Page 3

1646 Words
Page 3 *** “Ganyan ka ba talaga? Ang harsh mo roon sa tao.” Si Blake na ngayon ay nakatingin sa akin. “Why are you still following me?” naiiritang tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya sunod ng sunod sa akin. Kanina ay dapat pupunta kami ng park pero nawalan na ako ng gana pagkatapos ko makita si Cole. Uuwi na dapat ako pero dinala pa rin ako ng mga paa ko rito sa park. “Well, I just thought that you need someone to talk to after seeing your ex with his new girlfriend.” Tumawa siya nang malakas habang ako ay pinigilan ang pag-irap sa kanya. Gusto ko na umuwi pero parang ayaw kumilos ng mga paa ko at mas gusto manatili rito kasama ang lalaking ‘to na nagpapairita na naman sa akin ngayon. “I rather be alone than to talk to someone annoying like you, Anderson,” mataray kong saad sa kanya na ikinatawa niyang muli. “You’re harsh to them,” wika niya sa akin. Mabilis naman akong umiling sa sinabi niya. Hindi pa ako harsh sa ganoong lagay kasi kung harsh talaga ako, dapat sinabi ko sa kanya kung ano iyong nararamdaman ko noon pa about them pero nanahimik ako. Saan banda roon ako naging harsh? “I wasn’t.” Nirolyo ko na naman muli ang aking mata sa kanya. Hindi ko rin naman hahayaan ang sarili ko na bumaba sa mababang lebel. I choose my battles wisely kagay nito. “You are. Kailangan mo ba talaga ipoint-out sa kanya na nanloko siya?” tanong niya sa akin. Inaamin ko naman na mali ako roon pero nang makita ko ang pag-aalala ni Ana nang gusto ako kausapin ni Cole na kaming dalawa lang at kung paano niya ako tinawag sa paraang pagmamakaawa na boses, ay doon ako pinakanainis. He cheated behind my back at ngayon ay sasaktan niya ang taong naging dahilan kung bakit niya ako niloko? How could he do that to her? “I’m just being honest. It was his choice to cheat behind my back. I did everything to be the best girlfriend for him pero nanloko pa rin siya. Wala na akong magagawa pa roon, at saka kung harsh ako, dapat kung ano-ano na ang sinabi ko sa kanila ni Ana pero nanatili pa rin akong kalmado.” “Pero mahal ka pa ata noong lalake.” Naningkit ang mata ko. “So what if he still loves me? It doesn’t mean na porket mahal niya ako ay pupwede na niya ako balikan. Love is not about feelings. It was more than that.” I wasn’t raised like that. Marami na akong nakita na ganoon. Iyong porket mahal ka, eh pwede na balikan pero sa huli? Hindi pa rin sila naging masaya. Hindi mo naman pupwede iapply ang love sa lahat ng bagay, minsan kailangan na ng utak kasi kapag puro nararamdaman mo lang ang pinapagana mo, papaikutin ka lang. “Did he cheat on you?” tanong niya sa akin na ikinatango ko at naging dahilan ng pagtawa niya. “Kayo talagang mga babae, porket nanloko, akala niyo magiging manloloko na lahat ng mga lalake.” Umiling ako. “I’m not one of them Blake. Huwag mo ako igaya sa kanila, it’s just that he made a mistake kaya gano’n. He cheated.” “Porket ba nagkamali, hindi na pupwede bigyan ng second chance?” He said while seriously staring at me. Umiling ulit ako. “Not everyone deserves a second chance Blake. Para mo na rin sinabi na pupwede mabuhay ang taong nilibing na.” Kasi diba? Bakit mo bibigyan ng chance ang isang taong pinili ang nanloko? Binibigay ang mga chance sa mga kasalanan na hindi sinasadya at hindi kasama doon ang panloloko kasi choice mo ‘yon. Walang nagpush sa’yo para manloko. Kung mahal mo naman iyong tao, matututo ka makuntento but he didn’t. He still cheated behind my back and I can’t do something about that. Hindi naman ako tanga para pilitin at sabihin na huwag niya na gagawin iyon kasi sigurado ako na kapag ganoon ang sinabi ko, gagawin at gagawin pa rin niya, kasi kung nagawa niya nga noong una, anong assurance ko na hindi niya na ulit gagawin ‘yon? Sweet words? Nah. At saka as if naman na mapipigil siya nang mga salita ko diba? Eh ‘di sana walang manloloko ngayon kung ganoon nga. Ang point ko lang naman, wala na akong magagawa kung nanloko siya kasi gusto niya ‘yon kaya bakit ko poproblemahin kung gusto niya naman pala noong una pa lang? Hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa taong puro panloloko ang alam. “But does he really cheat?” Napatawa ako sa kanyang tanong bago nagawang tumango nang mabilis sa kanya. “He had s*x with that woman who is now his girlfriend.” “You saw them?” tanong niya sa akin na ikinatango kong muli. Eto ang unang pagkakataon na nagshare ako sa taong hindi ko ka-close. Siguro ay dahil matagal na rin naman nangyari ito kaya nagawa kong sabihin sa kanya ang mga ‘yon at saka naka-move on na ako. Ayoko na nga rin sana maalala kung anong ginawa niya kaya lang hindi ko maiwasan na hindi maalala ang mga ‘yon kahit na matagal ko ng kinalimutan. Ang importante ay okay na ako, mukhang masaya na rin naman siya kay Ana at napatawad ko na rin siya. Hindi na siya nagtanong about kay Cole pagkatapos no’n. Inumaga na rin kami sa park kaya nagdesisyon na kami umuwi. Kaya ko na naman mag-isa pero hinatid pa rin niya ako sa bahay ko na tatlong kanto lang ang pagitan mula sa bahay niya. Tinignan ko iyong dinaraanan niya at tinitigan iyon nang mabuti. Sana tuparin ng tadhana na hindi na magkrus ang landas namin ng lalaking ‘yon. I was thankful na nagawa niya pa ako samahan sa park kanina pero wala akong balak na magkaroon ng malapit na koneksyon sa kanya. “Hi.” I rolled my eyes on him. Umupo siya sa tabi ko. Nagsimula dumating ang professor, nagturo agad siya at kagaya ng unang araw ay wala na naman akong naintindiham. “Why are you here? BM ka diba?” I whispered. “Naubusan nang slot.” mahinang wika nito pero duda ako roon. BM din kasi si Xyla. Baka intention niya na dito talaga kumuha nang mga minor subject’s para lang maiwasan si Xyla. Nakinig lang ulit si Blake sa professor. Nanatili naman akong tahimik lang at nagsulat na lang ng notes kasi wala talaga akong maintindihan. Masyadong nawili ang utak ko sa bakasyon kaya wala na akong maalala. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang kinalaman ng Phil. Gov sa course ko? Pagkatapos ng klase ay agad kong hinanap si Trina pero walang bakas akong nakita kaya minabuti ko na lang na magtungo sa library para gumawa ng assignments pero sakto naman ng makita naman ako ng mga ilang friends ko na tagaBM din. “Roma, kaklase mo pala si Blake?” tanong sa akin ni Louie. Tumango ako. Tinext ko si Trina at sinabi kung nasaan na siya dahil hindi ko siya nakitang pumasok sa unang klase namin kanina. May nangyari kaya sa kanila ni Zeus? “Naubusan daw kasi ng slot sa inyo kaya dito siya sa amin kumuha ng slot,” sagot ko sa kanila. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa sinusulat ko bago ko sila nagawang tapunan ng tingin. Kumunot ang noo nilang tatlo sa akin. “Maraming slot sa BM for minor subjects,” tanong naman sa akin ni France. “Kaya nga nagtataka rin kami nila Louie kasi ang daming slots sa BM pero talagang dito pa siya sa inyo kumuha,” sabat ni Jana. Hindi ako nakapagsalita kasi hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong sasabihin sa kanila dahil nagkakahula na ako kung bakit mas pinili niya na dito mag-enroll. Marami pa nga silang naikwento sa akin about kay Blake pero hindi ko na pinakinggan pa ang iba because I made a sudden promise to myself that I wouldn’t involve myself to him unless it’s about acads dahil kaklase ko nga siya sa Phil Gov at sa Analytic. Pagkatapos no’n ay naglakad na lang ako sa hallway na maraming iniisip. Minabuti ko na dumeretso na lang muna sa cafeteria pagkatapos ng mga nalaman ko. Medyo nagutom din ako dahil sa recitation na ginawa namin sa Phil. Gov kanina. Buti na lang at hindi pa ako natatawag. I still have time to review. Hindi ako pupwede bumagsak o bumaba ang grade ko. I was born to satisfy my parents expectation… It was hard, yes but I’m already used to it. Isang taon na lang naman at makakawala na ako sa kanila. Pagkatapos ko kumain ay nagdesisyon akong tumambay sa quadrangle at magbasa ng novel na nakainstall sa cellphone ko. Habang naglalakad ako papuntang quadrangle, nakita ko si Xyla. I don’t have any plans of calling her kaya balak ko na sana maglakad papalayo sa kanila nang makita ko na kasama niya si Blake. Imbes na naglakad ako papalayo ay nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko kung saan malabo nila ako makita kung hindi sila lilingon sa likuran. My heart went crazy nang makita ko na lilingon si Blake sa gawi ko nang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko kasi handa ko na sana siyang bulyawan. Nilapit niya sa akin ang mukha dahilan para manigas ako at saka bumulong sa akin. “Stay quiet,” sabi nito sa baritono at mababang boses. Okay? Who the hell is this guy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD