Page 2

2241 Words
Page 2 *** “Yes. Si Blake…He’s the reason why I’m here.” Bahagya akong napatitig sa kanya matapos ko marinig ang mga salitang ‘yon. Si Blake pala ang dahilan niya kung bakit siya nandito. Hindi ko na kinakailangan na magtanong pa kasi mukhang alam ko na. She’s here because of love, unfortunately Blake is the type of person who loves to play. “Paano mo nakilala si Blake?” tanong niya naman sa akin. Bumalik kami ni Xyla sa loob ng bar. Hindi na ganoon ka-crowded ang buong bar kaya uminom kaming muli sa may counter at nagsimulang magkwentuhan. “She’s my friend’s ex,” sagot ko sa kanya. Maya-maya ay nakareceive naman ako ng text galing kay Trina at nagsasabing pinuntahan daw siya ni Zeus dito sa Venus at ito mismo ang nagpauwi sa kanya. Sigurado ako na binubulyawan na ni Zeus si Trina ngayon dahil ang tigas ng ulo ng best friend ko. At dumagdag pa ako dahil tinulungan ko pa siya na makita si Gio. “So you like him?” tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na ang sagot. It was really obvious dahil makikita mo kaagad iyon sa mga mata niya kapag tinignan mo ito ng diretso. Nahihiya naman siyang tumango sa akin. “Alam kong hindi tama na sundan ko siya rito mula ibang bansa dahil matagal na niyang nilinaw sa akin na hindi niya ako gusto. But I still took the risk and made it here because my love for him is stronger than his rejection. Kahit ipagtabuyan pa niya ako, hindi ako titigil hangga’t hindi niya nare-realize kung gaano ko siya kamahal,” madamdamin niyang saad sa akin. Tumawa pa ito ng bahagya at umiling. “Pasensya ka na, kakakilala lang natin kanina tapos nakita mo na agad ako sa ganitong sitwasyon.” I didn’t want to tell her my opinion about chasing a guy kahit na nanggaling na ako roon dahil alam ko na masasaktan siya sa mga sasabihin ko. And she loves him. When a person is inlove, magiging bingi na ‘yan sa lahat ng pupwede mo sabihin kaya useless din sa huli. She has the right to choose anyway and she already chose that path. “Okay lang ‘yon. Ano ka ba? At saka alam ko na isang gago talaga iyong lalaki na ‘yon. Sorry sa pagmumura ko.” Tumango lang siya sa akin at tumawa dahil matagal na niyang alam ‘yon kaya lang kulang ang mga ‘yon para matigil ang nararamdaman niya para rito. Kinuwento ko naman kung paano nagkakilala si Blake at Trina at kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos. “He cheated behind her back.” Inihatid ko si Xyla sa tinitirhan niya. She decided to go home alone pero alam ko na uusigin lang ako ng konsyensya ko kung hindi ko siya makikita na maayos na nakarating sa tinitirhan niya kaya nag-insist ako na ihatid siya pauwi. Her family must be really rich kasi high and well-built iyong condo na tinitirhan niya. Sabi sa akin ni Xyla, dapat sa states siya mag-aaral ng BSBM kasi nandoon ang pamilya niya but because of love, she made a choice raw na talagang pinigilan ng pamilya niya at first but then again, it was her life. So she decided to live here and follow Blake after that pero mukhang hindi successful ang pagsunod niya base sa mga nakita ko… Hindi ko sinabi sa kanya ang nasa isip ko kasi alam ko na hindi rin naman magma-matter ang opinion ko. They always told me that I’m a cruel when in fact, I’m not. I just don’t like sugar-coatings… nakakairita sa pandinig… Kasi bakit mo pepekein kung pupwede mo naman gisingin sa katotohanan? Kailangan itama na ang pagkakamali habang maaga pa para less damage pero minsan, hinahayaan ko na lang sila katulad ni Trina kasi kailangan niya rin matuto. I know she’s a stubborn woman at sa experience lang siya matututo. I was tired but I didn’t want to go home yet kasi wala naman akong madadatnan na tao sa bahay... But I was really sleepy so I decided to go home even if I didn’t want to. I was scared of being alone but I got used to it… My parents are busy working for our family business at sa akin daw nila ibibigay ‘yon pagdating ng panahon since I’m their only daughter. Pero sadyang matigas lang talaga ang ulo ko dahil imbes na BM ang kunin kong kurso, Mass Communication ang kinuha ko. Wala rin si Manang Alba sa bahay kasi pinagday-off ko muna dahil nagkasakit ang anak, hindi ko naman maatim na manatili si manang sa bahay habang nag-aalala sa anak niya. Pinagday-off ko na rin si Kuya Karlos na driver namin para makapagpahinga siya kahit paano since wala naman akong gagawin bukas. I can commute naman, at saka hapon pa naman ang klase ko bukas. Nang makarating ako sa bahay ay doon ko lang din naramdaman ang pagkagutom pagkatapos ng alak na ininom namin ni Xyla kanina. I opened the fridge but it was empty. Nakalimutan ko na utusan si manang na mag-grocery bago mag-dayoff. Hindi ko na kaya ang pagkagutom kaya muli akong lumabas para bumili ng makakain nang makaramdam ako na may sumusunod sa akin kaya agad kong binilisan ang lakad ko at inabangan ito sa likod ng poste. Hinampas ko siya ng hinampas pagkalampas niya sa akin. “Ano ba?” tanong niya habang hawak-hawak ang bag na pinanghampas ko sa kanya habang galit na tinignan ako. Doon lang ako napatigil nang maging pamilyar na sa akin ng tuluyan ang kanyang mukha pero muling nanumbalik ang kaba ko sa dibdib kaya tumingin ako sa kanya ng galit. “Bakit mo ba ako sinusundan ha?” iritable kong tanong sa kanya. I was so damned scared because of him. Akala ko ay may sumusunod sa akin na kung sino at gusto akong gawan ng masama. “I’m not following you! Dito rin ako nakatira Raelynn,” sagot niya sa akin, Naningkit ang mata ko. Bakit sa dinami-rami nang makikita ko ay siya pa? At saka bakit hindi ko alam na dito siya nakatira? Bakit parang hindi ako nainformed na dito sa subdivision na ‘to nakatira ang hambog na lalaking ‘to? “Don’t call me Raelynn, we’re not even close,” iritado kong sagot sa kanya bago umirap ako na nagpatawa sa kanya. “Nang-iirap ka pa talaga matapos mo akong hampasin?” Anong gusto niyang gawin ko? Tumawa pagkatapos ko kabahan? I was so scared! Akala ko may masama na talagang mangyayari sa akin dahil sinusundan ako ng taong hindi ko kilala tapos siya lang pala ‘yon! Bakit ba nakasuot siya ng itim na jacket samantalang madilim na nga! “Akala ko kasi kung sino ka na, bakit mo ba ako sinusundan?” “Hindi nga kita sinusundan. Dito rin ako nakatira. A few blocks from your house.” I rolled my eyes heavenward. Hindi na lang ako nagsalita kasi may pakiramdam ako na aasarin lang ako nito. I don’t really like him. “Bakit? Disappointed ka ba na hindi kita sinusundan?” tanong niya sa akin at saka ginalaw-galaw pa ang kilay na parang nang-aasar. Tumawa ako sa sinabi niya, “Bakit ako madi-disappoint? You’re not even my type,” I said as a matter of fact. Kaya lang naman ako naiinis sa kanya dahil alam ko na siya iyong tipo ng tao na hindi kayang magseryoso. Pagkatapos ko malaman ang mga ginawa ni Xyla sa kanya ay hindi ko lalong matanggap na naging ex-boyfriend siya ng kaibigan kong si Trina. “Ang sungit mo talaga.” Umirap na lang ako. “How’s Trina?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at saka siya muling inirapan. “Stop asking my friend. Don’t bother her kung ayaw mong mapatay ng asawa niya,” sabi ko na parang binabalaan siya kahit na alam kong hindi naman talaga siya mapapatay ni Zeus. Siguro mga ilang suntok na sapat na para madala siya sa pinakamalapit na clinic o ospital ang matatanggap niya. Instead of going to the convenience store alone, sinamahan ako ni Blake. Baka raw kasi may mapagkamalan na naman akong may sumusunod sa akin at mahampas ko. Hindi ko rin alam kung ano ang nagtulak sa akin para hayaan itong sumama sa akin. I didn’t like him as a person and he’s also far from being a friend kaya hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siya na sumama sa akin. Now that he’s here with me, I suddenly remembered what happened kanina. I was mad on how he treats Xyla but then, it wasn’t my business anymore. Kung ano man iyong nangyari kanina ay labas na ako roon. Hindi ko nga lang alam kung paano siya nakakakilos na walang pakialam o hindi man lang inuusig ng konsensya pagkatapos niya paiyakin ang taong walang ginawa kundi mahalin siya? Papunta sana kami sa park pagkatapos namin bumili ng pagkain kasi balak namin doon tumambay. I guess I really need someone to accompany me kaya kahit ayoko ay sumama ako kay Blake. Wala naman sigurong masama. After nito, kakalimutan ko na sumama ako sa kanya, pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin dalawa, nakita ko si Cole. We stared for a couple of minutes pero agad din akong umiwas ng tingin. Nilampasan ko siya pagkatapos ko makita ang babaeng nasa tabi niya. Si Ana. “Roma, sandali.” tawag ni Cole sa akin kaya agad akong napalingon. Blake remained silent and still clueless on what’s happening. Halos nakalimutan ko na rin na malapit lang din pala dito si Cole nakatira kaya bakit nga ba ako nagulat nang makasalubong ko siya kanina? Kitang-kita ko ang kaba sa mukha ni Ana pagkakita nito sa akin. Hindi ako kagaya ng babaeng walang delikadesa. I was raised to be a proper lady at hindi kasama doon ang maging asal hayop kapag niloloko ka na ng taong karelasyon mo kaya kahit nangangati ang kamay ko na sampalin silang dalawa noon ay nanatili akong kalmado at walang pakialam. Pero ang makita ngayon ang takot sa kanyang mukha on how her boyfriend approach me…makes me smile…somehow. Yes, I was hurt. But I’m okay now. Doon ko naintindihan kung bakit palaging sinasabi ni mommy sa akin noon na kapag mali na at ginagawa ka ng tanga, tumigil ka na kasi hindi naitatama ang mali ng isa pang pagkakamali at ang paghahabol ko kay Cole ay isang pagkakamali na. Oo, may mga sitwasyon na hindi naman masamang maghabol, na ipaglaban mo iyong nararamdaman mo but there’s always an end to everything. It was his choice to cheat behind my back. Alam kong may pagkukulang din ako sa kanya pero ginagawa ko naman ang lahat para punan ‘yon. I guess it wasn’t enough for him. I tried to become the best girlfriend he could ever have pero mas pinili niya pa rin na magloko. I guess it’s a man’s nature. Iyong magloko sila Kahit wala ka naman ginawang pagkukulang. “Can we talk?” tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at saka tumingin kay Ana bago tuluyang tumango sa kanya. “Sure. Let’s talk here.” Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Tumitig lang ako kay Cole. Bakas ko ang pagsisisi sa mukha niya pero hindi ako tanga para magawang balikan siya ulit pagkatapos ng lahat. Once a cheater will always be a cheater. “Roma…” “Ana is worried. Can’t you read her face? Kaonting konsiderasyon naman,” diretsa kong wika sa kanya na ikinagulat niya. Tumingin siya kay Ana at saglit itong nanahimik bago makapagsalita. “I’m sorry.” Huminga ako ng malalim. Gusto ko tanungin kung bakit ngayon lang? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero bakit ngayon lang? We didn’t have a proper closure but I’m okay with that. I already move on and accepted the harsh truth that I wasn’t enough for him. The only thing I could do now is to build a better version of myself. Ayokong lunurin ang sarili ko sa nakaraan kasi bakit ko gagawin ‘yon? I have the right to be happy and to stay on our memories is not included to be happy. “Forgiven. Pwede na ba ako umalis?” Ani ko sa kanya. “Roma…” Napahinga ulit ako ng malalim kasi nabasa ko agad ang nasa isip niya pero hindi ako ganoon Katanga para magawang magpaloko ulit. Tama na ang isang pagkakamali na matagal ko ng itinama noon. At isa pa, okay na ako. Kung gagawin niya ulit iyong ginawa niya sa akin kay Ana, choice niya ulit iyon at labas na ako roon. Walang pumilit sa kanya para manloko. It was his choice pero sana matuto si Ana. Hindi nakakagaling ang pagiging martyr. Ngumiti ako sa kanya. “Cheating is a choice. Always remember that.” ani ko at saka hinila si Blake paalis sa harap nilang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD