Page 4

1698 Words
Page 4 *** I was so fvcking annoyed because of him. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa paghila sa akin kaya ako na mismo ang bumitaw sa kanya. I glared at him. Sino ba siya? “Hindi mo ba alam na masama na makinig sa usapan ng iba?” tanong niya sa akin. I almost gaped on what he said! Hindi ako nakikinig! Aksidente ko lang sila nakita! At hindi ko alam na nag-uusap sila. “What? I’m not!” sigaw ko sa kanya. “Hindi naman talaga ako nakikinig sa usapan nila. I just saw them talking, at hindi ko narinig kung ano man ang mga pinag-usapan nila,” depensa ko. Ngumisi siya sa akin. I stared at him for a minute, sapat na para makita ko ang kabuoang itsura nito. May malachinito itong pagmumuka at manipis na labi. Okay fine. He’s handsome, pero balewala ang lahat nang ‘yon dahil sa ugali niya. “Really?” Lalong kumunot ang noo ko. “Pero alam mo na nag-uusap sila. Nagtago ka pa nga eh.” Umirap ako sa kanya dahil sa sagot niya sa akin. “Hindi ako pinalaki ng magulang ko na maging tsimosa, at saka ikaw? Nakikinig ka rin diba? Kaya nga hinila mo ako kasi muntik na tayong makita!” “She confessed kaya hinila kita.” Napatitig at bahagya akong napatigil sa sinabi niya. Hindi na ako nagulat dahil alam ko na gagawin ‘yon ni Xyla. Sasabihin niya ng paulit-ulit iyon at kahit kailan hindi mapapagod dahil naniniwala siya na makikita rin ‘yon ni Blake. Wala akong ideya kung anong nakita ni Xyla sa kanya pero kung ano man ‘yon, it must be something special. I just wish that he won’t break her heart. Kasi ang tao, kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na mayroon sila, nauubos at nauubos din ‘yon. Sana lang… huwag dumating si Xyla sa ganoong punto na ubos na ubos na siya sa kakamahal ng taong sinasayang lang ang pagmamahal niya. Umalis na lang ako at iniwan ang lalaki roon. I heard him asking my name pero kagaya ng parati kong dahilan, ayokong mainvolve sa kahit na sino. It will just create more problems in the future and I didn’t want that. Dumeretso ako sa next class ko na Analytic Math pero hindi ako nakapasok dahil late na ako. Ayaw pa naman ng professor na may nalilate sa klase niya kaya ang sunod ko ng pinasukan ay iyong klase kung saan magkaklase kami ni Trina. Wala pa ang professor nung dumating ako. Umupo ako sa tabi ni Trina at saka siya tinignan. Hindi kami magkaklase ni Trina doon sa analytic dahil napuno na iyong slot kaya kinakailangan ko maghanap ng ibang oras na hindi puno. Iyon din ang isang dahilan kung bakit kami magkaklase ni Blake kahit na BM siya. "What's with the eyebags?" tanong ko sa kanya. Hindi ako pinansin ni Trina kaya hinayaan ko na. Siguro ay may nangyari na naman na kakaiba sa kanilang mag-asawa. Dumating naman iyong professor kaya lahat ay nanahimik. Today is our recit on film viewing. Lahat ay nanginginig kasi alam namin na nambabagsak iyong professor kapag hindi nakakasagot sa recit. More on recit kasi siya kesa sa laboratory. Para sa akin, mas gusto ko ‘yon dahil mas madaling magmemorize ng buong libro kesa gumawa ng whole classical film at i-present ‘yon sa class at paulanan nang maraming tanong from the professor. Halos lahat natawag na sa recit… madadali lang iyong tanong kaya swerte iyong mga nauna. After that, dinismis na ang klase. Hindi na ako sinamahan ni Trina dahil kailangan nito umuwi nang maaga kaya tumango na lang ako. I spent my time inside the library. Gumawa na ako ng assignments kasi ayoko matambakan. I still have to study at home. Ayokong magtanong ang mga magulang ko kung kamusta na ako lalo na sa school. They are expecting a lot of things from me and I have to meet those expectations. "Why are you here?" I asked. I can’t help but to be annoyed on his mere presence. Hindi ako makapag-isip ng maayos kapag nandyan siya. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na nandito ako. To think na may second floor na iyong library sa campus. "You ditched your class." Hindi ako umimik. I almost forgot about that. Lalo tuloy akong nainis dahil pinaalala pa niya. Hindi ko ugali na umabsent sa mga subjects ko but because of that guy, nalate ako. Wala akong magawa kundi i-ditch iyong class kasi hindi naman nagpapasok ng late si Ms. Gueverra. "Partner kita sa reporting sa Analytic,” sabi niya sa akin. Minadali kong kunin ang papel na nasa kanya. Binasa ko iyon at inipit sa notebook ko. "You can leave now,” sabi ko bago itinutok ang sarili sa pagbabasa na hindi lumilingon sa kanya. I was doing advance reading and assignments at the same time. Hindi pupwedeng masayang ang oras ko dahil mahalaga ang bawat oras. Umangat muli ang tingin ko sa kanya nang mapansin ko na hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko at nakatingin pa rin sa akin. Ano ba ang gusto niya? "What?" I studied his face. Nakaarko ang isa niyang kilay na para bang may gusto sabihin pero nagdadalawang-isip lang. Kung ano man ‘yon ay siguradong kawalanghiyaan na naman ang bagay na ‘yon. "Why are you with Arevalo?" seryosong tanong niya sa akin. Kilala niya si Arevalo? Pero ano naman sa kanya kung magkasama kami noong lalakeng ‘yon kahapon? It was his fault anyway. Kung hindi siya kamuntikan ng lumingon sa gawi ko, hindi ako hihilahin nung lalaking ‘yon at hindi sana ako makakaabsent sa Analytic kanina. Nalaman kong Arevalo ang last name noong kausap ko kanina dahil may nagtanong sa akin sa film viewing kung ka-close ko raw ba iyong Arevalo. Hindi ko alam ang first name niya dahil madalas siyang tawagin sa apelyido. Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya. Ilanga raw na akong humihiling na hindi na sana magkrus pa ang landas namin dalawa dahil bihira lang kami magkita noon pero simula noong mag-usap kami sa park ng gabing ‘yon ay palagi na lang kaming nagkikita. And I fvcking hate it. "It’s none of your business, Anderson,” iritado kong saad sa kanya. Umigting ang kanyang panga at saka huminga ng malalim bago sabihin ang mga salitang nagpakaba sa akin. Pilit kong inuusig ang mga tanong na pumapasok sa utak ko dahil ayokong maguluhan o maapektuhan sa mga naiisip ko. Kaya nga lumayo ako at hindi na nagpakita sa kanya simula noong huli namin nagkausap sa park pero eto na naman. "Stay away from that guy, Raelynn,” seryosong wika niya sa akin. Umawang ang labi ko sa sinabi niya bago tuluyang ipinagkrus ang braso. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na alisin ang tingin sa kanya. "Sino ka para utusan ako kung sino ang gusto ko makasama o dapat lapitan?" Hindi ko mapigilan na mainis sa mga sinasabi niya ngayon. Wala siyang karapatan na sabihan ako kung sino ang gusto ko makasama at kasama roon si Arevalo. At saka ano baa ng pakialam niya? Bakit parang bigla ay nangingialam na siya sa buhay ko? We just had a few drinks that night pero hindi pa naman ako siraulo para magawang i-involve ang sarili ko sa lalaking kagaya niya. "Just listen to me Rae. Para rin naman sa’yo to.” Mahina akong tumawa at saka umiling. When did he became so concern about me? We already know each other since first year dahil siya ang ex ni Trina pero kahit kailan ay hindi ito naging concern sa ibang tao lalo na sa akin. “We’re not even friends. Why would I listen to you?” Umalis ako sa harap niya na puno ng inis habang bitbit ang mga gamit ko. Umuwi na lang ako after I went out to the library. Naririnig ko pa nga ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abala na lumingon pa. Who is he by the way? We’re far from being friends. Hindi nga kami matatawag na acquaintance kasi kahit doon ay malayo kami. We’re very far from that. I did what he wanted me to do. I’ve written the summary on the manila paper dahil sabi niya, siya na ang bahala magdiscuss. Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang sa magsimula ang reporting namin dalawa. I thanked my professor because it ended quickly. Naging smooth ang reportings namin dahil walang mga tanong ang mga kaklase ko. Agad akong umalis nang magdismissed ang professor bago pa niya matawag ang pangalan ko pero hindi pa ako nakakailang hakbang ay nahila na niya ang braso ko. “Roma.” “What?” Tinignan ko siya at ganoon din siya sa akin. Hinihintay ko iyong mga sasabihin niya pero tinitigan niya lang ulit ako kaya napagdesisyunan ko na umalis na lang pero nakakailang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. “Kung wala kang sasabihin Anderson, pwede ba na bitiwan mo na ang kamay ko?” “Okay…Sorry,” he said. Napakurap ako ng dalawang beses, para akong nabinge dahil sa aking narinig. “Ano ulit ‘yon?” tanong ko ulit sa kanya kahit na narinig ko naman talaga. I just wanted to hear it again dahil baka lang mali ang pagkakarinig ko. I was really waiting for him to say it again while staring at him. Nakita ko pa nga ang paglunok niya at ang pagdadalawang-isip sa mata niya pero agad din iyon nawala nang magbuntong-hininga siya. “I said I am sorry.” “Forgiven.” “Roma.” Naglakad ako. Sinundan niya ako kaya hinayaan ko na. “Hmm?” Tumingin ako sa kanya kasi parang nagdadalawang isip na naman siya sa sasabihin niya. Hinawakan niya ulit ako sa braso kasi tuloy lang ako sa paglalakad. Nagulat pa nga ako nang iharap niya ako sa kanya at saka tinitigan sa mata. “Can we still be friends?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD