Page 7

1377 Words
Page 7 *** Since that day, marami na akong rumors na naririnig sa mga kaklase ko at sa ibang department dahil sa madalas namin na pagkikita ni Liam nitong mga nakaraang araw pero ni isa doon ay wala kaming kinumpirma ni Liam. We just let them think base on the situation. Wala naman talaga akong pakialam sa mga rumors na ‘yun as long as hindi ako naaapektuhan. Kasalukuyan akong nasa library at binabasa ang susunod na lesson. I have to read the next lesson for recit later. Mahilig magtanong si Ms. Ybanez tungkol sa next lesson before proceeding. “Wala ka na ba talagang alam kundi mag-aral?” Umirap ako sa kanya. “Go away Arevalo. I need to study.” Ibinalik ko na ulit ang focus ko sa librong binabasa ko pero ang magaling na Arevalo, marahas itong hinablot palayo sa akin. I glared at him pero wala atang saysay iyon sa kanya. “You have to chill. Malayo pa naman ang exams.” I sighed. I just wished na kagaya na lang ako ng ibang estudyante na kaya magchill pero hindi naman kasi ako gano’n. I wasn’t living a normal life but from many expectations. They always say na para akong robot kung kumilos, kasi wala akong salita tungkol sa mga ginagawa ng magulang ko. They always decide what is good for myself at palagi ko silang sinusunod kasi nga magulang ko sila but at some point, nakakapagod din. “Nasasabi mo ‘yan because our parents are not the same. Stop acting like we’re close, Liam,” seryosong sabi ko sa kanya. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at ginawa pa rin ang gusto. Nagpapanggap man kami bilang isang couple, hindi ko makita ang dahilan para maging ganito siya kakulit sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ako pa ang magpanggap samantalang marami naman iba dyan at kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit kailangan niya ng girlfriend? “Okay fine. Kumain muna tayo ng lunch bago ka ulit mag-aral.” “Ganyan ka ba talaga kakulit?” tanong ko sa kanya. Malakas na tumawa lang si Liam sa akin na halos ikinalingon ng mga tao sa loob ng library maging ang librarian. Masama na tuloy ang tingin sa amin ng mga tao rito sa loob kaya imbes na magtagal pa kami dito ay mabilis ko na itong hinila palabas ng library dala ang mga gamit ko. Tahimik akong kumakain nang mapansin ko itong tumatawa ng mahina. “You’re hungry. Am I right?” Napatigil tuloy ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. I’m still annoyed on the fact that he disturbed my daily routine but I can’t deny the fact that I’m hungry too. Hindi ko na napansin ang oras dahil sa pagbabasa kanina. “You have to eat kung gusto mong may pumasok pa sa utak mo.” “Pwede naman akong kumain kahit kailan ko gustuhin. Hindi mo ako kailangan pilitin.” Muli na naman siyang natawa sa sinabi ko. Pareho sila noong taong ‘yon. I can’t still get the fact kung bakit sila tumatawa sa mga binibitiwan kong salita samantalang seryoso ako tungkol doon. It was really annoying and I can’t deal on those types of people… kasi seryoso ka tapos pagtatawann ka? Nakakapagtaka nga dahil napapakisamahan ko pa sila. “Yes Ice Queen,” sagot niya sa akin. Ice Queen? Where the hell did he get that? Bigla ko tuloy naalala ang mga classmates ko na tumatawag sa akin ng ganoon. My classmates used to call me that when I was on grade school but Trina was the only exception. She could see the real me and I was really thankful for that. Kaya siguro ganoon na lang ako katuwa kapag siya ang kasama ko… kasi hindi ko kailangan magpanggap kapag siya ang kasama ko… unlike them… I have to act that I was calm when in fact I’m not… I have to act that I was beyond on their expectations when I’m not. “I didn’t know that you can be this annoying,” naiiritang sad ko sa kanya. Isang malawak na ngisi lang ang isinagot sa akin ng kaharap ko at hindi na muling nagsalita pa. Paalis na rin sana kami ni Liam sa loob ng restaurant nang makita kami ni Xyla. Nagulat pa nga siya nang makita na magkasama kami ni Liam dahil wala naman akong naikukwento sa kanya. Hindi na nga rin ako nagulat nang lumitaw si Blake sa likuran niya at saka ako malamig na tinignan. "So the rumors were true?” Natutuwang tanong ni Xyla. Tumango na lang ako dahil ayaw ko magsalita. Ganoon din si Liam. Nakakapagtaka nga na nanatili lang itong tahimik samantalang nakukuha pa ako nito asarin kanina. As much as I wanted to talk to her, I can’t lalo na at may susunod pa akong klase kaya napagdesisyunan na magpaalam na kami ni Liam, bukod pa doon ay hindi ko na nakakayanan ang maiinit na tingin ni Blake na ipinupukol sa akin. Inihatid ako ni Liam sa classroom ko na hindi na naman kailangan but he really insists. Ang sabi niya ay dapat niya raw akong alagaan dahil ako raw ang girlfriend niya. Ang marinig iyon mula sa kanya ay para akong masusuka ng wala sa oras. He’s really a good actor on acting that he’s taking care of me when in fact, gusto niya lang na layuan siya ng mga babae na humahabol sa kanya. I know it is not enough reason to say yes pero pumayag ako dahil sinabi niya na tutulungan niya akong mapalayo kay Blake. Hindi ko nga rin alam kung sinasadya ba niya na makita kami ng ibang estudyante para kumpirmahin ang rumors by actions or he just wanted attention from anyone. Wala pa ang professor noong dumating ako kaya kinuha ko ang natitirang oras para magbasa. I can’t let my grades down dahil tiyak na mananagot ako at iyon ang pinakahuling bagay na kailangan ko sa ngayon. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin si Ms. Ybanez. Nagulat nga kami dahil hindi na ito nagparecit before proceeding to the next lesson na ididiscuss niya ngayong araw. Nag-iwan lang din siya ng assignment bago magdismiss ng klase. I texted our family driver na tapos na ang klase ko at pupwede na ako sunduin. At dahil alam ko na wala pa iyong sundo ko ay nagsaoli muna ako ng libro na hiniram ko sa library. May penalty kasi kapag sumobra ng araw sa paghiram kaya hindi pupwede kasi nagtitipid ako… I was saving money to buy a unit far from them… Gagraduate na rin naman ako at wala naman sigurong masama kung gamitin ko ang perang inipon ko para makabili ng condo na malayo sa magulang ko. “Roma.” Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin niya ang pangalan ko. Imbes na lumingon sa kanya ay naglakad lang ulit ako at nagkunwari na wala akong narinig. Binilisan ko ang lakad ko pero nagawa pa rin nito akong habulin at hawakan sa braso. Marahas ako nitong hinarap sa kanya. “What?” “Kayo ni Liam…” Iniwasan ko mapapikit ng mariin nang magsimula kong pakinggan ang gusto niya iparating sa akin. Bagama’t hindi pa niya natatapos ay alam ko na. Pero ano ba iyon sa kanya? Why does he care that much? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin niya nakukuha kung bakit ayaw ko siyang maging kaibigan? Kung bakit gusto ko na malayo na lang siya? It’s because I didn’t want any games in my life. Was it too much to ask? I just want a peace of mind. And him, being here infront of me… I know that I can’t have that. I will never have that peace if he’s here. Malamig ko siyang tinitigan bago huminga ng malalim at inipon ang natitirang lakas para sagutin ang kanyang tanong. “Yes. It’s true. Kung nasagot ko na ang tanong mo, maiwan na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD