nagpabalik-balik ang tingin kay Xyla na ngayon ay walang reaksyon. Napalingon na lang tuloy sila France kay Xyla dahil sa ginawa ko. “Hala, sorry! W-We didn’t know…” nahihiyang sabi ni France kay Xyla. Tumawa na lang ito at saka umiling. “Okay lang.” “Ikaw kasi Louie! Tanong ka ng tanong! Why would Roma like him anyway?” sabi ni France na talagang nagulat dahil ngayon niya lang nalaman na may gusto pala itong si Xyla kay Blake. Yeah. Why would I like that jerk? He’s beyond of my control and I don’t like that. At isa pa, he’s too much for me. Kahit nga presensya niya ay hindi ko gusto, siya pa kaya? “Bakit naman? Blake is a nice guy!” malakas na agap ni Louie. Pinigilan ko ang hindi mapairap. “Hindi ko papatulan ang kahit na sinong ex ng best friend ko,” seryosong saad ko na tinutukoy si Trina. Binago namin ang topic dahil sa nangyari. Masaya lang kaming nag-uusap ng apat nang may umagaw ng atensyon namin dahil sa ginawang paghila kay Xyla. Masyadong naging mabilis ang pangyayari dahil basta na lang nito hinila si Xyla palabas ng bar na puno nang galit sa kanyang mata. “Hindi ba natin sila susundan?” tanong ni France. Agad akong umiling pagkatingin niya sa akin. Hindi na kami dapat makisali sa away nila. Lalo lang lalaki ang gulo kung makikisawsaw kami kahit na sabihin pa na kaibigan namin si Xyla. Binusog ko na lang ang sarili ko sa pag-inom ng alak. Yinaya ako nila France na sumayaw sa dance floor kaya kahit na hilo na ay pumayag pa rin ako. Kailangan mawala ‘yung mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko ngayon. It's not really good for me. France asked me to look for Xyla kasi ako raw iyong unang nakakilala sa kanya. I refused pero agad nasolusyonan iyon ni France sa pamamagitan ng paglalaro ng bato-bato pick at sa kasamaang palad ay natalo ako. I had no choice but to find Xyla and ask her if she was okay. France told me to bring her back kasi baka kailangan niya ng makakasama. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanya dahil nakita ko ito na papunta na sa rest room. Agad ko siyang sinundan para samahan nang harangin ako ni Blake. "What?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mata niya. He’s wearing a plain black teeshirt and pants. Hindi siya nagsalita at hinila ako palabas ng Venus. Nakita ko pa ang pagtingin sa akin ni France na may halong pagdududa. Alam ko ang iniisip niya pero mali sila! I will never like him! “Teka, saan mo ba ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako! Hinahanap ko si Xyla!” pagpupumiglas ko sa kanya habang naglalakad kami palabas nitong bar pero sadyang mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "What are you doing?" tanong niya sa akin nang makalabas na kami. Doon kami sa likuran dumaan. As usual, walang tao sa likod nito. Sinamaan ko siya ng tingin bago sumagot. "What do you think?" Pareho kaming nagsukatan ng tingin. Hindi siya nagsalita at noong alam ko na walang mangyayari sa amin dito ay nagsalita na ako at handa na ulit hanapin ang kaibigan ko. "Pupuntahan ko na si Xyla. Excuse me." Lalakad pa lang ako pero hinawakan na naman niya ang kamay ko kaya napatingin ako eoon bago iangat ang tingin sa kanya. "Stop involving yourself with us Raelynn." seryosong wika niya na nagpatawa sa akin. Parang sandaling umakyat lahat nang galit sa dibdib ko at malapit na sumabog. “I’m not involving myself with you, Anderson. May pakialam ako dahil kaibigan ko na si Xyla at isa pa, ginagawa ko lang ang sinabi nila sa akin.” Tukoy ko sa mga kaibigan ko lalo na kay France. Kung hindi naman dahil kay France, hindi ko susundan si Xyla. Alam kong mas makabubuti na hayaan na lang muna siya. I already know that they are going to be in a lot of fights at maiipit lang ako kung makikisali pa ako! But I’m here right now dahil sa natalo ako sa bato-bato pick kanina at saka France is really concerned about her. Kahit ako ay concerned din naman. Wala naman dahilan para hindi ko pakitaan ng concern si Xyla dahil kinokonsidera ko na siyang kaibigan. “Pupuntahan ko siya because I am her friend. Okay na?” Hindi ko pinansin ang reaksyon niya sa sinabi ko kaya naglakad na ulit ako pero sadyang nakakainis siya dahil hinawakan na naman niya ang kamay ko. Sandali akong napapikit dahil doon. Gusto ko siyang sigawan pero bakit ko aaksayahin ang oras ko para makipagtalo sa kanya? Instead of wasting my energy to him, umalis na lang ako at iniwan sila. After that night, hindi ko na ulit kinausap si Blake. Hindi ko pinahalata kay Xyla na nag-away kami noong gabing ‘yon. Umuwi ako ng bahay ng mas maaga sa normal na oras dahil wala iyong prof ko sa huling klase. Nadatnan ko sila mommy sa bahay kaya ganoon na lang ang gulat ko dahil ito ang unang beses na naabutan ko sila from school. Bigla akong nakaramdam na parang nahihirapan akong huminga nang makita ko kung paano nila ako tignan ngayon. Huminga ako ng malalim para manatiling kalmado ang sarili. I kissed them both in cheeks at saka ngumiti ng pilit sa harap nila. Kumain kami ng dinner ng sabay na sobrang bihira. Ganito sila kapag may kailangan sila sa akin. They never bother to asked me what they want kaya palagi akong mag-isa. Kapag naman may kailangan ako sa school, nag-iiwan lang sila ng malaking pera sa bank account ko at pagkatapos ay ako na ang bahala gumastos. “How’s your school anak?” tanong ni mommy sa akin. I know that they are expecting a lot when it comes to me at kabilang doon ang maging okay sa lahat ng bagay lalo na sa academics. Kasi kapag sinabi ko na hindi ako okay, hindi sila matutuwa. Ayaw nila ng anak na palpak. I remembered when Noah failed to pass his bar exam, halos itakwil na siya kaya pinadala nila ito sa ibang bansa. I just didn’t want that to happen again… but on the other hand, Noah got his freedom that he’s been longing for. “Okay naman po,” sagot ko sa kanila. They smiled at me. Nagkatinginan pa silang dalawa bago tumingin sa akin kaya ako na ang nagsalita. "Bakit po?" "You have to take our position Rae,” sabi ni daddy. I wanted to tell him that I’m not ready yet pero alam ko na hindi niya sasangayunan ang sasabihin ko… na importante ang oras kaya wala akong dapat sayangin… na anak nila ako kaya dapat sumunod ako sa gusto nila. Minsan naiinggit ako kay Noah… He used to be our Dad’s favorite pero dahil nagfailed siya, he got a chance to leave this house. Gusto niya ako isama at gusto ko rin sumama but no matter how much I wanted to leave this house, at makalayo sa kanila, hindi pa rin tama. They are still our parents. "Mas mabuti ng may alam ka ng kaonti sa kumpanya natin bago mo itake-over,” sabi ni mommy sa akin. Naramdaman ko na matagal na nila itong pinlano kaya ano pa ba ang ineexpect nila na sasabihin ko? They do not consider the answer “No” kaya bakit pa nila ako tatanungin? For the formality? I sighed. I smiled on them just like what i always did. “Okay po.” "Nag-away ba kayo ni Blake?" tanong ni Xyla sa akin. Hindi dapat ako sasama sa kanya dahil medyo nailang ako pagkatapos ng nangyari sa amin ni Blake. Kaya lang, mapilit niya ako na kumain kasama siya dahil wala raw itong kasabay ngayon kumain. France and the other girls were nowhere to be found. Nakakalungkot daw kasi kumain mag-isa kaya hinila niya ako papunta sa cafeteria. Hindi ko lang masabi na sanay na ako kumain mag-isa at wala akong nakikitang malungkot doon pero hindi ko na isinatinig pa iyon at mas pinili na lang na maging tahimik. Kinagatan ko iyong burger na inorder ko sa caf. Umiling ako. Ayoko magkwento kahit hanggang ngayon ay nagagalit pa rin ako sa mga sinabi niya noong gabing ‘yon. Kamuntikan ko na siyang sampalin dahil sa mga sinabi niya, buti na lang ay napigilan ko pa ang sarili ko. "Bakit kami mag-aaway? Hindi naman kami close no'n." Sandaling napatahimik si Xyla sa sinabi ko. Marahil iniisip niya pa rin kung bakit hindi kami nag-uusap ni Blake kagaya noon. Hindi na rin naman ako umaasa na magiging close kami ni Blake porket iisa kami ng circle of friends. Why? Because he’s too much for me. Tinitigan ko lang si Xyla, waiting for her to tell me what happened… Kung hindi siya kumportable na sabihin ang nangyari sa gabing iyon ay hahayaan ko na lang. "Don't worry about that night. Okay na kami ni Blake. I just got too emotional that time." Napailing na lamang ako sa aking isipan dahil hindi siya marunong magsinungaling. It’s obvious that they are still not okay pero ano ba ang magagawa ko? Pagkatapos namin kumain ni Xyla, nakita ko si Liam. Nagkatama pa iyong mga mata namin sa isa’t isa. Iiwasan ko sana siya kung hindi lang niya ako hinarang at hinila palayo kay Xyla. Sumigaw na lang tuloy ako na mauna na siya umuwi dahil walang preno ang ginagawang paghila sa akin nito. “Bakit mo na naman ba ako hinihila?” sigaw ko sa kanya. Bakit ba panay ang paghila sa akin ng mga tao ngayon? Noong gabi ay si Blake tapos kanina ay si Xyla tapos siya naman ngayon? Hindi ba nila alam na nakakairita ang ginagawa nilang paghila sa akin? "I have a favor to ask.” I almost shouted at him when I heard the word favor kasi sino ba ang humihingi ng favor na basta ka na lang hinihila? At saka bakit ako? I’m sure he has a lot of friends. He has a name. Imposible naman na walang nakikipagkaibigan sa kanya. “Bakit ka sa akin humihingi ng pabor? You have a lot of friends.” He was about to say something if he didn’t call my name. Pareho tuloy kaming napalingon sa likuran. Tumitig ako sa tumawag sa akin. What does he want now? I thought we already clear things since that night? Hindi naman siguro siya bobo para hindi maintindihan ang inakto ko noong gabing ‘yon. "What?" “Can we talk?” Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Liam kaya napatingin ako sa kanya at napasimangot. I know what he’s thinking. At nakakainis dahil nabasa ko kaagad kung anong tumatakbo sa isipan niya. “I’ll just call you,” sabi niya nang makuha nito kung bakit ko siya tinignan. Tumango na lang ako sa kanya at pagkatapos ay naglakad at nagbabalak na lampasan si Blake pero kagaya ng parati nitong ginagawa ay pinigilan niya na naman ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. "Why are you with him...? I've told you to stay away from him." Napatitig ako sa kanya. Gusto ko matawa dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon sa akin. Sino ba siya para diktahan ako? He has nothing to do with it kaya ano sa kanya kung nakita niya akong nakikipag-usap kay Liam? At higit sa lahat, wala rin siyang karapatan na iinvolve ang sarili niya sa akin! Huminga ako ng malalim. Trying to calm myself. "Done?" I said coldly. "What?" Umiling ako bago ulit siya titigan sa mata. "I did what you've asked Anderson..." I said trying to make him remember what he asked me to do. Nagset ako ng boundaries. I’m trying to avoid them. I didn't even ask what happened that night kaya bakit pa niya ako pinakikialaman pa? "So please do me a favor." Ngumiti ako sa kanya habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. "Mind your own business."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD